3 years ago. I fell inlove with a guy. He loved me back and we build a relationship.
I thought it was easy. That when a person loves you, he will love you until the end. But it's not like that.
There are people who will come into your life, not to stay, but to teach you a lesson.
"Okay students, please proceed now at the gymnasium because the flag ceremony is about to start."
Agad nang nagsi-alisan ang mga estudyante papuntang gymnasium dahil sa announcement na iyon mula sa Principal's office.
Today is our first day, I am a senior high school now. This school was small but I chose to enter here because of my strand which is Humanities and Social Sciences.
Public school itong paaralan na papasukan ko ngayong year. Kahit may pera kami hindi ibig sabihin nun dapat nasa mamahaling school din dapat ako mag-aaral. Gusto ko rin maranasan ang buhay public school.
"Hoy! Pogi? Ano pa ang tina tayo-tayo mo diyan? Halikana! Magsisimula na ang flag ceremony!"
My left eyebrow raised because of the woman who appeared in front of me. Nakasandal pa ako sa pader dahil hinihintay ko pang humupa ang mga estudyanteng dali-dali nang nagsisi-alisan papunta ng gym. Ayaw ko kasing makipag-siksikan sa hagdan. I'm too pretty to get haggard this morning. Today is the first day of school so ayaw kong ma stress agad!
"Excuse me?" Mataray na saad ko and I crossed my arms over my chest while looking at her. "What did you say? Pogi? Mukha ba akong pogi huh?"
Hindi ba obvious na bakla ako? Just by my posture and movements, it's obvious that I'm gay. Bakit may pogi pa siyang nalalaman? It because of my looks? I put liptint and blushed on kaya!
"Sus! Kahit anong paganda ang gagawin mo? Lalaki ka pa rin! Kaya tara na!" Sabi niya at parang wala lang epekto ang pagtataray ko sa kaniya.
Mukha siyang boyish dahil sa suot niyang puting plain T-shirt at faded jeans. Naka black tennis pa siya tsaka naka pusod ang kaniyang itim at kulot na buhok.
Certified Judgemental ako kaya masasabi kong maganda ang babaeng ito pero ang dugyot niyang tignan. Hindi dahil sa itsura niya kundi dahil sa ugali niya. Ayaw ko sa lahat ang inaasar ako nang hindi ko close! Bigla lang siyang sumulpot na parang mushroom sa harap ko kaya nakakabwiset talaga sobra!
"Edi mauna ka! We're not close. Bakit naman ako sasabay sayo?" Maldita kong saad sa kaniya tapos inirapan siya.
Nagulat ako nang tumawa lamang siya sa harap ko. Tinuturo turo pa ako na para bang may sinabi akong nakakatawa, e wala naman! Baliw ba 'to? Kairita!
Hindi ako nag transfer dito para ma bwiset sa babaeng 'to! Gosh! Ayaw kong ma stress pero nang dahil sa babaeng 'to parang aatakihin ako ng highblood ngayon!
"Hay naku! Kung hindi kalang pog--- este maganda, sinuntok na kita diyan eh!"
Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Kung hindi ko lang talaga pinapairal ang respito ko sa kaniya, ang sarap niyang sabunutan e. Ang sarap niyang kalbuhin, ang sarap kulutin lalo ang buhok niya! Nakakabwiset talaga!
"Whatever!" Inirapan ko lamang siya at nauna nang umalis sa kaniya.
Bakit ko naman atupagin 'yun? Baka ma guidance lang ako kung papatulan ko pa ang pang-aasar nun.
Ako lang mag-isa dito dahil wala naman talaga akong malapit na kaibigan. Marami akong friends pero ang maituturing kong bestfriend ay wala. Mas pinili ko dito sa BL School kasi mas gusto ko 'yung small school. Hindi crowded at matutukan talaga kami ng maigi ng mga guro.
BL. Buenos Laurencius High School. Small school pero isa sa sikat na school pagdating sa brigada eskwela. Malinis ang paligid, sagana sa mga puno. Ang sarap sa mata ang green grass sa oval. Hindi ganun kadami ang mga classrooms. 4 sections lang bawat Grade level. Tapos dalawang strand which is HUMSS at STEM. 3 section lang din bawat strand.
Hindi naman ganun karami ang mga estudyante dito. Maaga pa ako kaya pagdating ko kanina maraming mata ang agad na tumitig sa akin hanggang dito sa building ng senior high. Nakaka-ilang ng mga tingin nila. Jusko! Para bang may ginawa akong krimen kung makatingin sila sa akin.
Inaamin kong maganda ako. Pero hindi naman required sa school na ito na kapag transferee ka dapat titigan ka ng mga estudyanteng nag-aaral dito.
"Hoy! Sandali! Ang bilis mo naman maglakad!" Dinig kong sigaw ng babaeng chaka mula sa likuran ko, hinabol pa ako! "Sabi ko sabay tayo!" Hingal na sabi niya nang nasa tabi ko na siya.
"Ano bang kailangan mo sakin?!" Inis na tanong ko, not looking at her. "I told you already that we're not close. Kaya bakit naman ako sasabay sayo?!" Nilingon ko na siya with my mataray face.
Napangiwi ako nang mapansin ang pawis sa noo niya. Yuck! Ang aga pa pero ang oily na ng face niya! Hindi ba alam nito ang salitang HYGIENE?
"Hindi na ba close 'to?" Nakakunot ang noo na sabi niya. "Magkatabi tayo ngayon, so we are close to each other!" Proud niya pang sabi na akala mo naman nakakatawa iyon. Pinunasan niya ng panyo ang pawis sa noo niya. "Ang aga-aga ang init na."
Napailing na lang ako at hindi na siya pinansin. Hindi naman siya mabaho. Kaso oily face. Ayaw ko pa naman sa lahat ang hindi Hygienic. Senior high na, mabaho pa rin ang kili-kili at amoy pawis, daig pa ang sinigang sa sobrang asim. Gosh! Elementary palang tinuturo na sa atin ang tamang paglinis ng katawan.
Anyway, madali lamang e identify ang mga estudyante dito. Ang mga nakasuot ng complete uniform ay mga junior high pa lamang. Meron din silang logo sa kanilang uniform na nagsasabi kung anong grade level sila. Samantalang ang mga senior high naman ay naka all white t-shirt.
"Wow! Daming pretty!" Dinig kong sabi ni chaka girl. "Wala ka bang type pogi?"
Sinamaan ko agad siya ng tingin kaya mas lalo siyang natawa sa akin. Napahinga na lamang ako ng malalim. Ako mapikon ng sobra, bubusalan ko na talaga ang bunganga nito.
Bakit ba nakasunod pa rin ito sa akin? Aso ba siya? Halata namang ayaw ko sa presensya niya pero dikit pa rin ng dikit sa akin! Gusto ko siyang palayasin sa tabi ko, pero masyadong maganda ang umaga niya para sirain ko ito.
Hindi ko pa kilala ang mga kaklase ko dahil pangalan ko lamang ang hinanap ko sa class list kanina, wala naman akong pakealam kung sino sila. Hindi ko rin alam kung kaklase ko ba ang babae sa tabi ko ngayon na parang shunga na kumakaway sa mga nasasalamuha niya. Kaya panay ang panalangin ko na sana hindi kami magkaklase dalawa.
Unti-unti nang pumapasok ang mga students sa loob ng Gym. Kaya sinubaybayan ko ang kanilang pagpasok. Malay ko ba, baka makakita pa ako ng pogi dito. Well, wala namang school na walang pogi kaya kampante akong makakahanap ako dito.
Isa din iyon sa goal ko kung bakit small school ang pinili ko. The more kasing maliit ang school, the more na madali lang makahanap ng pogi!
Maraming pogi sa school ko dati pero may jowa ang karamihan sa kanila. Si Jefferson lang talaga ang naangkin ko noon pero sinaktan lamang ako. Grade 9 kami noong naghiwalay kaming dalawa. Pagkatapos ng relasyon namin may naririnig pa akong kwento tungkol sa kaniya pero hindi ko lamang pinapansin. Mas lalo kasi akong nasasaktan kapag tungkol sa kaniya ang usapan. Pinipilit ko siyang kalimutan kahit sobrang hirap.
Ngunit hindi rason iyon para titigil na ako sa paghahanap ng lalaki na para sa akin. Deserve ko ng happy ending no!
"All senior high, you may form your line now base on your section and strand," sabi nung teacher na medyo chubby tapos naka eye glasses at naka pusod ang hazel brown niyang buhok.
Meron namang nakasulat na sign kung saan lilinya ang bawat strand kaya sumabay na rin ako sa mga HUMSS students na nandito.
"Pareho pala tayong HUMSS? Humanista yarn?" Nakangising sabi sa'kin ng babae habang nasa linya na kami.
Naging payapa lang ang buhay ko nang makalayo na siya sa akin. Doon siya sa harapan dahil hindi naman siya mataas.
Nagsisiksikan pa ang mga lalaki sa likod ko kahit sinasabihan na kaming mag arms forward para maging malinis ang linya namin. Naghaharotan pa kasi e, akala mo naman ilang taon hindi nagkita. Hindi nalang ako lumingon sa kanila at nagpigil nalang ako ng inis kahit gustong gusto ko na silang harapin at pambatukan!
Nag focus na lamang ako sa program. Tumahimik ang lahat ng magsimula nang mag prayer. Merong mga naka assign na mga estudyante para mag lead ng program. Siguro mga SSG officers dahil naka SSG uniform sila. Kulay pink ang kulay nun. Some of them are junior high but mostly senior high ang officers nila. Batch namin dahil kami ang first ever senior high dito. Kaya nga hindi pa masyadong fix at may mga buildings pa na pinapatayo. Siguro mag a-add pa sila ng strand pagkatapos ng taon na 'to.
"Ang mamatay ng dahil sayo🎶"
After ng National Anthem at Alma Mater agad nang nagsimulang mag orient ang school principal. Habang nakikinig ako, bigla akong napaamang dahil may bumunggo sa likod ko kaya nasubsob ako sa likod ng lalaking nasa harapan ko.
Napalingon naman iyon sa akin kaya agad akong humingi ng sorry. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilingon na ang mga bwiset na mga lalaking iyon! Kanina pa naghaharutan e. Bwiset. Nakakapikon na sila!
"Ano ba?!" Inis na sabi ko sa bumunggo sa akin.
Agad naman silang natigilan sa reaksyon at boses ko.
"Sorry bro. Ang kulit kasi ng mga kaibigan ko," seryosong saad ng lalaki na nakabunggo sa akin.
Sa halip na umusbong lalo ang galit ko sa kanila, agad namang napako ang tingin ko sa kaniya. Napakurap pa ako ng tatlong beses kung namalik-mata lamang ako. Pero talaga ngang totoo, totoong may pogi sa harap ko!
"All the boys should be in proper hair cut!"
Hindi mapaliwanag ang saya na naramdaman ko habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Matangos ang ilong, ang perpekto ng straktura ng panga, makinis na kutis, kissable na labi, he has a strong aura lalong lalo na ang kaniyang mga mata na a little bit darker dahil ang seryoso niya. Napakagat ako ng labi nang mapansin ko ang paggalaw ng adam's apple niya.
Gosh! Anghel ba 'tong nasa harap ko?
"Strictly No Public display of Affection allowed inside the campus!"
Nawala na ata ang pukos ko sa nagsasalita sa harap dahil nakatutok lamang ako sa imahe ng lalaki na nasa harapan ko. Hindi ko na nga napapansin ang mga tao sa paligid bukod sa aming dalawa. Mas lalo kong nakagat ang labi ko para pigilang mapangiti ng husto. Inaamin ko na malandi talaga ako kapag gwapo na ang pag uusapan.
Kaya ako nasasaktan dahil ang hilig ko sa gwapo tapos straight pa. Pero wala naman akong magagawa, ito ang nagpapaligaya sa akin e.
"Hoy!" Dun lamang ako bumalik sa huwisyo nang maramdaman kong may kumurot sa braso ko. Kaya inis akong napabalin ng tingin sa gumawa nun.
"Ano ba? Bakit bigla ka nalang nangungurot?" Inis na tanong ko dun kay chaka girl habang hinahaplos ang braso ko.
Ang sakit kaya nang pagkurot niya at pumula pa. Sensitive kasi ang balat ko. Kaya iniingatan ko talagang hindi makagat ng lamok at masugatan.
Tumawa lamang siya like a psychopath, hawak-hawak pa ang tiyan niya. Ewan ko ba sa babaeng 'to, wala namang nakakatawa pero panay ang tawa. Nababaliw na ata!
"What?" Nagtataka ngunit may halong inis na tanong ko sa kaniya. Paano napadpad ito sa harap ko ngayon?
Tinuro-turo niya pa ako, kaya napailing nalang ako at umiwas ng tingin. Ibabalin ko na sana ang tingin ko sa gwapong guy na 'yon ngunit nangunot agad ang noo ko nang mapansin na palabas na ang mga estudyanteng nandito. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit kaunting tao na lamang ang naiwan dito sa gym!
What the heck! Tapos na?
Nagtataka kong tinignan si chaka girl but she's still laughing. Kaya tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at nagsimula nang mag martsa palabas ng gymnasium.
Grabi! Nag fast forward ba agad ang pangyayari at ganun kabilis natapos ang flag ceremony? Gosh! Ilang minuto ba akong nakatulala sa guy na 'yun? Nakakahiya!
"Hoy pogi! Wait for me!" Dinig ko na namang sigaw ni chaka girl. Hinahabol na naman ako. "Bakit ang hilig mong mang-iwan?" Tanong pa niya nang nasa gilid ko na siya. Pero hindi ko na siya pinansin dahil I'm busy looking somewhere.
Saan na ba 'yun? I can say na marami akong nakikitang pogi dito ngayon, mostly nasa grade 7 at grade 9 but iba talaga ang charisma ng lalaki na nakita ko kanina. Artistahin. Para siyang anghel na pinababa dito sa lupa upang gabayan ako. Omaygosh!
Nakarating na ako sa senior high building and some students nandun na. Isang building lamang ng senior high school ang nandito. 1st and 2nd floor ay para sa STEM, 3rd and 4th naman para sa HUMSS. Ang ibang vacant rooms ay para sa faculty and staffs. Inaayos pa ang building na para sa Grade 12 which is kami rin ang mauunang makagamit next school year.
Nasa bandang 4th floor pa ang room namin kaya paakyat palang ako, pakiramdam ko hinihingal na ako sa sobrang pagod. Bakit kasi nasa taas pa ang HUMSS kung pwede lang naman STEM ang nasa taas? Top naman sila palagi.
Umakyat ako habang nagmamasid sa bawat floor na nadadaanan ko baka sakaling makita ko siya ulit. Hindi naman mahirap na hanapin siya dito dahil hindi naman ganun karami ang estudyante sa senior high. Tsaka nag sa-stand out siya sa crowd, ganun siya ka attractive klaseng tao.
"Excuse me!"
Nagulat ako ng may lalaking biglang umeksena mula sa likuran ko.
"Ouch!"
Nasandal ang gilid ng braso ko sa pader sa may hagdan nang bigla na lamang may sumulpot sa tabi ko at binangga pa ako! Punyeta naman oh!
Bakit ang hilig bumangga ng mga tao dito? Gosh!
"Pre, are you okay?" Bumungad sa akin ang isang lalaki. He's tall, Chinito, moreno tsaka ang tigas din ang biceps. "Hindi kasi kita napansin." May halong pag-alala sa mukha niya.
Magagalit na sana ako sa pag banggit niya ng 'PRE' ngunit dahil nga malandi ako ng slight, hindi na ako umangal. Marupok ako pagdating sa pogi.
"I'm fine. Don't worry about it," sabi ko nalang at tipid siyang nginitian.
Hindi naman gaanong masakit ang braso ko dahil hindi naman ganun kalakas ang pagbangga niya sa akin. Kaso nagkaroon ng kaunting dumi ang sleeve ng t-shirt ko. Pero hindi nalang ako umimik kahit nadudugyutan na ako sa t-shirt ko. Wala pa naman akong baon na extra.
Ngayon ko lang napansin na hindi na pala nakasunod sa akin si chaka girl. Kung nasan man siya, hindi ko na alam. Mas mabuti ngang wala na siya sa tabi ko ngayon dahil mabi-bwiset lang ako sa itsura niya.
"HUMSS ka rin ba?" Saad ng lalaki nang paakyat na ako ng hagdan. Sumunod naman siya sa akin.
Ano ba perfume nito? Ang bango.
"Yeah. Bakit?" ani ko.
Sinisikap ko talagang umakto ng pormal kahit gusto ko nang tumili. Isa ito sa nagustuhan ko sa buhay ko e, lapitin ako ng mga gwapo. Hindi ko na kailangang manalangin dahil kusa silang lumalapit sa akin.
Bukod kay Jefferson dati, may mga kilala din akong mga gwapo at sikat sa school. Ang iba vlogger tapos ang iba naman tiktoker. May mga nag mo-model din at endorser. Ngayon meron na namang dalawang dumagdag. Si Serious guy at si Chinito. Sana kahit isa man lang sa kanila ay magiging future boyfriend ko.
Manifesting!
"Sabay nalang tayo!" Nagulat pa ako nang bigla niya akong akbayan at marahan pang inalog. Tuwang tuwa. Napatitig ako sa kaniya habang nangungunot ang noo dahilan para matigil siya at napakagat ng labi. "Sorry. Happy lang." Awkward siyang ngumiti kaya napailing lang ako at umiwas ng tingin. Hiding my smile.
To be honest, nakapagdulot ng kuyente sa balat ko ang pag akbay niya sa akin, parang na headlock ako. Ang sarap sa feeling. Sana hindi siya homophobic.
"You don't have friends?" I asked him. Bahagya pa siyang nagulat ng tumingin muli siya sa akin. Mag-isa lang siya e. "Transferee ka rin ba dito?"
Agad naman siyang ngumiti at umiwas ng tingin. Agad namang napalitan ang ngiti na 'yon ng buntong hininga. Nangunot tuloy ang noo ko.
Hindi niya nasagot ang tanong ko hanggang sa nakarating kami sa taas kaya hindi nalang ulit ako nagtanong tungkol doon. Papunta na ako ng room nang mapansin kong kasabay ko pa rin siya hanggang ngayon.
"Alam mo na ang section mo?" Takang tanong ko sa kaniya dahilan upang sumulyap muli siya sa akin.
Nakarating na ako sa room ko kaya huminto na ako sa harap nun, ganun din siya. I'm in section B and it is okay for me because since then, I'm always in section 2 and always a number 2. Marami na rin ang nakatambay dito ngayon, ang iba mukhang magkakilala na. Karamihan kasi sa kanila dito rin nanggaling. Kaunti lang ata kaming mga transferees.
Tumikhim siya at sumulyap sa akin. Inayos niya muna ang sleeves niya dahil nakatupi iyon para umikli ang manggas. That is why ang revealing ng biceps niya, halatang nag wo-work out.
"Actually, section B ako. Ikaw ba?" Tanong niya. Naka pout ng konti habang naniningkit lalo ang mga mata niya.
Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko. "Magkaklase tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Mahina siyang natawa tsaka tumango. Lumapit siya sa tabi ko habang nakatitig pa rin sa akin dahilan upang mapalunok ako. Bakit kasi kailangan pang tumitig sa akin ng ganun?
Nilagpasan niya ako para tignan ang class list. He scanned the list to find his name.
"Ito!" He stopped at sumulyap sa akin. "Tayrone William Lascano."
Tayrone William Lascano. Ulit ko sa pangalan niya sa isip ko. Pangalan palang ang hot na!
And YES! Magkaklase nga kami. Mukhang magiging maganda ang school year ko ah? Kasing ganda ko ngunit mas maganda ako sa school year.
"Tayrone?" Banggit ko muli sa pangalan niya.
Hindi naman mahirap kalimutan ang pangalan niya. Maging ang itsura niya hindi mahirap kalimutan. Ang bilis niyang tumatak sa isip mo.
"Oo. Ikaw? Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong niya.
"Just call me Clency," I answered at nginitian siya.
"Wow! Ang cute naman ng pangalan mo!" Napangisi siya.
Gad! Ang gwapo.
Kaya hindi ko mapigilang mapangiti lalo. Sana walang jowa 'to. Ang sarap kasi niyang kaibiganin e.
"Ikaw? Ano gusto mong itawag ko sayo?"
Lumabas ang ngiti niyang nakakaloko. Napanguso ako.
"Honey nalang para sweet!" Pambobola niya. Ngumiwi ako.
"Hindi ako nagbibiro," malditang saad sa kaniya. Tumigil naman agad siya sa kalokohan niya.
Nag pout siya at muli akong nginitian. Hindi ba niya nahahalatang bakla ako? O baka friendly lang talaga siya? He's comfortable with everyone kaya? May mga ganun kasing lalaki e. Komportable sa lahat. Pero may iba din na feeling gwapo, porket bakla lalayuan agad. Tsk!
"Ron-ron," nakangiti niyang sambit.
Akala ko hindi na muli pang lilitaw si Serious guy sa paningin ko. Nang makilala ko kasi si Tayrone, hindi ko na agad siya naisip. Pero ngayon, papunta na siya sa gawi ko. Na estatwa ako sa pwesto ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
I started hearing those whisper from other girls also their tili. It sounds like bubuyog kaya nakakairitang pakinggan.
Napalunok ako lalo dahil unti-unti siyang lumalapit sa gawi ko. His serious stare makes him more hot. That damn lips ang sarap halikan. Iba talaga ang epekto ng lalaking ito sa akin. Pakiramdam ko bumabagal ang ikot ng mundo habang nakatitig ako sa kaniya.
"Excuse me," he said in a serious tone.
Bumalik ako sa huwisyo at pareho kaming tumabi ni Tayrone nang dumaan siya sa gitna namin para tignan ang class list. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya. Shit! Bukod sa pagiging angelic face niya, ang hot niya rin at the same time. Kahit medyo payat ang katawan niya, kapansin-pansin pa rin ang mga ugat sa braso niya. Halatang matigas at malakas.
Gosh! Alam ko na ang feeling kung bakit ganun na lamang kung makatili ang mga babae nang makita siya kanina. Dahil para siyang Greek God. Para siyang international model. Para siyang walang dugo dahil sa sobrang kaputian ng balat niya.
Kung bampira lang 'to, magpapakagat talaga agad ako hindi lamang sa leeg. Pati na rin sa puwet.
Kaso ngalang mukhang suplado dahil ang seryoso niya.
Nagsimula na agad akong manalangin na sana magkaklase kami. Dahil kung hindi? Tatalon talaga ako mula fourth floor hanggang ground floor. Joke!
"Oh ano? Nandiyan ba ang mga pangalan natin?" Dun ko lang naisipan lingunin ang mga kasama niya.
Ito ang mga kaharutan niya kanina. Mga gwapo din naman sila kaso mas gwapo itong si serious guy. Hindi common ang itsura niya, very rare. Walang sinuman ang maka portray ng itsura niya.
Tumigil siya sa paghahanap at seryosong nilingon ang mga kaibigan niya sabay tango. Agad namang lumabas ang kinang sa mga mata ko nang malaman na kaklase ko siya.
Ang bait talaga ni Lord sa akin!
"Salamat naman! Ayaw ko dun sa A ang panget ng mga students dun!" Reklamo ng isa pa niyang kaibigan. Mukha palang, literal na playboy na. Mukhang judgemental pa.
"Gago! Senior high kana puro ka pa rin babae!" Binatukan siya ng isa pa niyang kasama. Matangkad at Moreno. "Wala ka namang nadali kahit isa!"
"Ang sarap putulin ng dila mo, abnoy!" Angal naman nung isa tsaka binatukan din ang kaibigan niya.
Muli kong sinulyapan si Serious guy ngunit seryoso niya lang na inilingan ang mga kaibigan niya. Saan ba pinaglihi 'to? Sa mannequin? Kay Mark? Ang tahimik e. Ang misteryoso ng aura niya.
Agad namang napawi ang ngiti sa labi ko at napalitan ng kaba nang magtama ang mga mata naming dalawa. Parang trampoline ang puso ko sa bilis na talbog nito, parang hindi rin ako makalunok ng laway dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko na makurap ang maganda kong mga mata dahil napako lamang ang tingin ko sa kaniya. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, isang tulak nalang mahahalikan ko na siya.
Please, banggain niyo na ako. Now na, hindi ako magrereklamo.
"I hate gays."
Bigla akong natigilan nang sambitin niya iyon mismo sa'kin. Ang kaba ko kanina mas lalo pang tumindi ngunit hindi ko rin mapigilang manlumo dahil dun. Paulit-ulit kong naririnig ang nasambit niya.
Ayaw niya sa bakla. Ayaw niya sa akin? Ang sakit naman. Nawalan agad ako ng pag-asa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
IT'S YOU (GAY series #1)|✓
RomanceGAY SERIES #1 Love has no gender. Love is love. And everyone deserves to be loved. Clency Antares is a proud gay. He still moved forward after his breakup with his ex-boyfriend. He was affected, but he believes that fate led them to separation becau...