Kabanata 4

19 6 0
                                    

BUMABA ako sa salas at nakita ko sina mama at papa. Si papa ay may kinakausap sa kaniyang telepono habang si mama naman naghahain sa hapag. 

"Bakit ho mama? Ipinapatawag nyo daw ho ako?" Lumapit ako kay mama at tinulungan siyang maghain.

"Halina't mag tanghalian na tayo. Papa, tama na iyan at maupo ka na." Umupo na rin si mama at tinapos naman ni papa ang tawag at umupo na rin.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin ang sinasabi ng ginoo na iyon. Hindi ko siya maintindihan. Kahit ang pag gamit niya ng salitang Ingles ay parang bihasang bihasa siya. Ipinagsawalang bahala ko nalang muna iyon at nagpatuloy sa pagkain. 

Pagkatapos ng tanghalian ay nag pasya akong ako nalang ang mag hugas ng mga pinagkainan namin. Pagtapos kong mag hugas ay umakyat na ako sa kwarto ko ngunit natigilan ako nang marinig ang usapan nina mama at papa.

"Nalubog tayo sa utang mahal ko. Hindi ko magagawang iligtas ang Haciendang ito kung patuloy lang na bibigat ang utang ko sa kanila. Hindi ko kayang makuha nila ang Haciendang ito. Ito na lamang ang maibibigay natin sa ating kaisa isang anak." Aniya ng aking ama.

"Ngunit anong gagawin natin? Kulang ang naaani natin ngayon tapos may sinusweldohan pa tayo." Aniya naman ng aking ina.

Nagkaroon ng katahimikan at bigla na lamang bumulalas ng iyak ang aking ina. Natulos ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi ng aking ama.

"Ipakasal nalang natin si Corazon sa anak nila kung maaari. Iyon ang hinihiling kapalit ni kumpadre bilang kabayaran."



"GRABE ang tagal naman ng tubig anong petsa na" Naiinis na ako dahil kanina pa ako tumawag pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating.

"Oh dude? Bat naka simangot ka diyan? Dumating na ba yung tubig? Kanina pa iyon ah?" Napakamot nalang ako ng sintido ko dahil sa inis. Magkakaganito ba ako kung nandito na yung tubig?

"Ako na nga ulit ang tatawag." Umakyat sa taas si Oliver para tawagan ulit ang water station. Makalipas lang ang ilang minuto ay bumaba na si Oliver.

"Hindi ka naman daw tumawag sa kanila. Wala ngang deliver ngayon masiyado kaya wala daw silang naaalala na may nag padeliver mula sa Hacienda." Umupo si Oliver sa tabi ko habang ako ay napaisip. Baka naman PRANK lang 'to? Anak ng!

Maya maya pa ay dumating na ang nag deliver ng tubig. Naligo muna ako at nawala na ang uhaw ko dahil sa sobrang tagal. Humiga ako sa kama at tumulala sa kisame habang nagmumuni muni. Grabe. Baka mamaya makadalaw ulit sa Hospital.

Napatingin ako sa gilid ko kung nasan ang teleponong ginamit ko kanina. Grabe, mukang pati ito luma na din. Kaya siguro kung ano ano ang naririnig ko eh. 

Kinuha ko ang telepono at itinapat sa tenga ko.

May sasagot ba ulit pag nag hello ako?

"Hello?"

Napapitlag ako ng biglang may nag hello. Boses babae siya. Hindi kaya haunted itong teleponong ito. Jusko naman.

"Ah. Hello? Tao ka ba?" WHAT THE FUUUUUUUUUUUUUU! Ano bang pinagsasasabi ko!

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "Oo, ginoo. Tao ako. Hmm. Hindi pamilyar ang iyong boses. Taga dito ka rin ba?"

Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan. Grabe.

"Ah. Hindi. Nag bakasyon lang ako. Taga Manila ako." Aniya ko. Humiga ako sa kama habang kausap siya.

"Manila? Hindi pa ako nakakapunta doon. Hindi kasi ako pinapayagan ng aking mama na umalis mag isa. Delikado daw."

When The Time Has ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon