Kabanata 8

9 3 0
                                    

"HINDI ko alam. Ang tagal ko kayang naghintay doon. Hindi ka naman sumipot." Sabi ko habang nakahiga sa kama.

Ito at katawagan ko si Cora. Ako daw yung hindi sumipot? Aba! nag hintay kaya ako ng dalawang araw?!

Jusk kidding. Hanggang 8 PM lang ako don.

"Ano kamo? Pero hindi kita nakita? Walang Zach na dumating sa may Balete. Walang taong pumunta doon kundi ako lang Zach. Ako lang." Mahabang lintanya nya. Bakas ang pagkadismaya sa kaniyang boses.

"Me too. Ako lang ang nandoon. Hindi ka dumating." Napaisip ako saglit. "Magkita nalang tayo sa susunod. Siguro sa makalawa nalang. Pupunta ako ng ospital. Pupuntahan ko ang lola ni Lea."

Hindi pa muna siya kumibo at bumuntong hininga siya. Nag kwentuhan pa muna kami bago putulin ang tawag para makapag ayos na ako.

Habang nasa sasakyan ako, hindi ko maiwasang mag-isip bat hindi siya sumipot. Hindi rin naman niya nabanggit kanina kaya hindi ko na rin tinanong. Pero habang lumilipas yung mga araw na nakakausap ko siya ay hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. I somehow felt these butterflies on my stomach for no reasons.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng ospital kaya bumaba na ako at nag pasalamat kay manong Erni. I have a basket of fruits because I don't want to go there empty-handed. Kumatok muna ako at si lea- I mean si Avonlea yung nag bukas ng pintuan.

"Pasok ka. Ay! may dala ka palang fruits. Thank you for this." aniya niya at kinuha ang basket sakin. Umupo lang ako sa gilid ng lola niya habang siya ay kumuha ng upuan at nilagay sa harap ko.

"Kumusta si lola mo? Kumusta kayo? Ok naman ba kayo?" sunod sunod na tanong ko dahil na g-guilty ako sa hindi pag bisita sa kanila na dapat ay gawin ko dahil ako ang may kasalanan kung bakit nandito siya ngayon at nakaratay.

Tumawa pa siya ng konti at binigay ang isang orange sa akin habang siya ay kumakain ng apple. "Ok naman si lola, sabi ng doktor ok naman na siya pero hindi pa siya gumigising. Ok naman kami nila mama." sabi nya habang tumatangu tango pa.

Napabuntong hininga ako ng malaman ko na ok naman pala sila. Maya maya pa ay bumaba na kami dahil dumating na yung mama ni Avonlea. Galing pala siyang trabaho kaya pala wala siya kanina.

Pumunta muna kami sa garden dito lang din sa ospital. Maraming pasyente ang naglalakad lakad. Yung iba naka wheelchair yung iba may hawak hawak na dextrose. Naupo pa muna kami sa bench at pinagmasdan lang namin yung mga taong naglalakad lakad.

"Salamat."

I look at her with wide eyes. What? Thank you? For what? I was the one who sends her grandmother here to the hospital but she thanked me?

"Huh? For what?" I'm still confused.

She chuckled then she locked her eyes on mine. "Thank you kasi ikaw yung niligtas ni lola. If ever na iba yun, ha! baka mamaya hindi siya kusang mag bibigay ng tulong gaya ng ginawa mo. But you know, this is our fate. We were destined to see each other but in the wrong way." She chuckled and looked away.

I just stared at her.

I don't know what to feel.

Is this the same feeling that I felt towards Corazon? Or is this different?


A/N: Sorry for the super late update! Na busy kasi ako sa k-drama and netflix! Super short update lang baka mabulok huhu.

Malapit na ang pasukaaaan! Handa na ba kayo?



When The Time Has ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon