Kabanata 7

13 4 0
                                    

HABANG nag aayos ako para sa pagkikita namin ni Corazon, hindi ako mapakali. Siguro dahil first time pa lamang namin mag kita. Oo, siguro ganon na nga.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin. Sinuot ko ang beige polo at beige slacks. Hindi naman 'to formal diba? Tsaka isa pa medyo romantic yung pagkikita namin. 

6 pm. Sa may Balete tree. Tapat ng ilog.

Oh diba ang sweet? Kaya dapat maganda ang suot ko 'no?

Kanina tumawag si Avonlea at sinabing hindi pa daw gumigising ang lola nya kahit na medyo stable na daw ang kalagayan nya. 

Time check: 5:45 pm.

Nagmadali akong bumaba at nasalubong ko pa si nanay May o Lola May.

"Aba 'nak san ka ba pupunta at ganiyan pa ang suot mo?" aniya ni Nanay May.

"Aalis lang po ako saglit hehe." Tumakbo na ako paalis kahit na naring ko pang tinatawag ako ni Oliver.

Tsh. Mang aasar lang siya eh.

Nang makarating ako sa Balete tree ay wala pang tao.

Hmm. Malamang maaga pa naman.

Umupo pa muna ako sa bench na gawa sa kawayan at hinintay siya. 

Lumipas ang ilang minuto hanggang sa mag ala sais na at wala pa rin siya.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman ma traffic dito? at sabi nya pa ay malapit lang daw sila. Walking distance lang kaya malamang hindi siya mata-traffic. Tumingin ako sa relo ko at 6:07 pm na.

Hm. Sige mag hihintay ako hanggang ala siyete.



DABOG kong inalis ang sapatos ko at inis na tumingin sa telepono. Kinalma ko muna ang sarili ko at kinuha ang telepono. 

Walang sumasagot.

Nanghihinang ibinalik ko ang telepono at nahiga sa kama ko.

Bakit hindi siya nagparamdam?

May nangyari bang hindi maganda?

Napabuntong hininga na lang ako. Maya maya pa ay tumayo na ako para maligo at balak ko na wag ng kumain ng hapunan dahil bad trip ako.

Habang nagbababad sa bathtub ay hindi ko maiwasang mag-overthink. There is something wrong here! I swear! Iisa lang ang Balete tree dito sa Hacienda kaya naman...

Baka nga kasi may nangyari lang!

Overthink makes you crazy! Calm the fuck down Zach!

Tumayo na ako at nagbanlaw. Pagkalabas ko ng banyo habang tinutuyo ko ang aking buhok ay biglang may kumatok. Pagkabukas ko ay si Oliver pala.

Tinaasan ko lang siya ng kilay habang hinihintay siyang magsalita.

"Di ka pa kumakain ah? Tara sa baba. Hinintay kita eh! Kala ko may dala ka ng chicks, wala naman pala."

I just sigh. "Cut the bullshit Oliver. What is it?" Kunot noo kong sabi.

"Kumain ka na nga! Hinintay nga kasi kita dahil akala ko may dala kang babae!" Pagkasabi nya non ay hinila na niya ako pababa.

I guess my plan not to eat this dinner is failed.


HINDI ako pwedeng mag tagal kaya umuwi na ako ng tuluyan ng dumilim. Hindi pa man din ako nag paalam ng maayos sa aking ina kung kaya't hindi na ako nag tagal pa doon.

Pagdating ko ay hindi ko malaman ang aking nararamdaman.

Lungkot o panghihinayang.

Iyan lamang ang aking nararamdaman sa ngayon. Alam namin na iisa lamang ang lugar na tinutukoy namin kaya hindi pwedeng maligaw kami o kung ano man yon. Siguro nga may nangyari lang na di inaasahan kaya hindi siya naka punta.

Siguro nga.

Napatigil ako sa pag iisip ng may kumatok sa aking pintuan. Si inay pala.

"Anak, halika't bumaba na. Nakahain na ang hapunan at oo nga pala. Narito ang mga Perez."

Nagulat ako na nandito na naman sila. Hindi ba sila makapag hintay sa kasalan at lagi silang nandito?

Hindi ko na napigilang sumagot. "Ano po bang ipinunta nila dito? Tungkol ho ba sa kasalan? Hindi ba't malayo pa naman iyon?" Kunot noo kong sabi.

Napipilang napatingin sa akin ni Inay. Mukang nagulat sa inasta ko. Napabuntong hininga ako at iniyuko ang aking ulo.

"Susunod na po ako." Mahinang sabi ko.

Nagulat ako ng isara ni inay ang pinto at pumasok sa silid ko. Umupo siya sa may gilid ng kama at hinawakan ang mukha ko ng dahan dahan.

"Anak, hindi ka naman namin pipilitin na mag pakasal kung ayaw mo. Kaya naman namin ng papa mo ang mga bayarin tungkol sa utang namin sa mga Perez." Mahinang sabi niya.

Napatitig lang ako sa kaniya at napatingin sa kamay ko na hawak niya din.

"Ok lang naman po sakin mama. Tsaka isa pa, ito nalang po ang paraan para tuluyang mawala na ang mga utang niyo na pinakinabangan din naman natin at ngayon lang naman po ako tutulong sa inyo. Maliit na bagay lang po ito kumpara sa naitulong niyo sa akin upang magkaroon ng marangyang buhay."

Hinawakan ko ang kamay ni mama at tinignan siya sa mata upang maiparamdam na totoo talaga ang mga sinasabi ko.

Habang nasa hapag kami ay tahimik lang kaming kumakain at nararamdaman kong tumitingin tingin sa akin si Alejandro. Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain.

Tumikhim si Ginoong Frederick at ipinagsiklop ang kaniyang mga kamay at tumingin sa aming dalawa ni Alejandro. Tumango tango pa siya at tumingin kina mama.

"Kailan nga ba ulit ang kasalang magaganap?"

Nagkatinginan ang aking mga magulang at nagsalita si papa at ngumiti sa akin.

"Sa darating na tatlong buwan balae."

"Hmm. Di na ako makapag hintay sa darating na kasalan." ngumiti pa siya at tinapik tapik ang balikat ni Alejandro, habang siya ay patuloy na kumakain ng walang emosyon sa muka.


A/N: Hello Flames! Update is on! Don't forget to vote and comment!


Outfit of Zach

Outfit of Zach

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When The Time Has ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon