Kabanata 2

20 7 2
                                    

Habang naglalakad kami papuntang canteen ng hospital ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Tama. Siya nga iyon. Pagkatapos niyang silipin ang lola nya na nasa ICU ay pumunta kaming canteen habang hinihintay namin ang mama niya.

"Parang pamilyar ka sakin. Parang nakita na kita?" Tanong nya bigla habang nakatingin sa akin.

Umupo muna kami at nagpatuloy sa pag uusap.

"Baka na kita mo ako sa Cagsawa Ruins. Nandoon ako kanina. Kaya nga ako ang nakakuha ng cellphone mo." Tumatango tangong sabi ko.

"Hindi eh. Parang, parang kilala kita. Nagkita na ba tayo before?" Tanong niya ulit.

"Basta ang alam ko isang beses palang kita nakilala at ngayon yun." Uminom pa muna ako ng tubig.

I think I am somehow connected to him. Hindi ko lang alam basta nakita ko na siya.

Nag ring ang cellphone niya at tumingin sa akin. "Tara, nandoon na daw si mama." Tumayo kami at naglakad papuntang ICU kung nasaan ang lola nya.



"AAAHHHH!! MAY IPIS! OH MY HEAVENS!" Nagulat ako nang biglang yumakap sa akin si Isabela habang sinasabi nya na may ipis daw. 

"A-ano bang? Pwede bang bumaba ka? Isabel-"

"MAY IPIS NGA KASI! PANO AKO BABA?! EW! KADIRI KADIRI KADIRI!" At tumili pa siya nang pagkalakas lakas. Sana pala sumama nalang ako kay Zach kung ganito lang maabutan ko. "Huminahon ka nga pwede ba?" at tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin. 

Tinitigan nya pa ako at bigla nalang ulit siyang sumigaw hindi dahil sa ipis kundi sa inis. "HOY! ANONG SA TINGIN MO? TYPE KITA? HA! FOR YOUR INFORMATION HINDI KITA TYPE KAYA WAG KANG MAG ASSUME DYAN! PATAYIN MO NALANG ANG IPIS KUNG AYAW MONG MASAKTAN!"

Pumunta ako sa kwarto nya at tinignan kung may ipis ba ''daw''. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong parang takot na takot siya. Grabe. Maarte talaga siya. 

"Alam mo, dapat hindi ka nagkukulong dito eh. Tara at pumunta tayong Lake Buhi." Umalis na ako sa kwarto nya pagkatapos kong sabihin yun. Hay nako. Makagala na nga lang ulit.

"What? You mean 'budhi '? Meron bang word na buhi? Teka nga! Pinaglololoko mo ba ako?!" Sigaw nya at parang mangangalmot na pusa.

rawr. I like it.

Ipinagsawalang bahala ko ang nasa isip ko at nilapitan siya. "Huwag ka ngang ano dyan. Lake Buhi talaga ang tawag doon. Tara habang maaga pa." Napatingin ako sa orasan ko at tamang alas kwatro palang.

"Hindi ako sasama sayo!"

"Edi sige maiwan ka dito." Naka ngising sabi ko habang pababa na ako ng hagdan.

"Talaga!" aniya habang nakapamewang pa.

"Oo talagang talaga. Kasama ng mga ipis!" tumawa ako ng malakas at mabilis na bumaba ng hagdan habang siya ay tumitili at sinabing hintayin ko daw sya.

Ano sya chicks?

Oo 're. Chic talaga yun. tsk sayang.

I just sigh.



HININTAY pa naming makalabas ang doktor kasama ang mama ni Avonlea. Bumati pa muna kami bago nagtungo sa pinaka malapit na bench sa gilid ng silid ng lola ni Avonlea.

"Maraming salamat pala sa dahil idinala mo agad si mama dito sa hospital. But the other part of me says na ikaw ang dahilan kung bakit nandito si mama ngayon." Malamig ang pakikitungo niya sa akin.

I get it. This is all my fault.

"Ma! Hindi naman niya kasalanan na mabangga si lola! Wala namang may kasalanan dahil aksidente ang lahat ng ito. Kaya ma, wag naman kayong ganiyan. Siya na nga ang tumulong sa atin at kay lola." Mahabang lintanya niya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Ako nga ho ang may kasalanan. Alam kong hindi mabubura ng isang sorry ang lahat nang ito pero handa ho akong tumulong financially." Tumatango tangong sabi ko. 

"Hindi Zach. Walang may kasalanan nito. Ma! Ano ba?" 

"No it's ok. I can handle it. Babayaran ko nalang po yung mga hospital bills."

Tinitigan nya pa ako bago pumasok sa loob. Humarap sa akin si Avonlea at tumingin siya sa akin na parang humingi ng tawad. "Pasensya na talaga ha? Ok lang naman kahit wag na. Kaya naman namin."

"Nope. It's ok. Kaya ko rin naman. Tsaka isa pa-"

"No. This is not your fault so stop it already. Hindi matutuwa si lola niyan kung alam niyang sisisihin mo ang sarili mo. So please." Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan niya.



"GOOD evening 'la. Nasan po si Oliver?" Ang tahimik kasi. Usually kasi maingay dito sa sala eh. Naabutan ko si lola na nanonood ng T.V

"Aba eh pumuntang Lake Buhi. Kanina pa iyon eh. Hindi pa bumabalik. Teka anong oras na ba? Kumain ka muna. Nauna na ako dahil akala ko mamaya pa kayo babalik." Sabi niya at tumayo.

"Ay nako. Matutulog na muna ako. Ikaw munang bahala dito ha." At pumanhik na sa kwarto niya.

Kumain muna ako at naligo ulit. Alam ko namang may susi si Oliver ng pinto kaya ini lock ko nalang. Pumanhik na rin ako sa kwarto ko.



"ANO ba?! Matagal pa ba tayo? kanina pa tayo naglalakad!"

Sa totoo lang limang minuto palang kami naglalakad. Ewan ko ba dito. Lumuhod ako at tumingin ako sa kanya.

"Piggy back ride?"

Nanlaki ang mata niya at handa na naman niya akong bulyawan kaya tumayo na agad ako.

"Wag nalang, sigawan mo pa ako" Nagpatuloy ako sa paglalakad nang bigla niya akong hatakin. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong kamot siya ng kamot sa binti niya.

I sigh.

Lumuhod ulit ako sinabi kong sumakay na siya sa likod ko. Buti hindi na siya nag inarte at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nang makita na namin ang Lake Buhi, ay agad siyang umalis sa likuran ko at namamanghang tumingin sa kapaligiran. Napatingin siya sa akin at ngumiti.

Kasabay ng pag ngiti niya ay ang pag simoy ng hangin kaya tinangay ang buhok niya.

Ang ganda niya pala.


A/N:

Short update po. huhu pasensya na. 


Lake Buhi

Lake Buhi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


When The Time Has ComeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon