CHAPTER 28

200 17 2
                                    

Marvey's POV

"Andito na tayo" rinig kong sabi ng kasama ko

Napatingin ako sa harap at bumungad sakin ang isang malawak na parke

"A-anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko

"Diba sabi ko magdedate tayo kaya kita dinala dito" sabi nya habang tinatanggal ang seatbelt at sabay labas

Huh? In the p-park? I never expcet this

Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Zach na presenteng nakangiti sa harap ko ngayon

"Tsk" daing ko sabay tanggal ng seatbelt at bumaba

"Anong gusto mong kainin?" biglang tanong nya ng makapasok kami sa entrance ng park

"May ice cream ba dito?"

"Meron, ayun oh" sinundan ko ang turo nya at nakita nga ung nagtitinda ng ice cream

"Yun nalang akin staka ikaw na bahala sa iba" sabi ko, desisyon ako bakit?

"Sige, humanap ka nalang ng uupuan natin" sabi nya kaya luminga ako sa paligid at nakita ko yung upuan sa may tabi ng puno

Tinuro ko sa kaniya kung saan ko nagustuhan pumwersto bago kami naghiwalay ng landas

Ng makarating sa table ay agad akong umupo at inilibot ang paningin sa buong park

Napakaraming puno, mga lights at mga tables, dami sigurong pumupunta dito sa gabi

May mga stall din at mga part na pwedeng pagpicturan

Di nagtagal ay biglang lumitaw na si Zach na may dalang dalawang ice cream, mga isaw at fishball, what a ordinary date

Date? what the fck!

"Thanks"

"Your always welcome" nakangiting sabi nya, umupo na sya sa harapan ko

"Sabi ni fritz, pinupush na talaga kayo ng mga lolo nyo na maging close hano" sabi ko, naalala ko lang yung sinabi ni fritzlyn kanina, antahimik kasi namin

"Yeah, ano meron don? Selos ka?" nakangiting tanong nya

Nilulon ko muna yung ice cream staka sumagot

"Why would I? Hello? Mas okay yon para sakin?" sabi ko sabay irap

"Talaga?" Rinig kong tanong nya

"Oo naman staka bat ka pa kasi nagpapaligoy-ligoy pa, alam naman nating gusto mo din si fritz at may plano ka din ligawan sya" natatawang sabi ko habang sumusubo ng ice cream

"You think so?" rinig kong tanong nya tanging tango nalang ang nasagot ko "eh bakit ako nandito ngayon?"

Napatigil ako sa pagkain natong lintik na ice cream na 'to dahil sa tanong nya, napatingin ako sa kaniya at nakita kong nagaabang sya sa sasabihin ko

"Ahm, para mang-inis?" tanga-tangang sabi ko

"I thought matalino ka, mali naman pala lahat ng alam mo at iniisip mo" sabi nya sabay kain ng isaw at tumingin sa harap,  binalikan ko yung ice cream at tumingin sa harap din

"Ito isipin mo, pag ikaw may nililigawan  tapos tatanungin ka ng isang tao kung bakit hindi yung iba ung niligawan mo, ano isasagot mo?" tanong nya kaya napatingin ako sa kaniya

"Ahm kasi h-hindi sya yung taong g-gusto ko?" alanganganing sagot ko, nakita ko ang pagtango nya

"Hindi ko gusto si fritz kaya di ko sya niligawan" sabi nya "Nililigawan ko na ngayon yung taong gusto ko, mavey"

WHILE LOVE LIVE | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon