CHAPTER 30

148 10 0
                                    

Marvey's POV

It's already 7:30 pm and andito parin kami kila fritz

Ewan ko ba, nagenjoy na kaming tatlo nila marco sa garden kanina. Muntik pa nga kami maligo sa pool eh

"huy nagtext na si mommy pinapauwi na ako" sabi ni marco habang umiinom ng mango shake

Andito padin kami sa kitchen kakagawa lang namin na ng second batch ng fruit shake

"me too tinext na ako ni kuya sabi may bisita daw sa bahay kaya I need to go nadin" sabi naman ni nicole habang simisip-sip ng strawberry shake nya

Alam nyo ba, may kwento ako.

Sa sobrang katagalan ng meeting este pauusap ng family ni fritz at zach ay kung ano ano nang ginawa namin dito sa kitchen at garden nila. Gumawa kami ng cupcake tapos fruit shake nga tapos naglaro pa kami ng uno cards, grabe nga yung parusa eh pagnatalo. Di naman kami pinagalitan ni Tita or nang kahit sino, gusto pa nga nila kami tulungan eh lalo na yung mga maids

Tapos sila fritz naman, marami silang pinagusapan. Choice talaga namin na hindi sumali sa kanila kasi first of all, ika nga nila 'family matters only' so yeah

"tara na ba?" tanong ko

"oo paalam na tayo kila tita" sagot naman ni marco "sino magpapaalam?" pahabol nya

"ikaw na, ikaw naka isip eh" turo ni nicole

"hoy nakakahiya kaya" tanggi naman ni marco

"tangergs tawagin na lang natin si fritz para oks good" sabi ko sabay silip kila fritz

Nasa sala kasi sila hanggang ngayon at hindi sila nagbabago ng place, ito pa ha parang napakaseryoso ng pinaguusapan nila beh

Nakasilip ako sa kanila ng sakto tumingin din si fritz kaya sinenyasan ko sya na pumunta dito na agad naman nya nagets

"why?" tired na tanong nya

"hala ka teh, bat parang pinagbaksakan ka ng langit at lupa" pangaasar ni nicole

"stress lang gosh kasi napakadaming kuno-kuno nila" pagod na sabi nya

"magpahinga kana if ever na pagod na pagod kana talaga" sabi naman ni marco

"Yeah yeah thanks, anyway kumain naba kayo? Papaluto ba ako?" Tanong ni fritz sabay higop ng banana shake na ginawa ko "Wow! Taste good!" para naman syang nabuhayan ng loob

"Thanks sariling sikap ko yan" sabi ko sabay irap kila marco, napatawa naman sila. Pano eh hindi nila ako tinulungan gumawa nitong banana shake na 'to, nagkanda kahirap-hirap ako dahil dito.

"Hala bakit ka umirap?" takang tanong ni fritz

"eh epal yung dalawang yan eh, hindi marunong tumulong" inis na sabi ko, tinawanan lang nila ako

"By the way balak na nga pala namin umuwi. Pinapauwi na ako ni mommy kaya no choice" sabi ni marco

"Ay ganun sige sige. Magpaalam muna kayo kila Mommy, tara" sabi nya kaya kinuha na namin yung gamit namin sa lamesa at pumunta na din sa sala

"Mommy, Daddy" tawag ni fritz kaya napatingin sila sa kaniya "Uuwi na daw sila marvey, magpapaalam na daw" napatingin naman sila samin pati sila zach

Speaking of zach, hindi nya na ako pinapansin kanina. Pumunta sya sa kitchen para umiinom pero kahit sulyap man lang di nya ako tinapunan, parang di nya ako nakita.

Anong nangyari?

"Ganon ba sige sige" sabi naman ni tita "teka teka kumain na ba kayo?" tanong nya

"B-busog na po kami Tita hehe" sagot ko, hindi kasi kami nakasabay magdinner sa kanila kasi nga busog pa kami kanina dahil din sa 30 pcs na cupcake na yon, hanep

WHILE LOVE LIVE | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon