MARVEY'S POV
"Here, eat this" napaangat ako ng tingin ng may naglapag ng pagkain sa table kung nasaan ako ngayon
I'm here in Mang Inasal. Dito ako hinitak ni zach and I still don't know why.
"Ahmm ikaw? Wala kang inorder?" nagtataka kasi ako dahil isang manok at kanin staka isang halo halo lang ang nilapag nya sa table
"Hindi ako umorder, I already ate and magcecelebrate din mamaya kaya sure na may pagkain don" sagot nya habang walang reaksyong nakatingin sakin
"Dapat mga kateam mates mo na lang yung sinama mo dito para makapagusap naman kayo about sa nangyaring game kanina" nakangusong sabi ko staka sinumulang kainin yung inorder nya, bahala sya kanina pa ako gutom,
"bakit kasi ako?" sabi ko pa"at bakit hindi?" sagot nya agad kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya, napahinto ako ng ilang segundo habang nakatitig din sa kaniya staka mahinang tumawa
"I mean, for me lang ha mas masaya yon if sila kasama mo" sabi ko na lang staka bumalik sa pagkain
"Magkakasama naman kami mamaya mavey, staka ako magdedesisyon kung sino ang isasama ko o hindi" sagot nya "now, just eat and finish the food" dagdag nya pa
"nye nye nye bahala ka nga, boring ako kasama" sabi ko na lang
"seeing you in that place doesn't make me feel bored, mavey" sagot naman nya, until now wala pa rin syang reaksyon
"sus bolero ka" sabi ko nalang staka sumubo ng kanin "ang intense ng laban kanina ah, kala ko matatalo kayo eh" chika ko nalang para di naman sya mabored
"Pfftt sisiw" sabi nya napachuckle pa sya
Yabang
"Anong sisiw ka jan, nalamangan nga kayo ng 5 points kanina" sabi ko "buti na lang nakakathree points kayo kaya't papaano nakahabol" dagdag ko pa
"May panggulo kasi sa team kanina. Nagpapansin sa chix nya, nakakabanas" sabi nya, hala sino don?
"Ay talaga? sino don aber?" naeexcite kong tanong. Napatitig lang sya sakin ng ilang segundo bago sumagot.
"Wala, wala. Just continue to eat" sagot naman nya kaya napanguso ako, damot sa chismis.
Sumubo na lang ulit ako para makaalis na dito, habang kumakain at sya naman ay nakatitig lang sakin ay may naalala akong kanina.
"Oy Zach, may naichika kasi sakin si Fritz kanina" sabi ko, napakunot naman ang noo nya dahil don
"What is it?" walang gana namang sagot nya
"May crush daw si Calix? at alam ni Fritz yon. Balita ko nga ay manhid daw" sabi ko subo ng balat ng manok
"And? Ano naman ngayon kung may crush sya?" tanong naman nya, nahihimigan ko ang pagkaokray nya teka may galit ba 'to kay Calix eh diba magkaybigan sila?
"Tatanong ko sana if kilala mo? Si Fritz kasi kilala nya kaya i'm sure na kilala mo kasi ikaw ang bestfriend" nakangiting sabi ko
"The fvck" rinig kong mura nya , napakunot naman ang noo ko.
"hoy bat ka nagmumura, may masama sa tanong ko?" tanong ko
"Wala namang mali nagulat lang ako sa tanong mo, and for answer your question is i guess i know?" sagot nya
"huh?" takang sabi ko
"Calix doesn't confirm it yet but his actions speak louder so i guess, kilala ko kung sino ang crush ni calix" sagot nya habang nakatingin sakin, napataas ang kilay nya "and manhid nga yung crush nya, sobrang manhid" dagdag nya pa
BINABASA MO ANG
WHILE LOVE LIVE | BxB
RomanceMavey who scared to fall in love again. Pero sa hindi inaasang pagkakataon ay nahulog ang loob nya sa taong nakatakdang ipakasal sa kaybigan nya kay Zach. "I'll never marry her dahil sa plano ko para sa hinaharap ay nakikita kita habang naglalakad...