5.5: Straight into the Lair

111 9 16
                                    

Please have your sound on for this chapter by clicking the video above.

P.S. In any case, it won't work while reading on your phones, kindly disregard the embedded music. But, it would be better if you can use it as you read the chapter. It's kind of a Wattpad bug I guess, since the music only works when you're reading using a laptop. (╯3╰)

Anyways, enjoy! ฅ'ω'ฅ

~*~

Chapter 5.5

~*~

Third Person's POV

~*~

"M-Milady, where are you going?!"

Sa sobrang pagmamadali ni Reina, hindi na niya alintana pa ang bigat ng kaniyang velvet-colored gown maging ang sunud-sunod na pagtawag sa kaniya ng heneral.

Wala sa sarili niyang sinundan ang lalaki na nakita niya kamakailan lang. Hindi siya pwedeng magkamali. Kita mismo ng kaniyang mga mata na may buhat-buhat itong tao.

Isang inosenteng tao na naman ang madadamay sa isang nakakakilabot na krimen.

Bigla niyang naalala ang nangyari sa past life niya-kung saan dahil sa kaniyang kuryosidad, siya ang nakakita sa 'di hamak na mas magandang si Reina; na siyang fianceé ng lalaki na si Hellix-na siyang nagpursiging humingi ng tulong para sa kanila. Bagay na bagay talaga ang dalawa, at kung hindi lang sana nangyari 'yon, siguro natuloy na ang kanilang nakatakdang kasal.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sapagkat dahil sa mga malalaking sugat at tama ng baril sa dibdib nito, binawian ng buhay ang dalaga.

At dahil dito sa gulong kinasangkutan niya, bigla na lamang siyang napunta rito sa ibang mundo-sa isang kakaibang lugar kung saan laganap ang iba't ibang klase ng mahika, maging ang mga kaharian at imperyo, kung saan isa siyang babae na nabibilang sa mataas na lipunan; kung saan ang kultura at kinaugalian ay taliwas mula sa kaniyang nakasanayan no'ng nagt-trabaho pa lang siya sa kanilang kompanya bilang isang assistant secretary ng H Corporation.

Pero kahit nag-iba na ang kaniyang pagkatao, tila hindi mawaglit sa puso at isipan ni Reina na ipagwalang-kibo na lamang ang kaniyang nakita.

It does not sit right for her to just abandon the chance to help someone in need. If she failed to save the Reina from before, now is the perfect time to become successful in her mission of saving someone in danger.

No, she must save that person at all cost.

"Ha...Damn it. I lost him!" Inis niyang wika kasabay ng pagtiklop ng kaniyang mga kamao habang hawak-hawak ang gilid ng kaniyang kasuotan.

Luminga-linga siya sa magkakarugtong na mga eskinita at lagusan. Hindi niya maintindihan kung paanong nawala nalang ang kaniyang sinusundan ng parang bula. Suddenly, she thought to herself, maybe it was because of the flashbacks cascading into her mind all of a sudden. That's why she lost her focus.

Napabuga nalang ng hangin ang dalaga sa kawalan. She feels frustrated for some reason. Kapag wala talaga siyang makitang kahit na anong lead para mahanap at masundan ang lalaki at ang kinidnap nito, babalik na siya doon sa pinanggalingan niyang daanan kanina kung saan huli niyang narinig ang boses ng heneral.

Kakalimutan nalang niya ang lahat kahit na nagpupumilit pa ang isip niya na ituloy ang paghahanap.

Ang isa rin na nakadagdag sa nararamdamang frustration ng dalaga ay ang mga pasikot-sikot na daan. Sinabi niyang babalik siya sa pinanggalingan niya no'ng una, pero mukhang malabo pa sa maruming tubig ang kasiguraduhan na saulado niya pa rin ang dinaan niyang mga eskinita dahil magkakahawig ang istraktura ng mga ito.

Every Prince Is A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon