CHAPTER 1
~*~
Third Person's POV
~*~
Somewhere near an abandoned old museum...
"Y-you're a monster! Monster!" Sigaw ng isang lalaki na halos hindi na makagalaw sa tindi ng kaniyang takot. Pilit siyang umaatras gamit ang kaniyang mga kamay at mga paang pumapadyak palayo.
Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nasaksihan. Sa harap niya ngayon ang isang misteryosong lalaki na may bahid ng pinaghalong dugo at pawis sa kaniyang mukha hanggang sa itim na trench coat nitong suot. Hawak lamang nito ang isang manipis na kahoy ngunit naging sapat upang mapatumba ang napakarami niyang mga kalaban.
Tahimik lang itong nakatingin sa kaniya pero ang seryoso nitong mga mata ang nagpatindig ng kaniyang balahibo.
"Where...is Reina?" Malalim ang boses nitong tanong.
Reina? Sinong Reina? Namuo sa kaniyang mukha ang konpyusiyon.
"W-wala akong kilalang Reina-"
"Aaahh! Papatayin kita!"
Biglang may sumugod na kasamahan niya sa bandang likod ng lalaki at may dala na itong armas. Pinalo nito ang kamay ng lalaki kaya nabitiwan nito ang hawak niyang sandata. Muling umatake ang kasamahan niya pero agad itong inilagan ng lalaki at mabilis na sinipa ang armas na hawak nito. Nang ito ay malaglag, mabilis na umikot ang lalaki saka ito siniko sa panga at hinampas palayo ang mukha nito sa kaniya, "Ugh, I'll k-kill you..." Huli nitong sambit bago tuluyang mawalan ng malay.
Pinagpagan ng lalaki ang kaniyang suot at kinuha ang nalaglag na kahoy. Wala man lang takot o kaba ang namayani sa itsura nito. Ni hindi man lang ito masyadong napagod sa pakikipaglaban. Nabalot ng katahimikan ang buong gusali.
"Now, speak." Lumakad ang lalaki papalapit sa kinaroroonan niya kaya muli siyang napaatras. "Tell me where she is..."
"H-hindi ko nga alam, s-sino ba 'yon?!"
Huminto ito at seryoso pa rin ang tindig na nakatayo sa kaniyang harapan, "Hindi mo alam?" Sarkastiko itong ngumisi saglit saka nilabas ang lighter para sindihan ang sigarilyo na kinuha niya mula sa kaniyang bulsa. Humithit ito at bumuga ng usok papunta sa mukha ng lalaki.
"Then, I'll just end your fvcking existence." Tumalikod na ito at nagsimulang lumakad papalayo.
Nanigas siya sa kinauupuan sa sahig. Sino ba itong lalaking ito?
Habang tinatanaw niya ang misteryosong lalaki na naglalakad gamit ang mabibigat nitong mga yabag, napaisip siya. Sa taglay nitong lakas at galing sa pakikipag-away, tiyak na kaya nitong patumbahin kahit ilan pa ang mga kalaban.
"I swear! Hindi ko talaga kilala ang sinasabi mo-"
Napahiga siya sa sahig at agad nawalan ng malay nang bigla siya nitong nilapitan at malakas na sinipa sa mukha.
"Then piss off, you stupid fvcker!" Galit itong sumigaw kahit alam niyang knockout na ang kausap. Pagkatapos ay itinapon nito sa malayo ang lighter at yosi nitong dala, "Damn it. I can't find her..." Napahilamos ito sa mukha dahil kanina pa siya naghahanap ngunit hindi niya matagpuan ang kaniyang pinakamamahal na fiancée.
"Young master." Nakaagaw sa kaniyang atensyon ang dumating na lalaki. May katangkaran ito ng kaunti ngunit medyo may ka-edaran na ito. Kung titignan, mukhang matanda ito ng apat na taon kaysa sa misteryosong lalaki. May karga ito na tinadtad ng pasa at halos hindi na makilala dahil sa natamo nitong mga bugbog sa mukha at katawan.

BINABASA MO ANG
Every Prince Is A Demon
FantasyHow could you possibly escape destiny if no matter what you do, it keeps on holding you back? For Reina, who is suddenly trapped in a kingdom at the mercy of a handsome crown prince she is familiar with, survival is the most important-especially if...