Chapter 5

11 0 0
                                    

Chapter 5

"Sorry, I was late..." Bulong ng dalaga habang nakatayo sa harapan ni Hugo.

Nakaupo si Hugo sa mahabang upuan sa labas ng courtroom ni Atty. Hidalgo dahil hindi pa tapos ang kaniyang hearing. Kitang-kita ni Hugo ang pagkurba ng katawan ni Catalina dahil sa hapit ng suot nitong damit. Hinilot ni Hugo ang sentido at huminga ng malalim.

"Why are you wearing white?" Taka niyang tanong.

"I decided to... Face my demons?" Patanong na sagot ni Catalina.

Tunaas ang isang kilay ni Hugo. "You're asking 'cause you know you're more like the devil than the demon," sabat ni Hugo.

Catalina smiled awkwardly. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng asawa.

"Akala ko ayaw mo pa magpakilala?"

Huminga ng malalim si Catalina. "I... I think it's time... Slowly. I won't shock the public."

Hinilit ni Hugo ang sentido niya. "You'll be in the headlines tomorrow."

Alam ni Catalina 'yon. Kahit sabihin niyang doon lang siya sa loob ng meeting room nagpakilala ay tiyak na may lalabas na litrato sa media.

Tumikhim si Hugo at inabot ang kamay ni Catalina para paupuin sa kandungan niya. "Okay, sorry. I know I'm underestimating you."

"Kaya ko ang sarili ko..." Maliit na ngumiti ang dalaga. "Hayaan mo akong ipaglaban rin ang sarili ko. Ayokong dumipende na lang sa 'yo. Hindi sa lahat ng oras ikaw lang ang tutulong sakin, dapat ako din."

"I know..." Hinalikan ni Hugo ang balikat ni Catalina. "Why were you late?"

Umiling si Catalina. "I had a commotion in the parking lot."

"What commotion?" Tanong ni Hugo.

Nagkibit balikat lang si Catalina.

"I like your dress, by the way."

Lumiwanag ang mukha ni Catalina. "Really?"

"Yeah, I wanna strip it off."

Mabilis na napatayo si Catalina dahil sa sinabi ni Hugo. Naramdaman niya rin ang paunti-unting pagtusok ng sandata nito sa pangupo niya. Sinamaan ng tingin ni Catalina si Hugo.

Munting tumawa si Hugo at may hinugot mula sa bulsa niya. "Let's buy Starbucks, you can drink your favorite strawberries."

Napangisi si Catalina at inabot ang hawak ni Hugo na membership card. Naunang naglakad si Catalina habang nakangising sumusunod si Hugo sa likuran niya. Ang isan. kamay nito ay nasa loob ng kaniyang bulsa habang ang isa naman ay umakbay na sa balikat ng asawa.

"Thank you..." Bulong ni Catalina.

Hinalikan ni Hugo ang sentido nito. "Always welcome."

Mabilis na nakarating ang dalawa sa Starbucks kahit na nagkaniya-kaniyang sasakyan ang mga ito. Agad na pumila ang mag-asawa para mag order.

"Do you want to borrow my shades?" Hugo whispered.

Marahang tumango si Catalina. Kinuha ni Hugo ang shades na nakasabit sa kaniyang polo at ibinigay sa asawa. Mabilis na nagtakip ng mga mata si Catalina at hinayaan niya namang taliin ni Hugo ang buhok niya mula sa likod.

Mabilis na nakapagorder si Catalina ng dalawang strawberry drink at dalawang garlic bread for takeout. Pumasok muna si Hugo sa kotse ng asawa para doon na lamang kumain dahil pinagtitinginan silang dalawa sa loob.

Hamakin mo, ang isang Sebastian Hugo Ruiz kasama ang asawa nito sa natural nitong anyo. Kagulat-gulat nga namang lumabas sila nang biglaan kahit hindi naman importante ang lakad.

"Is attorney still... busy?" Tanong ni Hugo nang buksan ni Catalina ang kaniyang telepono.

Tumango ang dalaga. "He might be finished already, puntahan na natin," aniya at pinaandar ang kotse.

"Babe," Hugo called her.

Tumigil si Catalina at napalingon sa asawa, nakataas ang dalawa nitong kilay. "Why?"

"Kumain ka muna."

Napakurap si Catalina sa sinabi ni Hugo. Nang hindi gumalaw si Catalina ay kinuha ni Hugo ang garlic bread bago kumuha ng piraso at isinubo sa asawa.

"But you don't use your hands when you eat..." Mahinang bulong ni Catalina.

"I know."

Natigilan si Catalina. Hindi makapaniwala na kayang gawin ni Hugo ang hindi niya oa nagagawa para lang sa kaniya. Lumunok si Catalina at kinain ang garlic bread sa kamay ng binata bago mabagal na ngumuya.

Natulala ng ilang saglit si Catalina. Nang maubos ang tinapay sa loob ng bibig niya ay muli siyang napalingon sa asawa. Nagulat na lamang si Catalina nang makita niya kung gaano kalapit ang mukha ni Hugo sa kaniya. Ngumuso si Hugo.

"No, Sebastian," iling ng dalaga.

Ngumuso lalo si Hugo. "Isa lang naman."

"And that one kiss would take a fcking day to finish," ani ng dalaga.

Umiling si Hugo. "I swear."

"Swear your as*, as*hole. Napapako lagi 'yang swear-swear mo."

"Isa lang e..."

"Ayoko sabi."

"Napakadamot mo namang asawa!"

Napangaga si Catalina. "You're such an as*hole!"

Umayos ng upo si Hugo at pinagkrus ang mga braso sa harapan ng dibdib. "Sige, 'wag nalang."

"Okay," kibit-balikat na saad ni Catalina.

"Talaga?"

"Oo," She answered fast without thinking twice.

"Love mo 'ko?" He asked fast.

"Oo- Ano?!" nnalaki ang mga mata ni Catalina.

"Sabi mo oo," mapang-asar na sabi ni Hugo.

Hinampas ni Catalina ang maskuladong braso ni Hugo. Napaaray si Hugo sa lakas pero parang wala lang kay Catalina. Mabilis na inabot ni Hugo ang kamay ni Catalina na humampas sa kaniya. Dahil malaporselana ang balat ni Catalina ay pulang-pula ang kamay nito.

He hissed at her. "Look! You hurt yourself!" Singhal ni Hugo.

"Namumula lang ang kamay ko, Seb..." Sabat ni Catalina.

Hinipan ni Hugo ang kamay ni Catalina, nagbabakasakaling mawala ang sakit. Napatitig si Catalina sa kaniya. Lagi nalang siyang pinoprotektahan ni Hugo, kahit noong nasa New York pa sila. Lagi niyang pinipili ang mas ikabubuti kay Catalina, binibigay ni Hugo ang lahat ng pagmamahal niya pero iniiwasan lang ito ni Catalina dahil sa takot.

Nagsimulang kumunot ang noo ni Hugo dahil hindi la rin nawawala ang pamulula ng palad ng asawa. Naghanal ng ountment sa loob ng kotse si Hugo at nang may makita siya ay agad niyang inilagay sa palad ng asawa.

"This should work right?" Tanong ni Hugo, ngayon ay hinihipan ulit ang palad ni Catalina.

"Hugo, namumula lang ang kamay ko..." Ulit ni Catalina.

Pero hindi na nakikinig si Hugo. Marahan niyang minasahe ang kamay ni Catalina sa kabila ng ointment na nilagay nito. Ginagawa ni Hugo ang lahat para mapatawa si Catalina, mapangiti, at mapasakaniya. Lagi siyang nariyan sa tabi niya kahit na hindi pa siya nagpapakilaka bilang anak ni Samuel. Marahang binawi ni Catalina ang kamay niya mula kay Hugo pero hinabol niya 'yon.

"No..." bulong ni Hugo.

"Sebastian Hugo."

"What?" Inis niyang tanong pero mahinahon pa rin.

"Stop it. Namula lang ang kamay ko. It's nothing."

Umiling si Hugo. "I don't care about your the bullets that hit you, or the swords that wounded you..." He chuckled. "You're my woman and I should protect you... Always."

Maliit na ngumiti si Catalina. Inabot niya ang nagaalalang mukha ni Hugo at marahang hinila papalapit sa kaniya, maingat na nagdampi ng halik sa labi ni Hugo. Matagal-tagal na nang huling hinalikan ni Catalina si Hugo. Nakita ni Catalina ang pananabik sa mga mata ni Hugo, napalunok ang dalaga.

"Do you call that a kiss?"

Kumunot ang noo ni Catalina. "What?"

Ngumisi si Hugo. Lalong nakita ang pananabik sa mata ni Hugo. Marahan niyang inabot ang batok ng asawa at ipinagdikit ang kanilang mga noo. Tumitig si Hugo sa mata ng dalaga.

"Can I kiss you?"

"Sebastian..."

Inabot ni Hugo ang labi ni Catalina at pinaglaruan 'yon gamit ang kaniyang hinlalaki. Napapikit ang dalaga at tila unti-unting nalulunod sa haplos ng binata. Marahan at malambot. Unti-unting lumapit ang labi ni Hugo sa labi ni Catalina at tuluyang ipinagdampi ang mga ito. Napaawang ang labi ni Catalina pero kalaunan ay tinanggap niya rin ang maiinit niyang halik.

Strawberries and Cigarettes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon