James' Point of ViewSOBRANG BILIS lumipas ng mga araw. Parang kahapon lang, pinanonood ko ang isang transferred student na nakikipag-away sa kapwa niya babae dahil sa isang lalaki, na ang pangalan ay Troy. That girl was already a friend of mine. Mas napalapit kami sa isa't isa. Well, ang friendship namin ay hindi kasing-lalim ng friendship namin ng best friend ko. But she was always acting like our relationship was more than that, like she was my girlfriend.
Tulad ngayon...
Magkakasabay kami nina Chris, Gio, Trixie, at ako na nagla-lunch. Magkatabi kami ni Trixie, at ang dalawa ko namang lalaking kaibigan ang magkatabi. 'Yon ang dahilan kaya't kanina pa nila ako binibigyan ng mga nakakaasar na ngisi. Hindi na ito bago sa akin dahil nangyayari naman ito sa tuwing pumapasok ako sa school. Palagi kasing sumusulpot si Trixie kaya't palagi rin nila akong inaasar.
I still hadn't forgotten what they said when they noticed Trixie acting like I was her boyfriend.
"James, ano'ng ginawa mo at parang ayaw nang lumayo sa 'yo ng kain-katawan-at-kain-ulong babaing 'yon?" nakangising tanong ni Gio.
Kumunot ang aking noo. Bakit parang may ibang ibig sabihin ang tanong niya. Kakaiba kasi ang kanyang ngisi. "What do you mean?"
"Naka-shoot ka na ba?"
"Naka-shoot? What does that mean?"
"Lalaki ka ba talaga, James? Ang tanda-tanda mo na tapos hindi mo alam ang ibig kong sabihin? Wala ka lang bang alam o alien ka?"
I looked at Chris when he spoke, "James, huwag mo nga kaming lokohin. Bukod sa matanda ka na, you're a boy kaya siguradong marami ka ring alam tungkol sa bagay na 'yon. Stop acting like an innocent kid."
Hinintay nila akong magsalita, ngunit hindi ko ginawa. Mas kumunot lang ang aking noo.
"Wala ka ba talagang alam?"
"Wala. At saka bakit n'yo ba ako tinatanong tungkol sa basketball? Naglalaro ako no'n, pero bihira na ngayon."
They looked at each other and laughed. My eyebrows rose. Did I say something funny?
Pinalo ni Gio ang aking braso habang patuloy sa pagtawa. "Nakumbinsi mo na kami, wala ka nga talagang alam. Hahaha!"
"Gio's question was not about basketball, James. Tinatanong niya kung naka-score ka na o may nangyari na sana inyo ni Trixie."
Pinalo ko rin sa braso si Gio. "Are you crazy? Bakit mo iniisip 'yon? Trixie's just a friend of mine. She's not my girlfriend, and not my wife. Bakit namin gagawin 'yon?"
"You're the one who's crazy, James. Ang hina na nga ng utak mo, mahina rin ang katawan mo. At magkarelasyon man kayo ng isang babae o hindi, it doesn't matter. You don't need to make her your girlfriend or wife bago mo siya makasiping. Lumawak na kasi ang pang-unawa ng mga babae ngayon. Naiintindihan na nila na hindi kailangan ang commitment para mapaligaya nila ang mga sarili nila."
"Hindi lahat ng babae ay ganyan."
Bakit ba ang bababa ng tingin nila sa mga babae? Girls are like precious stones, they should be valued. Girls are more precious than they think. They should be respected and loved. That's what they deserve, but that's not what they're getting.
"Yeah, you're right. Not all girls are like that, but most of them are, James," Chris said. "Open your eyes 'cause that's the truth. Halos wala nang babaing matino ngayon. Kaya kung ang dahilan kaya ka pa rin single hanggang ngayon ay dahil naniniwala kang may darating na tamang babae para sa 'yo, itigil mo na ang paghihintay. Because if you don't, you'll only get hurt and disappointed. Magpakasaya ka na lang. Get all the girls you want and leave them if you don't like them anymore. You're handsome, James."

BINABASA MO ANG
Forever With You
RomanceForever With You Written By: TiffGRa (Tiffany) In the complex dance of emotions, James Cortez found himself torn between two contrasting worlds. On one side stood Stephanie Reyes, a girl who had traversed the labyrinth of his imperfections, embraci...