HIDE 3

8 5 0
                                    

-.-

Tulala lang ako pagkatapos ng scenario sa loob ng room. Nandito ako sa cafeteria pero feeling ko nasa himpapawid ako.

Daig pa ng lutang at sabog ang kaisipan ko ngayon.

Ilang beses din ako tinangkang kausapin ni Rhi pero tanging tango at iling lang ang sagot ko sakaniya. May mga times pang namumula ako pag naiisip iyong sinabi ni sir Creigh kanina.

Hindi ba siya nag second thoughts? Na baka nilagyan ko ng lason iyong mga 'yon? Sabagay sa hitsura ko naman ay hindi naman ako mukhang manlalason.

“Grabe, ang sarap ng cupcakes ni tita, gusto ko tuloy pumunta sa bahay niyo kung wala lang talaga akong trabaho” tuwang tuwa siya habang kinakain iyong mga natirang cupcakes.

At tuwang tuwa din ako dahil nakapagpapasaya ako. Siya kaya? Masaya ba siya sa ibinigay ko?

Ugh what am I thinking?

Alas quatro na at nagsisiuwian na ang ibang studyante. Ako ay natira mag-isa 'cause my group ditched. Sana ay may kasama ako maglilinis ng room dahil nangako ako kay mommy na uuwi ng maaga para tulungan siyang mag grocery. Even Rhi, although I understand her lalo na ang sitwasyon niya.

Tahimik lang akong nag momop. Maraming senaryo ang nag eenter sa isip ko tulad ng paano ko mapapasaya si dad sa Birthday niya, or ano ang ibibigay ko kay Rhi sa graduation, okaya anong mangyayari saamin ni Creigh.

Wait.. Did I just.. No way..

Okay Zine, focus. Walang Sir Creigh..

“What are you doing?”

“Ay walang Sir Creigh!” sa sobrang bigla ay napasigaw ako, even the mop I'm holding, bumagsak sa sahig.

Napalingon ako kay Sir Creigh na nakatayo sa door habang nakamasid saakin.

He's so mysterious, even his emotions aren't vocal. Ni hindi mo malalaman kung masaya ba siya or hindi.

Sad to know that there are some people had already forgot to smile truly. Pinipilit ang sarili sa kalungkutan. I Don't know this guy well pero I know there's always a reason.

“Wala naman sir, I'm just cleaning, matatapos na din po” napako ang mga titig ko sakanya. He seem doesn't care kung titigan ko man siya. He let out an exaggerate sigh and pinulot niya ang mop.

“Go home early Zine, I can take care of this.” nanlaki ang mata ko. Hindi naman niya kailangang gawin iyon at isa pa trabaho ko iyon.

May sumagi sa isip kong posibleng dahilan kung bakit niya ginagawa 'to. Pero alam kong imposible. Kaya  dapat itigil ko na ang kakailusyon, after all I've just met him yesterday. Things mustn't be fast.

“I'm responsible in this Sir Creigh” tinignan niya lang ako at tyaka tinalikuran. Mukhang wala siyang balak bitawan ang mop kaya nagpakawala ako ng mahabang hinga.

“And I'm responsible either kapag may nangyaring masama sa'yo.” Hulog.

Literal na natigil ako sa sinabi niya. What does he mean? That fast? I never expect him to say that!

Hidden Son (Rancore Society #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon