-.-
Inah Moo Semacio posted her status
'Mare what's latest' in short MariteS!
Circle of bros daw mga school hunks? I can't imagine Sir Trevor Lim, Sir Mason, Sir Creighton and Sysley Castanier magkakasama? Shet more than heaven!
JEJEJEJEXD
Mahina akong natawa. Inah never missed the latest. Lagi ay updated pagdating sa chismis.
However, napaisip ako. Kung magkakaibigan sila, ibig sabihin lagi silang magkakasama? Mukhang hindi lang si Inah ang hindi maka imagine, I can't imagine it too. 4 Hunks together, hukom iyon! But above all, si Sir Creigh pa din pinaka gwapo
Why am I even comparing them?
“LIU LIU” natinag ako sa sigaw ng conductor ng bus. Today, on my to school, hindi ako nagpahatid dahil wala na kaming driver. Tulog pa si mom kaya hindi din ako nakapag almusal, at si Dad, hindi pa din umuuwi.
Isinilid ko ang phone sa loob ng bag at lumabas ng bus. Yep I admit, hindi ako marunong sumakay sa pampublikong sasakyan. Kanina nga ay pagka pasok sa bus ay iniaabot ko na ang bayad sa driver, mabuti nalang ay nasabihan niya agad ako regarding that. Dapat ay sa konduktor magbayad.
Nagpapasalamat pa din ako dahil kahit kakaunti ay may naitabi ako sa mga allowance ko. Nagfreeze na kasi lahat ng cards ko including my black card.
“Friendship!” napalingon ako kay Rhi na nagmamadaling tumakbo saakin. Hinihingal pa siya at tila problemado ang mukha.
“Buti nalang naabutan pa kita” hingal pa din siya.
“Bakit ba humahangos ka? And what do you mean? Hindi ka papasok?”
“H-Hindi eh”
“Why may emergency ba?” she shyly nodded.
“Hala you should go, ako ng bahala sa mga ipapa assignment or i papa pass. May need ka ba? Baka may maitutulong ako” umiling siya at napakamot sa leeg.
“Iyon na nga, ano kasi frienny.. Kailangan ko ng salapi. Frienny nagbabakasakali lang ako baka maipahiram mo ako. Nahihiya ako pero kasi iyong mama ko nasa hospital. Hindi ko kayang makita siyang ganon..” bahagyang nalukot ang mukha niya. Para bang nahihiya talaga siya.
Wala siyang dapat ikahiya dahil willing ko ibibigay ang hinihiram niya. In exchange, wala nga lang ako babaunin para sa mga susunod na araw. Pero okay lang, At least makakatulong ako.
Inilabas ko ang limang libong natira nalamang saakin at iniabot iyon kay Rhi. I'm hesitant pero hindi ko nalang ipinahalata, the important thing is nakatulong ako, may patutunguhan ang pera ko.
Kung tutuusin, okay lang naman saakin mawalan ng pera, dahil marami pa naman kaming stocks sa bahay, total opposite of Rhi. Walang wala sila.
“Ibabalik ko ito promise cross my heart mamatay man si Lihemn G!” parehas kaming natawa.
I'm sure iyong tinutukoy niya is iyong crush niya daw. At mukhang mag kagalit sila.
BINABASA MO ANG
Hidden Son (Rancore Society #1)
Fiksi Umum╔ Rancore Society ╝ Unique woman to be described. Known as the Beauty and brains, popular, friendly, all in all, their angel. Kilala siya Bilang hindi makabasag pinggan, maamo at mahinahon lahat ng papuri ay nasaka...