-.-
Napaupo ako sa playing mat habang hingal na hingal na tinitignan si Neon na wala pa din humpay sa paglalaro.Nabaling ako sa wall clock, it's almost 11 o'clock pm pero parang alas kwatro pa lamang ng hapon sa energy ng alaga ko.
Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Deretso ako kumuha ng tubig sa pitsel.
“Pahinge Moma” kumuha ako ng plastic na baso para hindi mabasag kapag ginamit ng bata.
Napatingin ako kay Neon na kahit sobrang pawis ay ubod pa din ng gwapo at freshness.
He's Neon Isaahc, alaga ko ngayon. A six years old kid pero daig pa ang 10 years old na bata sa pagiging bibo. He's a handsome kid, he has this deep gray eyes, thick brows, a pointed tiny nose, his appealing red lips, and his porcelain skin. Halatang mayaman.
No doubts, kaya siya gusto noong inaanak kong si Nadia. Kung mayroong Ken sa world ni Barbie, mayroon namang Neon sa real world.
“Why are you so upset Batman?” I gave him the glass of milk he requested before he sleeps.
Seeing him like that gave me a hard impact. Ayaw kong nakakakita ng mga malulungkot na tao pero mas ayaw kong makitang nalulungkot itong batang ito. Parang kinukurot ang puso ko kapag nakikita siyang ganito.
Ginaya niya akong naka Indian sit at dahan dahang iniinom iyong gatas.
“'Cause I'm not important to my parents.” nakaramdam ako ng matinding lungkot habang nakatunghay kay Neon na sobrang bagsak ng balikat.
Feeling ko ay kasalanan ko kung bakit ganiyan ang nararamdaman niya.
Bigla ko tuloy gusto siyang akuin. Gusto ko ako nalang maging mommy niyang tunay para hindi niya maramdaman ang nararamdaman niya ngayon.
“Bakit mo nasabi 'yan Batman? You know, don't think such a thing, lalo ka malulungkot kapag nag-isip ka ng ganiyan” I said sweetly. Bigla siyang lumapit saakin at niyakap ang braso ko. Hindi ko na din napigilang yakapin ang bata.
Sa totoo lang, I've never met his parents. Pumunta ako dito, nakapagtrabaho ako ng wala ang mga magulang niya. Tanging mayordoma ng mansyon ang nagbibigay ng utos at ng kabayaran sa mga katulong rito.
“Daddy is so busy working, to the point he already forgot that he has a son seeking for his attention.” he said in a low tone voice.
Mahigpit na pinagbawal ng Mayordoma na itanong kay Neon ang mga personal na bagay lalo na tungkol sa pamilya niya. Iniiwasan niya raw na ma trigger ang feelings ng bata at baka maisipang magrebelde nito.
Naiintindihan ko iyon, however, curiosity's eating me. Gustong gusto kong malaman kung nasaan ang Mama niya.
“Asan si mommy mo?” mahinang tanong ko sakanya.
Nakita kong nanubig ang mata ng bata kaya lalo ko siyang inalo.
I think it's a bad move I asked him that, tama nga ang sinabi ng mayordoma. I might trigger the kid.
Tahimik lamang kami ng mga ilang minuto. Pinapakiramdaman ko kung tulog na ba siya o hindi pa. Ngunit wala yata balak matulog dahil hanggang ngayon ay mulat ang mga mata niya.
He pointed the sky through the open window.
Lito tuloy akong napatingin sa kaniya.
“She's in Heaven..” napanga nga ako at malungkot na tumunghay din sa kalangitan.
They said, "Everything happens for a reason" however, there's is no validity in every happenings such as this. A poor child wants to have a happy family, but he wished something he can't have.
Sinulyapan ko muli si Neon bago isinara ang pintuan ng kwarto niya.
Sumobra kami ng paglalaro ng bata at nakalimutan kong maglinis. Natawa ako ng maalalang wala pala akong lilinisin dahil malinis na lahat.
Ako na lang ang tanging gising sa mga maids dito, at ipinagtataka kong hindi pa ako dinadatnan ng antok.
I was about to go downstairs ng mahagip ng isang pintuan ang atensyon ko. Mayordoma forbid us to enter that room dahil pagmamay-ari daw iyon ng boss namin. Tanging mayordoma lang ang may access doon.
Bakit hindi nalang kaya ito linisin ko? Tutal it wasn't cleaned for days, baka maalikabok pala doon?
Napangiti ako sa ideya. Dinampot ko ang walis at basahan kong dala kanina.
Pinihit ko ang doorknob at laking gulat ko ng hindi iyon naka lock.
The ambiance of the room is light, maganda ang kulay at nakakagaan sa paningin. Hindi rin masyadong masikip tignan dahil malaki ito.
Nanlumo ako ng makitang sobrang linis din dito! Walang kalat at hindi maalikabok tulad ng iniisip ko.
I shook my head. Inisa isa kong pinunasan lahat ng figurines sa itaas ng mga drawers. Tama lang ang desisyon ko dahil medyo maalikabok na ang mga ito. Napatingin ako sa frames na nasa kabilang drawers.
Puro paints at drawing ng bata ang naririto, at picture ni Neon habang kumakain ng tsokolate. Natawa ako. Mali siguro ang iniisip ni Neon na walang pakialam ang daddy niya sakaniya. I'm sure he's just busy pero hindi niya gustong mapabayaan ang naiwan niyang anak.
Napatigil ang tingin ko sa isang frame na nakatumba. Tanging likod lamang ang aking nakikita. Kinuha ko ito at balak sanang itayo ng matigil ito sa ere.
Hindi ko maintindihan.
“Bakit.. Mukha ko narito?” nagsimula na akong kabahan.
Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko. Mabuti na nga lang ay hindi ko nahulog ang picture. Pero ako talaga iyon..
Litrato ko noong nag graduate ako ng Highschool eto. Naka peace sign pa ako at halatang masayang masaya, malayong malayo sa ako ngayon.
Inilibot ko ang tingin ko sa kuwarto at halos manlumo ako ng makita ang isang malaking portrait.
My heart jumped, seeing the portrait hanged on wall.
It's a picture of him..
I gasped again trying to calm myself, but someone spoke at my back making my heart triple drilled right now. Imbis na kumalma ay lalo akong kinabahan.
“What are you doing here?” ramdam ang galit at pagkadismaya sa malaking boses na nagsalita.
Unti unting naginit ang sulok ng mga mata ko. He's here.
Dahan dahan akong lumingon sa pintuan ng kuwarto at nakumpirma kong siya nga iyon.
Creighton Isaahc Valerio
After six years, we met again, in a certain time, and place.
The once love of my life is now in front of me, without emotion shown.
I never Expect to see him again after that incident.
Pero ngayon, nasa harapan ko na siya.
And another thing I don't know is he's been hiding the most precious thing I never had.
He kept him burden and didn't even planned to tell me that, that Kid, is also mine.
Living full of lies, Neon Isaahc is been the missing piece of my life nonetheless, My Hidden Son.
-.-
BINABASA MO ANG
Hidden Son (Rancore Society #1)
قصص عامة╔ Rancore Society ╝ Unique woman to be described. Known as the Beauty and brains, popular, friendly, all in all, their angel. Kilala siya Bilang hindi makabasag pinggan, maamo at mahinahon lahat ng papuri ay nasaka...