Part-13

10 4 0
                                    


******

LINCOLN POV*


Kasalukuyan naming sinusundan ang babaeng sinasabi ni Tyree, pa-simple lang kami nag lakad para di mahalata ng babae.  But come on! Bakit namin ito sinusundan.

Nakakainis pa ang iingay ng mga babaeng sunod ng sunod sa amin. Tss! Maya-maya pa pumasok na kami sa building sinusundan pa rin namin yung babae patungo sa Dean office. Nang pumasok na ito sa office gusto  pang sumunod ni Tyree kundi lang binatukan ni Tyler ito.

"Ree!...come on! Let's wait here! Saka mo sya kausapin" Ani ng pinsan kung si Axel at inunahan ko ng umupo ng uupo ito sa upuan tapat ng office. Nakakapagod kaya mag lakad naupo na rin si Tyler sa tabi ko mahabang bench ang nandun kasya yata sampung tao.

Nakaupo kaming lima habang nag-iintay panay naman ang tinginan ng mga dumadaan sa amin. Lumipas ang limang minuto bumukas na ang pinto nito ayus makikita na namin ang mukha nito. curious kaming apat  kung talagang maganda ito.

Bago pa man namin makita ang mukha nito ng biglang may bumangga dito parang isang pelikula, naiikut nya ang babaeng bumangga sa kanya yung isang kamay nya nasa baywang nito habang ang dalawang kamay ng bumangga sa kanya ay nasa leeg nito.

"Ayieee!!"si Wyatt yan na parang kinikilig bakla talaga to napatingin din ako sa pinsan ko na parang kinikilig din ang p*ta, si Tyree naman nakanguso wag nyang sabihing nagseselos ito? Nagkatitigan na lang kami ni Tyler at parehong umiling-iling.

Pagbalik ko ng tingin sa harap ko wala na yung babaeng naka hoodie yung babaeng nakabangga dito na tulala na animo'y kinikilig.  Langya! Baka lalaki ang sinusundan namin at hindi babae.

Kawawang kaibigan ko minsan na nga lang mag ka-gusto na Wow mali pa!. May balak pa Sana hintayin namin yung babae o lalaki...diko alam Lalo tuloy akong na curious dito pero tumunog na ang bell hudyat na oras na pumasok sa klase. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang umakyat na,  hindi pa kasi bumabalik yung mahiwagang babae ba o lalaki?.









********SHORT CHAPTERS ****

Thank you for following😍🙂SultanZak

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon