Raine's POV
"Raine.. i just want to say that i love you"
Sabi nung lalaki. Hindi ko makita yung mukha niya kasi blurred. Teka sino ba to?
"Ha? Eh sino ka?"
"Im...."
*SPLASH*
O.O
O.O
O.O
WTF?!! Hindi ko na napatapos ung sasabihin nung kuya dahil nabuhusan ako ng malamig na tubig. Teka nabuhusan nga ba o sinadya?!
Bumangon na ko para tignan kung sinong gumawa non.
"Hoy ikaw sofie! Alam mo bang dahil diyan sa ginawa mo eh naudlot ung love story ko ha?!" Sabi ko sakanya. Kainis kasi di ko na tuloy nalaman ung pangalan nung kuya -.-
"Anong love story pinagsasabi mo diyan ha?! Gaga ka ba? Binuhusan ka lang ng malamig na tubig naudlot na agad?! At hoy ikaw ellaine bumangon ka na diyan kung ayaw mong hilahin ko yang buhok mo at kaladkarin papuntang school gusto mo?"
Aba't siya pa yung may ganang magalit ako na nga binuhusan niya. Pasalamat siya mahal ko siya. Di ko nalang siya pinansin at baka totohanin niya ung sinabi niyang kaladkarin ako papuntang school. Takot ko lang no? >.<
Dumeretso na ko sa banyo para maligo. Bumaba na din agad ako at kumain.
"Hoy ellaine . Anong kadramahan yan?"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain. Haha. Kunwari nagtatampo ako. Pfft. XD
"Hoy papansin mo ba ko o hindi?"
Tinignan ko lang siya saglit at binaling nadin agad ung atensyon ko sa pagkain. Ang aga aga kasi akong gisingin 5:30. Di naman siya excited no? Eh 7:30 pa start ng class e. :3
"Ah ganon di mo talaga ako papansin? Sige mauna na pala ako sayo bahala ka pag may makasalubong kang adik sa kanto." Sabi niya sabay tumayo na ng upuan.
"Wait sofie! Sabi ko nga papansin kita e." Tawag ko sa kanya. Hello? Ayoko nga maglakad baka makita ko nanaman ung mga adik sa kanto.
"Tignan mo sasabay ka din pala." Sabi niya hindi ko nalang pinansin dumeretso na kami sa kotse niya.
Well nagtataka siguro kayo kung bakit kami magkasama sa iisang bahay no? Napag desisyonan kasi namin na tumira sa iisang bahay since lagi namang nasa ibang lugar parents namin alam niyo na business thingy. Pumayag din naman Actually hindi lang kaming dalawa ang nakatira diyan meron pang isa si trixie bestfriend ko din. Sabi kasi ng mom niya may pupuntahan sila tapos dun na rin daw siya matulog sa bahay nila. Ayun pumayag naman isang araw lang daw naman e. Haha.
Kinuha ko nalng yung earphone ko sabay lagay sa tenga. Since wala pa naman kami sa school let me introduce my self muna. Haha.
Rielle Raine Yu. Half Filipino at Half korean kaya nga Yu diba? Haha. 16 years old na ko fourth year student sa Star University. Galing no? Kakaiba ung name ng school namin? Bituin ang peg. Haha. Meron akong dalawang bestfriend si Sofie May Chua at Trixie Anne Stanford. Simula nung bata pa ko kasama ko na sila e. Haha. Oh siya tama na yan.
Nang makarating na kami agad na din kaming pumunta sa room. As usuall section A kami.
"Hi bestfriends!!!!" Sigaw ni trixie langya talaga tong babaeng to anlakas makasigaw e.
"Hoy di kami bingi anlapit lapit namin sayo e kung makasigaw ka diyan kala mo nakakain ng megaphone." Sabi ko sa kanya. Haha.
"Wow ha ellaine lakas makapagsabi ng nakakain ng megaphone parang ikaw hindi ah." Sabi ni trixie na nakapameywang pa. Baliw talaga.