Chapter Four

188 2 2
                                    

AN: Hi awesome readers! Haha. Sorry kung natagalan mag UD! ✌ eto na oh. Hahaha enjoy reading!! :**

~~~~~~

Raine's POV

Andito kami sa room ngayon hinihintay yung teacher namin sa cooking class. Yup cooking! Eto na fav subject ko dahil puro pagkain. Hahaha.

"Psssst! Raine!"

Tumingin naman ako sa katabi ko baka sakaling sila sofie ang tumawag pero. Ayun hindi si sofie kasi natutulog tapos si trix naman nagseselfie nanaman. Hahaha.

"Psst oyy raine dito sa gilid!"

Tumingin naman ako at ng makita ko si kent pala. Ano namang kailangan nito?

"Bakit?"

"Uhmm ano pwedeng ma-" Di na niya natapos ung sasabihin niya

"GoodMorning Class!"

Sinabi na din niya sakin na next time nlng pala daw. Ano kayang sasabihin nito?

"So today we will have a group project. You will bake a cake. Here's group one. Sofie, Zeek and trix. Group two Rielle, kent and cloud. Group three monique, jane and john."

Sinabi niya pa yung ibang groups pero di na ko nakinig. Natawag naman na yung pangalan ko e. Hahaha.

Pagkatapos sabihin ni ma'am yung tungkol sa project umalis na din siya agad. Pwede naman na daw mag start ngayon. Deadline kasi namin sa lunes eh. Kinausap ko na din sila kent tungkol dun sa group project.

"Oh ano start na tayo mamaya bumili ng ingredients para sa cake?" -kent

"Sige ba. Para bukas gawin na din natin at wala ng gawin sa linggo." Sabi ko kay kent

"Bukas nalang tinatamad pa ko!" Sabi ni gorillia with matching pahikab hikab pa.

"Edi wag kang sumama samin ni kent! Bahala kana din sa grades mo! Diba kent?" Sabi ko kay gorillia 

"Oo nga bahala siya sa grades niya raine! Haha." Sabi ni kent saakin tapos nag apir kami. Haha.

"Edi bahala kayo! Basta ako matutulog!" Sabi niya sabay subsob ng mukha sa desk.

Nagkwentuhan lang kami ni kent ng kung ano ano hanggang sa mag uwian na.

Nagpaalam nadin naman ako kela sofie na hindi ako sasabay sa kanila at mag grocery kami pumayag naman din sila since pupunta pa daw sila sa bahay nila zeek para mapag usapan narin nila ung tungkol sa project.

"Oh ano kent tara na?" Sabi ko sakanya at kinuha ko na din ung bag ko.

"Tara na! Bye cloud bahala ka na grades mo ha?" -kent

"G*go! Sasama ako sainyo!" Sabi niya sabay tayo na at naunang naglakad samin.

Tumahimik nalang kami ni kent at pumunta sa parking lot. Sa kotse niya narin ako sasabay dahil hindi pa ko pinapadrive nila dad bata pa daw ako. Kaya ayon hindi ko pa magamit ung kotse ko -_-

Papasok na sana ako ng biglang hilahin ako ni gorillia. Problema niya ba? -.-

"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko sakanya na pilit hinahatak ung kamay ko. Ansakit na ha?! Ang higpit kasi ng hawak niya e. T.T

"SAKAY!!" sabi niya sabay tulak sa kotse niya. Kanina pa siya nakakasakit ha? Hmmmp!

Sumenyas nalang din ako kay kent na kay gorillia nalang ako sasabay at ngumiti nalang siya at tumango.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa makarating na kami sa mall.

Bumaba nadin ako agad at pumunta kay kent pagkakita ko sa kanya. Ayoko nga dun sa gorillia masyadong marahas. Buti pa si kent mabait! Hahaha.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon