AN: Hi nga pala kay CutieMallowMonster! Hahaha. Death love basahin niyo po gawa ni cutiemallow maganda yan. Thankies! ☺
~~~~~~
Raine's POV
Dahil nga sa maaga akong natulog kagabi siyempre maaga akong magigising diba? So ayun nag ayos muna ako bago bumaba na.
Narinig ko pa nga ung paguusap ni trix at sofie eh. I smell something fishyy!
"Baka gusto mong sabihin ko kay ellaine yung sekreto mo ha?" Narinig kong sabi ni trix. Ano naman kayang sekreto yun? Dahil nga sa nacurious ako lumapit ako agad sakanila at tinanong.
"Anong tungkol sa sekreto ni sofie na hindi ko alam?" Sabi ko sakanila sabay nag cross arms.
Halata namang nagulat silang dalawa sa bigla kong pagsulpot kasi nanlaki bigla ung mata ni trix eh singkit naman siya. Si sofie naman biglang pinawisan eh nakacentralize naman tong buong bahay.
"A-ano ung sa s-sikreto ni sofie ano uhmm kasi umutot! Oo yun na nga umutot si sofie ayaw niya ipasabi hehehe." Sabi ni trix sabay tingin kay sofie tapos pinanlakihan ng mata.
Magsisinungaling nalang nga yung hindi kapanipaniwala pa tsk tsk.
"Magsasabi ba kayo ng totoo o magsasabi kayo ng totoo? Sagot!" Sabi ko sakanila sabay hampas sa tabe. Hahaha takot din sila sakin minsan e. XD
"S-si sofie k-kasi hiniram ko yung cellphone n-niya kagabi tapos ung wallpaper niya si kent." Sabi niya sabay nagpeace sign kay sofie.
"Ahh. So yun lang naman pala wallpaper niya si kent. Ano?! Si kent wallpaper mo?! Akala kO ba wala kang nagugustuhan?" Sabi ko sakanya sabay upo sa harap ni sofie.
Si sofie may crush? Ni isa wala nga siyang nabangit saamin diyan e. Minsan nga pinaghihinalaan na namin siya tomboy. Hahaha.
"Ano. Basta wag niyo nalang isipin yun! Sige ha una na ko maliligo pa ko e!" Sabi niya sabay takbo paakyat sa kwarto niya. Kahit kelan talaga masikreto ung babaeng yun. Tsk tsk.
Humarap naman ako ngayon kay trixie. dahil nga umalis si sofie.
"Oh kwento mo na nga bilis" sabi ko sakanya habang niyuyogyog pa siya.
Kinuwento na din niya sakin. So ayun pala ang nangyari? Kaya pala ayaw niya ipahiram cellphone niya saamin ha? Hahaha.
Tumayo nadin si trixie pagkatapos niyang kumain at maliligo pa daw siya. Kaya ako natira dito ngayon.
10:00 din pala kami gagawa ng cake no. Nakalimutan ko. Tinext ko na si kent kung saan kami magkikita. Sabi niya sunduin nalang niya daw ako kaya tumayo na ko at naligo na.
Pagkatapos kong maligo sinuot ko na yung dress kong kulay violet onting ayos nang buhok. Doll shoes check! Okay ready na ko. Hahaha.
Bumaba na ako agad pagkatapos kong mag ayos. Nakita ko din naman sila sofie na nakabihis na din at aalis din pala sila.
"Oh blooming ka sofie ah. Yieeee!" Sabi ko kay sofie sabay kurot sa tagiliran niya. Hahaha.
"Blooming ka diyan! Manahimik ka!" Sabi niya sakin sabay isnob. Mataray talaga to minsan. XD
Narinig kong may bumusina sa labas ng bahay kaya lumabas kaming tatlo wondering kung sino. Sila kent, gorillia at zeek lang naman. Bakit iisa lang kotse nila? :3
"Hi sofie!" Sabi ni kent na papalapit samin. Tumingin naman ako kay sofie at nang makita ko namumula yung mukha niya. Hahaha!
"H-hello" -sofie