CHAPTER 19

157 2 0
                                    


 
 

              CHAPTER 19

                     - - -

Henry pov

Nakahawak baba akong nakatingin sa kanya habang problemado sa niluluto nya.

She want to be a chef but her grandmother make her an assassin. I felt sad for her.

"Bakit pati yung niluluto ko ayaw sa akin" - narinig ko ulit ang pagrereklamo nya

"Bakit hindi mo na lang tanggapin na hindi ka talaga marunong magluto" - parinig ko sa kanya

Naramdaman ko naman agad ang masamang tingin na ipinukol nya sa akin.

"Marunong naman akong magluto dati pero bakit ngayon hindi na" - pang eemot nya

Napansin ko mula kanina ay nag-iiba na ang pakikitungo nya sa akin,i think she showing her cute side to me.

Hindi kaya dahil may gusto na sya sa akin,ang gwapo ko talaga!!

Kumuha sya ng isang kutsarang sabaw ng adobo at inilapit yun sa bibig ko.

"Tikman mo bilis,perv" - nagmamadaling utos nya sa akin

Wala na akong nagawa kundi tikman ang luto nya. Wait masarap naman pala

"Pwede na" - nakangiting komento ko at sabay thumbs up

Pero syempre mas masarap ako lol!

"Pero mas mataas pa rin ang cooking skills ko sayo" - taas noong pa alam ko sa kanya

Aasahan ko sana ang matalim na tingin nya pero kakaibang expression ang ipinakita nya sa akin. She's smiling at me.

*ba-dump* *ba-dump*

S - shes more beautiful when shes smiling----

oh sh!t ano bang pinagsasabi ko?!

"Bakit mo ba ako laging tinatawag na perv?" - tanong ko sa kanya

"Dahil manyakis ka" - agad na sagot nya

Hindi pa sya tapos sa issue na yun?,napakita ko na sa mga pulis na hindi ako guilty tapos sya-- yay

"Hey mrs montefalco hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil sa wrong accusation mo" - dapat biro lang yun pero sineryoso nya

Aral: huwag magjoke sa harap ng mga seryosong tao.

"Tawagin mo na lang akong henry o mas maganda kung hubby na lang" - sabi ko sa kanya sabay kindat

nakakakilabot na tingin ang ipinukol nya sa akin.

"Gusto mo bang mapaagang mapapunta sa langit?" - sarcastic na tanong nya sa akin

Wala sa oras kong itinikom ang bibig ko. Minsan talaga ang hirap intindihin ng witch na ito minsan mabait madalas masama-- oopps sadya

Sa makalawa na pala ang kasal ni cristle at ng gungong na si marco,ano kayang magandang regalo?

kutsilyo?
timerbomb?
Ahas?

Bakit ko ba inaaalalahanan yun,makikikain na lang ako. Siguro may lechon naman dun di ba? Malay nyo may makilala akong chixs dun.

"Para kang tanga" - sabi sa akin ni witch

"Tanga sayo" - panglalandi ko sa kanya
Pero hindi ata effective
Dahil tinutukan nya ako ng kutsilyo sa leeg.

"Hindi mo ko madadaan sa kalandian mo na yan,Mr. montefalco" - isang nakakakilabot na tingin ang ipinukol nya sa akin.

Imbes na matakot ay nginitian ko pa sya. ‘Kita na lang tayo sa next life kung namatay man ako ngayon ’

Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya sa gilid ng labi.

 
"Hindi ako takot mamatay basta ikaw yung Papatay sa akin" - pang-aakit ko sa kanya

Unting unti namula ang magkabilang pisngi.

"You pervert" - galit na sabi nya at ibinato sa direksyo ko ang kutsilyong hawak nya

Hindi ako agad nakailag kaya nadaplisan ako nito sa pisngi.

'Scary but... i love it'

 

<Chapter 19 ends>

______________
________________________


The Dangerous Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon