CHAPTER 33

156 5 0
                                    


  
 
_

            CHAPTER 33

                    _ _ _

 
Katzyumi pov

Nakasimangot si perv habang nakatingin sa akin na may hawak hawak na bata. Gabi na at hindi pa rin namin nahahanap ang magulang ng batang lumapit sa akin kanina.

[Naglakad na papunta sa ice cream vendor si perv. Naghintay lang ako sa tabi.

Napalingon ako ng may humawak sa damit na suot ko. I saw a kid and mukhang kakagaling lang sa pag-iyak.

“Hindi ko mahanap si mama,miss” - aniya

Tumingin ako sa paligid upang makasiguro na hindi ito trap.

“Saan mo ba huling nakita ang mama mo?” - tanong ko

“Sabi nya may bibilhin lang daw sya at hintayin ko sya pero di ko na sya mahanap” - aniya]

Tapos etong si engot nag eemot na para bang batang naagawan ng kendi.

"Akala ko masosolo na kita,itapon mo na lang ang batang yan" - nakasimangot na sabi nya

Ang sama ng engot na ito.

"Gusto mo ikaw ang itapon ko" - sarcastic na tanong ko

Sinamaan nya ng tingin ang batang hawak ko bago naunang maglakad.

"Baby iiwan ka namin sa Staff office,hintayin mo na lang na hanapin ka nang mama mo doon" - nakangiting sabi ko sa bata

"Yung ibang tao tinatawag na baby pero kapag sa asawa nya hindi" - ewan ko ba pero napapangiti ako sa inaakto ng engot na ito

Is he jealous?

"Sister galit ba si manong sa akin?" - tanong ng bata sa akin

I pat his head and smile

"Inggit lang sya" - nakangiting sagot ko

Agad humarap si perv sa amin. "Ako inggit,asa ka" - sabi nya

"Nasayang lang yung date natin sa batang yan,hindi tuloy natuloy yung plano ko" - sabi nya

Plano?

Tatanungin ko pa sana sya pero nasa harap na kami ng staff office.

Kumatok na si perv at pumasok na kami. Bumungad sa amin ang Guard at ang isang babaeng may edad na.

"Mama" - sigaw ng batang hawak at bumaba mula sa pagkakabuhat ko

Nagyakapan sila. Tumingin ang ginang sa amin at nagpasalamat.

"Salamat talaga sa inyo,akala ko talaga mawawala na ang anak ko" - sambit nya

"Ingatan mo nga anak nyo sinira nya ang----" - agad kong tinakpan ang bibig nya

"No need to thanks us" - nakangiting sabi ko

Gaya lang ito nang nangyari sa akin 20 years ago. Nakakahiya mang sabihin pero naligaw din ako dito dati. Halos mabaliw si mama kakahanap sa akin,sumama lang pala ako sa diko kilalang tao

"Take care of your son,goodbye" - sabay kaming umalis ni perv sa staff room

Mukhang nainis sya ah

"Galit ka ba?" - tanong ko sa kanya

Umiwas sya ng tingin. Hindi ako sanay sa pagiging tampuhin ng engot na ito. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Ang gwapo ng asawa ko" - puri ko sa kanya

Unting unting lumiwanag ang expression ng mukha nya. May kinuha sya sa bulsa nya at inabot sa akin.

"Happy monthsary,accept this litle gift" - sabi nya

Kinuha ko ang maliit na box na yun at tinignan.

*ba-dump*  *ba-dump*

R - ring........

"Lets start this second month as a real couple"
- nahihiyang sambit nya habang nakapahilig ang ulo

 
"Balak ko sanang ibigay yan habang nakasakay ng ferriswheel kaso umepal yung paslit na yun kaya nasira yung plano ko" - namumulang sabi nya

This guy.......!

"I love you" - tatlong salita pero nagpayanig sa systema ko

He loves me?

Hinapit nya ang beywang ko at dahan-dahang inilapat ang ang labi nya sa labi ko.

 

<chapter 33 ends>

__________
_____________________




The Dangerous Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon