-CHAPTER 34
Henry pov
"Goodmorning asawa ko" - bati ko kay yumi
Nagtaka naman ako ng bigla na lang syang umalis.Iniiwasan nya ba ako?
Hindi ko na lang muna yun binigyang pansin sa halip ay pumasok na ako sa trabaho.
"Musta ang date?" - tanong agad ni nikko sa akin
Napabungisngis ako ng maalala yung batang sumira sa date namin ni yumi.
"Iniiwasan nya ako" - sabi ko at bumuntong hininga naman ako
"Siguro may ginawa ka na namang kung ano" - nanghihinalang puna nya sa akin
Wala talagang tiwala ang gunggong na ito sa akin.
"Ano bang mali sa ginawa ko,sinabi ko lang naman na mahal ko sya at... hinalikan ko sya" - inis na sabi ko
Napatakip naman sya nang bibig.
Ano na namang inaarte ng gunggong na ito.
"Binata na talaga si henry" - napalingon naman ako ng marinig ang boses ni cristle
Cristle my angel.......
"May mali ba sa ginawa ko" - tanong ko sa kanya
Mahina naman syang natawa sa tanong ko.
"Baka nahihiya sayo or something,kami kasing mga babae kapag may nagconfess sa amin iba yung tama nun sa systema namin" - sagot ni cristle
Napatango tango naman ako habang nakikinig sa pinapaliwanag ni cristle.
Ganun pala yun!
Akala ko kaya nya ako hindi pinapansin dahil nahihiya sya sa kagwapuhan ko
*/windblow/*
Iba talaga ang kagwapuhan ko.
“Maiwan ko na kayo,may customer” - sabi ni nikko. Pagkaalis niya ay doon sumeryoso ang ekspresyon ni cristle.
"Henry hindi bat pangit tignan yung sitwasyon mo ngayon" - biglang sabi ni cristle
Nginitian ko sya
Hinila nya ako palabas ng flowershop. Naku seryo-seryoso ito ah.
"If nagpakilala ka na sa asawa mo bilang henry reizero montefalco,bakit hindi ka nya pinabackground check" - agad na tanong nya
"Baka pinagkakatiwalaan nya ako" - nakangiting sagot ko pero seryoso nya lang akong tinignan.
"Hindi biro ito henry,mas maaga dapat sabihin mo na sa asawa mo ang lahat " - seryosong sabi nya
"I know your my savior but you don't have a rights para utusan ako kung anong dapat kong gawin" - malamig na sambit ko
Sandali syang napatigil.
"Im your friend,REI" - mahinang sabi nya
Ito ang unang beses na tinawag nya akong rei. She really serious huh?!
"Past is past" - mahinang banggit ko
Bakit nya ba binabalik ang nakaraan,mas mabuting hindi na lang malaman ni yumi yun.
"She still you unforgettable ex girlfriend,kahit na magpanggap ka na hindi mo sya kilala,may kung ano pa rin dyan sa puso mo ang natutuwa dahil nakita mo ulit sya" - sabi niya
Tumingin ako sa ibang direksyon.
"Aayahan na lang sana kita sa lovelife mo pero alam mo yung pinag-aalala ko,ano na lang kaya ang mararamdaman ni katzyumi kapag nalaman nyang------" - agad kong tinakpan ang bibig nya
Ang ingay naman ng anghel ko.
Kinagat nya bigla ang kamay ko.
"Are you scared na baka may makaalam na ex mo si lhoraine sanchez,your wife’ step sister" - seryosong sabi nya
Hindi ko naman talaga tinatago yun. She just a past na hindi na dapat balikan. Ang importante may yumi na ako ngayon.
<chapter 34 ends>
_____________
_____________________________A/n: Iba ang pa-plot twist ni author ah
BINABASA MO ANG
The Dangerous Couple
De TodoIt's all started in a PLANNED WEDDING,next was the WRONG groom then the bride who wearing a RED dress. Presenting!! Mr. Henry Montefalco & Mrs. Katzyumi Takashi-Montefalco Also known as..... The Dangerous Couple. __________________ ___________