#003 (Hale) Part I of II

4.5K 125 130
                                    

______________

For when you miss them all, look back on this chapter.

Thank you for twenty-five thousand!
Happy birthday to the twins!

Feel free to use the hashtag #WBOMBwp for me to see your tweets! 🌹

______________

Special Chapter 03 (Part I of II)

Hale.

"Uuwi ka na? Ang aga naman. Ayaw mo munang tumambay sa Sol?"

Otomatikong ngumiwi ang labi ko kay Terrence. Magsasalita pa sana ako, kaso buntong-hininga na lang din ang naisukli ko bago inabala ang sarili sa pagbibilang ng ilang mga singkuwenta't bente  sa palad ko. Ang hirap naman nito. "E'... Basta. May pupuntahan ako," sambit ko.

"Duga. Wala, sige. Ganiyanan na pala," aniya bago humalukipkip. Nagtampo pa ang walang-hiya. Saglit ko na lamang siyang tinawanan bago ko tuluyang ibinalik ang pera sa bulsa ko.

"Napaka-drama mo talaga. May kailangan lang akong tignan sa Mercado Medical Supplies, sorry naman," giit ko nang sakto kaming makarating sa main gate. "Libre na lang kita bukas. Pramis." Tinapik ko ang balikat niya.

Walang anu-ano'y sumaludo sa akin si Terrence bago naglakad palayo. Isang mahinang singhap ang kumawala sa labi ko bago hinawakan ang istrap ng bag ko sa kaliwang balikat nang bumungad sa akin ang simoy ng hangin sa labas ng unibersidad. Makulimlim ang kalangitan, at tila pumusyaw lamang sa hangin ang ilang sinag ng kahel na kumawala sa mga ulap sa harapan ng bukang-liwayway sa hindi kalayuan.

Maaliwalas.

Grabe, ito ang kagandahan ng Biyernes. Tuwing itinatanong sa akin kung ano ba ang paborito kong araw, Biyernes talaga. Wala. Hindi ko rin mapagwari kung bakit. Parang kay tagal pa kasi ng Lunes para mabahala sa puwedeng ihatid ng pagkakataon sa iyo. Ganoon yata talaga kapag marami kang responsibilidad sa buhay; miski iyong mga maliliit na bagay ay lumalaki na rin ang importansya para sa'yo.

Kasabay ng pagkalansing ng matinis na bakal sa itaas ng pintuan ang pagdako ng iilang mga mata sa akin nang makatapak ako papapasok ng silid. Humigpit ang kapit ko sa istrap sa balikat ko, umiwas ng tingin, saka naglakad patungo sa isang istante. Hindi na rin nagtaka ang isang lalaki sa likuran nito, nasa kalagitnaan na siguro ng kuwarenta ang edad, nang makita niya ako sa harapan niya.

"Nabili... na po ba, kuya?"

Bumagsak ang tingin niya sa akin habang pinupunasan ang ilang kahon ng similar na aparato sa ibabaw ng lamesa. "Ah. Ikaw ba 'yung bata noong isang linggo?" tanong niya na ikinatango ko. "Hindi pa naman... kaso may patong na. Limitado na lang kasi 'yung gano'ng disenyo—patok, e'. Pasensya na, ah? Alam mo na... medyo gipit din kami kaya kailangang magtaas nang bahagya. 'Dami ring nagtaas na mga bilihin, a'. Nabalitaan mo ba 'yun? Grabe ang itinaas ng mga baka at baboy." Napailing siya.

Kinagat ko ang ibaba kong labi kasabay ng pagluwag ng pagkakahawak ko sa istrap ng bag ko. "Ah... opo." Alam ko naman iyon dahil ako ang namamalengke para sa amin nina Papa linggo-linggo. Ngumiti ako nang pilit—maliit lamang. "Ganoon... po ba? Magkano na, ho?"

"Walong-libo na."

Kumurap nang bahagya ang mata ko. Walong-libo. Suminghal ako nang mahina bago tumango. "Ah... s-sige po," giit ko na lamang bago tumapak papalikod. Wala talagang pag-asa. Mamumulubi ako. Sa kabila nito'y ngumiti ako muli nang maliit. "Salamat po—"

We're betting on my birthday (Slate 809 Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon