#003 (Hale) Part II of II

3.7K 209 146
                                    

Special Chapter 03

Hale.

Tama naman si Terrence.

Nababaliw na lang siguro talaga ako.

"Mahal, sorry na," hatak ko kay Hailey nang makalabas siya sa cottage nila nina Sab. Syempre, dahil dakilang over-protective si Hunter, siya ang nag-decide—pagkarating na pagkarating namin sa resort—ng mga ayos ng mga room kaya magkakasama kaming tatlo nina Jett at sina Sab, kasama sina Sachi at Hailey. Kung ako naman ang tatanungin ay ganoon din naman ang desisyon ko—malamang si Jett din—sadyang nag-prisinta lang si Hunter kanina.

Umangat ang tingin sa akin ni Hailey habang hawak-hawak ang isang Instax camera niya. "Love!" natatawang sambit niya bago ako siniko. Ipinagdaop niya ang palad niya sa palad ko bago ako sinabayan sa paglalakad palabas ng cottage nila. "I told you I'm not mad naman. Makulit ka, ha. I mean, I was just confused yesterday kasi nagmamadali kang umalis. Akala ko tuloy ako 'yung may kasalanan."

Umiling ako, hindi pa rin kumbinsido. "Sorry talaga. Si Sab may pakana—"

"I know!" pagpapatikom niya sa akin gamit ang hintuturo niya sa labi ko. "I'm not mad, okay? Huwag nang makulit! Ang cute mo."

"Hey! Ano ba 'yan, ang tagal-tagal niyo naman! Tara na. Magluluto na raw!"

Syempre at hindi yata matatapos ang bawat araw hangga't hindi sumusulpot si Hunter sa tabi namin ni Hailey. Ewan ko ba. Mabuti na lang at hindi pa nawawala sa katinuan si Jett e' ang kausap niya sa araw-araw ay sina Hunter at Sab. Grabe, baka ako sumabog na lang.

"Sorry na, bayaw," pang-aasar ko sa kan'ya bago siya tinapik sa balikat. Kaagad namang nasamid si Hunter sa iniinom niyang Gatorade kaya kapwa kami natawa ni Hailey. Ayan, sige.

"What the fuck—"

"Ikaw naman kasi! Birthday ko rin naman! Give us a break kaya! Super epal mo talaga!" Hindi na napigilan ni Hailey na hampasin si Hunter sa tabi namin. Makaraan ang ilang saglit ay dumating na rin si Sachella, may dala-dala siyang isang box.

"What's happening?" tanong niya bago idinako ang mata kay Hunter bago bumuntong-hininga. "Right. What do I expect..." naiiling niyang sambit kay Hunter bago ito hinatak pagilid. "Stop bothering them. For God's sake, Hunter."

"What, babe?!" paglalaban ni Hunter bago tuluyang nagpahatak kay Sachella. Kapwa kami natawa ni Hailey. Under pa rin talaga ang loko. "Hailey, I'm watching you, ha!" dagdag pa nito bago sila tuluyang nawala sa paningin namin.

"Finally." Rinig kong kumawala ang munting buntong-hininga sa labi ni Hailey, at makaraan ang ilang segundo'y naramdaman ko ang paghatak niya sa akin. Ang mga mata ko'y dumako sa kan'ya, napirmi sa pagtataka, ngunit tinawanan niya lang ako. "Come, love! I'll take pictures of you using this Instax! Dali, before the sun goes down! Mag-bo-bonfire daw later sabi ni Sab!"

Nakakatuwa talaga 'tong si Hailey. Ewan ko ba, malapit na yata akong gawing model. Kaya kubli-kubli man ang pigil na ngiti't tawa, wala na rin akong nagawa kun'di tuluyang magpahatak.

Sabi nga nila, ang mga planado'y hindi naman natutuloy. Totoo naman.

Kung ang pagbabasehan lamang din ay ang mga pangyayari sa kasalukuyan, isa lamang din ang masasabi ko; hindi inaakala. Unang-una sa lahat, wala naman din sa plano ko—namin—na mag-picnic na lang, kasi akalain mo ba namang sobrang daming tao roon sa may pangpang ng dagat kaya... sobrang ingay. Parang mga may nagwawalwal. E' wala rin naman kaming magagawa kung may mga lasing na hindi naman kilala na nagsisitakbuhan sa gilid namin, kaya sabi ni Sab dito na lang kami sa may malawak na damuhan ng hardin sa likuran noong cottage nila. Maganda naman—maaliwalas saka napalilibutan ng mga mumunting ilaw na nakasampay sa itaas ng mga puno. At malapit din doon sa dagat, tanaw pa naman mula rito.

We're betting on my birthday (Slate 809 Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon