First Day
I wandered my eyes when I enter the university, its my first day in this school. Nakatanggap kasi ako ng full scholarship at ayon hindi ko na pinalampas pa. Aba! Ma swerte na nga ako at napili pa ako sa pagbibigyan ng scholarship.
"Van saglit lang" napatingin ako sa pinsan kong may hinahabol. Hindi niya ata ako nakita dahil busy siya sa paghabol sa babaeng iyon. Unlike her, nakapag-aral siya dito dahil may pera sila. Her mom narried a businessman kaya nakakaanggat sila sa buhay.
"Alpha!" tawag ko sa kanya ng makitang nahabol na niya iyong babae.
"O hi Gail andito ka na pala. This is Vanessa my friend and Van this is Gail my cousin" ngitian ko ang babae at nakipagshake hand.
"Nice to meet you" nahihiyang sabi niya. Napangiti ako, looks like isa siyang typical highschool student na mahinhin.
"Tara na sa class natin" paalala sa amin ni Alpha kaya naman sabay-sabay kaming pumunta doon ng may makita kaming binubully sa hallway. Seriously? Uso pa ba 'to ngayon?
"Wag na tayong makialam couz, baka madamay tayo" umiling lang ako at nilapitan ang babaeng iyon at itinayo. Nakataas ang kilay ko na tinignan ang babaeng maarte na nambully sa babaeng katabi ko. Hindi ko alam kung bakit siya binully. Hindi naman kasi siya nerd.
"Sino ka bang pakialamera ka?" nakataas kilay niyang sita sa akin. Napangiti ako, hindi naman ako naghahanap ng away. Aba baka dahil dito ay mawala pa ang scholarship ko.
"I'm Gail, new student ikaw naman sino ka ba at bakit mo siya binubully?"
"oh hindi ka na inform kung sino ako? Ako lang naman si Bettina ang anak ng isang businessman na nag.invest dito sa school at bakit ko siya binully? Napaka assuming kasi niyan feeling magkakagusto sa kanya si Zach. Hmp what a waste of time" aniya at umalis na. Pakialam ko ba kung anak siya ang isang anak ng businessman? Hmp.
"Uh, thank you ha?" Tinignan ko iyong babaeng nagpapaapi kanina at pinasadahan ng tingin.
"Bakit ka ba nila binubully? Hindi ka naman manang, hindi ka din nerd. Bakit nga ba?" tanong ko sa kanya, nahihiyang yumuko siya at pagkatapos ay tinignan ako. Lumapit naman sina Vanessa sa akin at Alpha.
"Uh couz siya nga pala si Trixie ang bestfriend ni—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil may tumawag kay Trixie.
"Trixie!! Ano na naman ang ginawa nila sayo?" Napayuko si Trixie ng lumapit sa kanya ang lalaki at yumuko.
"Uh-uh Zach a-ano kasi—" napatingin sa amin iyong lalaki at nanlilisik ang mga matang tinignan kami.
"ANONG GINAWA MO KAY TRIXIE?!" Halos mapapikit ako sa lakas ng boses niya. Wow makasigaw parang wala ng bukas? Gosh.
"Wala akong ginawa sa kanya, tinulungan ko lang siya!" balik sigaw ko naman. Inaawat na ako nina Alpha pero keri ko 'to. Wala siyang karapatan para sigawan ako.
"Wala? E ano 'tong nakikita ko? Bakit basang-basa siya?!" Magsasalita na sana ako ng tinalikuran niya ako at hinila si Trixie.
"Tara na nga Trix, iuuwi na kita" sabi niya at walang pasundangang umalis. Napapikit na lamang ako para pigilan ang inis at naglakad na papunta sa classroom namin.
"Uh- couz, doon ang daan papuntang classroom" napalingon ako kay Alpha na nagpipigil ng tawa kasama si Vanessa.
"ARGH!!"
"Sino ba kasi ang lalaking iyon?" tanong ko sa dalawa ng matapos ang unang subject namin. Kanina pa talaga ako kating-kati na malaman kung sino ang taong iyon at kung makaasta ay parang enggot. Parang pagmamay-ari niya ang Paaralang ito.
"Siya si Zachary Cesasi ang anak ng nagmamay-ari nitong school" halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi ni Vanessa.
"W-wait you mean... he is the son of the owner of this school?" Tanong ko sabay lunok. Gosh sana mali ang nadinig ko.
"Yes, tumpak couz" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa nalaman. Oh Lord, bakit? Bakit siya pa ang nakabangga ko? Huhu tapos pinatulan ko pa siya kanina.
First day na first day nagkasala na agad ako sa anak ng nagpapa- aral sa akin. Huhu
Okay, so Short Story lang ito. Hanggang Chapter 10 then epilogue, hindi din matataas ang mga chapters kaya keri lang.
BINABASA MO ANG
When We Meet (Cycle d'amis Series #1)
Teen Fiction"Atleast ako No Boyfriend Since Birth e ikaw? No Girlfriend Since Yesterday! Playboy!!" -Gail Conception #FriendsCycle 1 Started: May 04, 2015 Ended: June 03, 2015