That NGSY in Registrar
"Tara guys" aya sa amin ni Alpha, kakatapos lang kasi ng klase namin ng huwebes na iyon. So far masaya naman ang takbo ng new school ko, friendly din kasi ang mga tao dito. Well of course except kay Bettina, bitter ang babaeng iyon e. Mayaman kasi kaya ayon spoiled brat. Pero mas naging maganda naman ang samahan namin nina Trixie kahit na minsan ay umi-epal si Zachary. Kapag kasi nasa boiling point na kami ng kasiyahan ay bigla na lamang niyang kukunin sa amin si Trixie dahil may lakad sila kaya ayon back to zero na naman ang point ng pagparty- party namin. Nakakainis lang.
"Hindi na muna ako sasama sa inyo" napaikot na lamang ako ng aking mga mata. "Lagi naman e" sabi ni Alpha na ikinatawa na lamang ni Vanessa kaya naman ay tumawa na lamang din ako.
"Sige una na kami" sabi ko at umalis na. Naiinis kasi ako, gusto kong kumpleto kaming magbabarkada papuntang sakayan pero hindi iyon mangyayari dahil kay Zachary. Oo alam ko naman na noon pa lang ay ganyan na iyang dalawa pero duh pwede limits naman?
"Ito na iinis na naman" sabi ni Alpha sa ako, napairap na lamang ako. Inakbayan ako ni Vanessa.
"Hayaan mo na iyon. Buong araw kasing may kasama si Zach kaya hindi sila nagkakasama ni Trixie at bumabawi lamang si Zach sa bestfriend niya" sabi pa niya. Kumunot naman ang noo ko. Nakita ko kasi kanina sa garden ang mga kaibigan ni Zachary at wala- as in walang kahit isang hibla ni Zachary ang andoon, so sino naman kasama ng mokong na iyon?
"Well, hindi mo pa pala alam. Zach is a busy man. Babae dito- babae doon. Para nga lang damit ang babae ng taong 'yon. Kapag pawis na ay pinapalitan" napangiwi ako sa sinabi niya. Playboy pala ang isang 'yon?
"So he is a playboy?" tanong ko na super obvious naman.
"Yep, he is NGSY" napakunot ang noo ko. NGSY? What's that? Sa pagkakaalam ko kasi NBSB or NGSB lang ang meron, just like me. I am proud to shout that I am NBSB as in No Boyfriend Since Birth. Strict ang parents ko e.
"NGSY?" tanong ko sa dalawa.
"No Girlfriend Since Yesterday" sinamaan ko ng tingin si Alpha, seriously? Kailangan pa bang ipahaba iyon e mas madali naman ang playboy na world ah.
"Ewan ko sa inyo" sabi ko na lamang. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may message nga ba at iyon nga meron galing kay papa.
Nak, andito na ang kulang 'mong mga papers kaya naman kunin mo na lamang dito sa bahay at ibigay mo sa registrar
Pinasok ko na lamang ang phone ko sa bulsa ko. Bukas ko pa naman iyon e-papass.
"Uie samahan niyo ako bukas ha? Pupunta akong registrar dahil may wala akong na i-pass na requirements" sabi ko sa dalawa, tumango naman sila at sumakay na sa jeep. Ganyan naman kami, laging nagkakasama tuwing uwian na kahit na hindi kami magkakapit- bahay.
"Ang ganda talaga sa Korea" ani ni Alpha, nakita ko namang umirap si Vanessa kaya natatawa na lamang ako. Hindi naman sa K-Pop lover si Alpha gusto niya lang talaga pumunta doon dahil andoon daw ang crush niya.
BINABASA MO ANG
When We Meet (Cycle d'amis Series #1)
Teen Fiction"Atleast ako No Boyfriend Since Birth e ikaw? No Girlfriend Since Yesterday! Playboy!!" -Gail Conception #FriendsCycle 1 Started: May 04, 2015 Ended: June 03, 2015