Circle of Friends
"Library tayo guys" sabi ni Vanessa pagkalabas namin sa classroom. Hanep talaga 'tong babaeng 'to laging naka focus sa studies niya e kami ngang dalawa ni Alpha ay parang wala lang, kahit ano pa yang grade namin basta pasado kami game na. Kunsabagay running for Valedictorian nga pala ang isang 'to.
"Van pwede time out na muna? Kagagaling lang natin sa napakadugong math na iyon tapos library na naman?" reklamo ni Alpha kaya sabay kaming natawa ni Vanessa.
"Hayaan mo na 'yang isang 'yan Van. Alam mo naman diba?" sabi ko na lamang sa kanyakaya tumango na lamang siya at inaya kami ni Alpha na sa canteen na muna dahil mukhang na drain ata lahat ng laman niyasa katawan dahil sa madugong ath na iyon. Sa lahat kasi ng sbject ang math ang pinaka ayaw niya. Ewan ko lang kung bakit.
Habang naglalakad kami nina Van ay nakita na naman namin iyong babae kaninang umaga na binubully ng mga spiled brats ng school na ito at gaya kanina, sila parin ang bumubully sa kanya. Naningkit ang mga mata ko ng maalala ko na naman iyong lalaking pinagbintangan ako, hindi ko na sana siya tutulungan pero nakokonsensya ako. Sino ba naman ang hindi? Nakita ko na nga't lahat tapos hindi ko pa siya tutulungan?
"Kayo na naman?" nakataas kilay na sita ko sa kanila.
"Oh it's you again little girl. Kaano-ano mo pa ang babaeng 'to ng sa ganon ay ikaw naman ang pagdiskitahan namin?!"
"She's my friend kaya wala kang karapatan na ganyanin siya. Akala mo naman kung sino kang babae ka. Eww napakababa ng tingin ko sa'yo. Walang ginagawa iyong tao sayo but then inaaway mo? Psh isip bata" pang-aasar ko sa kanya bahala siya kung ano ang gagawin niya sa akin.
"Anong sabi mo?!" akala niya naman masisindak niya ako sa sigaw niya, heh! Mas siga ako sa kanya noong nasa dating school ako. Akala niya ha.
"Ang sabi ko, npaka isip bata mo!"
"Hindi mo kasi alam kung bakit k siya ginaganyan, akala mo kasi isang santa 'yan, napaka bitch niya kaya" sabi ng isang alagad niya, nabaling ang tingin ko sa babaeng iyon.
"Bitch? E sinong mas bitch sa inyong dalawa? Siya na hindi lumalaban o kayo na nang-aaway dahil walang magawa sa buhay?" nagtatapang-tapangan parin ako.
"Mang-aagaw kasi 'yan" sabi ng babaeng iyon. Napapailing na lamang ako. Mang-aagaw? Sino naman ang inagaw niya?
"T-tama na" sabat ng babaeng tinulungan ko, napatingin ako sa kanya at inalalayan siyang tumayo.
"Hindi ko siya inagaw sa inyo. His my bestfriend kaya lagi kaming magkasama" aniya at nilapitan ang mga babaeng nang-aapi sa kanya.
"Kung gusto niyo siya then lapitan niyo, hindi iyong ako ang pinagdidiskitahan niyo.." nabigla ako ako dahil sa wakas ay lumaban siya pero ang mas ikinabigla ko ay ang sinampal niya ang babaeng iyon.
"..Yan ang ganti ko sa lahat ng sakit at pambubully mo sa akin" sinunod naman niya iyong dalawa.
"At yan ang ganti ko sa pagkokonsinti niyo sa babaeng ito!" akmang sasampalin siya ng babaeng sa natatandaan ko ay Bettina nag pangalan kaya naman ay imbes na sampalin niya iyong binully niya ay hinarangan ko siya.
"Subukan mo lang" sabi ko kaya naman ay kinuha niya ang kamay niya na hawak ko at naiinis na umalis. Binalingan ko naman ang babaeng iyon at ngitian.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya at pinulot ang mga gamit niya.
"Ikaw iyong babae kanina diba? Sorry ha kung pati ikaw nadamay at isa pa inaway ka pa ni Zach" ngitian ko siya, kahit inis na inis ako sa mokong na iyon ay wala ako pakialam dahil magkaiba naman silang dalawa.
"Okay lang 'yon. Uhm vacant mo ba? Sama ka sa amin pupunta kaming cafeteria" aya ko sa kanya, tumango naman siya at sabay-sabay kaming pumunta sa cafeteria. Agad na nag-order sila Van at Alpha ng chocolate cake at isang ice cream, hilig talaga nito sa matatamis. Ang inorder ko naman ay mocha cake at soft drinks habang iyong babae naman ay softdrinks lang.
"Yan lang ang oorderin mo?" takang tanong ni Van sa kanya. Tumango naman siya.
"Kakakain lang namin ni Zach e" natahimik naman silang dalawa. Ano kaya merong ng mokong na iyon at parang ang daming nahuhumaling sa kanya? Eww hindi naman iyon gwapo e.
"Nga pala, ako si Gail new student ikaw?" naalala ko kasi na hindi ko pa pala siya kilala.
"I am Trixie Madrigal tapos iyong lalaking lumapit sa akin kaninang umaga ay si Zachary Cesasi anak ng may-ari ng school at tsaka bestfriend ko din..." uminom na muna siya ng softdrinks niya bago nagsalita ulit.
"Sorry kanina ha? Sinabi ko na naman sa kanya na hindi kayo ang may gawa kaya nga sabi ko kapag nagkita kayo ay humingi siya ng sorry sa iyo pero alam ko naman na hindi siya iyong tipo ng lalaki na mag sosorry na lamang e kaya ako na ang humihingi ng tawad" ngitian ko siya.
"Okay lang no' ganoon naman talaga ang mga lalaki e. Anyways siya pala si Alpha, pinsan ko at si Vanessa naman kaibigan ko" ngumiti siya at nakipag shakehands sa dalawa.
"Sa wakas nakilala ko na din ang dalawang kalog ng section A" napanganga ako ng tumawa siya. Isang tawang hindi para sa isang mahinhin na babae kundi sa isang babaeng walang pakialam sa mundo.
"Anyways, pwede ko ba kayong maging friends?" natatawang tumango ako. Wow it's my first day here tapos nakabuo na agad ako ng friends Cycle.
"Sure" sabi naman ng dalawa.
"Yikes, My new circle of friends" natatawang sabi niya sa amin kaya natawa na lamang kami. Unbelievable.
BINABASA MO ANG
When We Meet (Cycle d'amis Series #1)
Teen Fiction"Atleast ako No Boyfriend Since Birth e ikaw? No Girlfriend Since Yesterday! Playboy!!" -Gail Conception #FriendsCycle 1 Started: May 04, 2015 Ended: June 03, 2015