"Thank you so much for your time, Mr. Reyes." nakipag-shake hands ako kay Sir pagkatapos ng interview. Nagpasalamat din ang mga kaklase ko at nakipagbiruan pa kay Sir na sure pasado na raw kami sa boards sa mga na-share na tips ni sir.
"Good luck, students." nakangiting sabi ni Sir bago kami ihatid palabas ng pintuan ng office niya.
Nag-aya agad silang kumain, sabagay 6pm na. Ba-biyahe pa kami pauwi kaya magandang kumain na kami dito. Mamaya ma-stuck pa kami sa traffic, which is hindi malabong mangyare. Kahit anong araw lagi namang traffic pauwing Manila.
Pumunta kami sa pinaka malapit na fast food chain. Naiwan ako at si Cleo sa table habang si Alex naman at si Jacob ang nag-order ng pagkain namin. Pagkaupong-pagkaupo ko, inabot ko agad ang paa ko saka hinilot. Sumakit paa ko sa haba ng nilakad namin.
"Kilala mo 'yung kasama ni Jonathan, Navi?" tanong ni Alex. Nasamid ako sa kinakain ko, at hinampas nang marahan ang dibdib ko sa gulat sa tanong niya. Nakakunot ang noo niya habang nagtatanong tungkol kay Owen.
"Uh, hindi masiyado." maikli kong sagot ng mahismasan ako.
"Paano kayo nagkakilala?" sunod niyang tanong. Nailang tuloy ako dahil lahat sila ay nakatingin sa'kin, nag-aabang ng sagot ko.
"Party, kaibigan ng kaibigan ko." tumango siya at iniba na ang usapan. Buti naman, pero bakit kaya siya mukhang curious. Kakilala niya ba si Owen?
Nag-usap kami kung sino-sino ang mage-edit, magc-cut, at magpapasa ng video recording ng interview kanina. Hindi namin alam kung papaano pagkakasiyahin 'yung 2-hour interview namin in 30-minutes. Nagbiro pa nga si Cleo na 2x speed namin 'yung video para magkasiya. Pwede naman, para robotics kuno.
"Uy, Alex. Nandito pa kayo?" nabulunan ako ng makita ko si Jonathan na tinapik sa balikat si Alex, at sa likuran niya si Owen na nakahawak sa bag niya na nakasukbit lang sa isa niyang balikat.
"Okay ka lang?" tanong ni Jacob at inabutan ako ng tubig.
Umupo si Jonathan sa tabi ni Alex, at sa tabi naman niya si Owen. Nang magtama ang tingin namin, nginitian ko siya. Kapal muks yarn? Charot, mukha naman kaming close kaya keriboom lang.
Tinitingnan ko silang nagku-kwentuhan tungkol sa college life. Safe ground siguro, dahil hindi naman kami magkakakilala. Sumasagot sagot din ako at nakikipag-kwentuhan, magaan kausap 'yung kaibigan ni Alex.
"Taray, ano feeling ng graduating?" pang-aasar ni Alex. Oo nga, graduating na pala sila. Isang sem nalang.
"Di mo sure," balik na biro ni Jonathan. Uso nga pala sa kanila 'yung kasabihan na nakapasok ka nga sa UP, 'di ka naman makalabas. Pero I feel na they will do well. Konti na lang.
I smiled at hindi nag-comment sa biruan nila. Ayoko dumagdag sa pressure na kinakaharap nila ngayon.
Pagkatapos naming kumain, nagkayayaan na kaming umuwi. Naghiwa-hiwalay narin kami ng landas dahil iba naman ang sakayan ko sa kanila. Si Alex at Jacob magkasamang umuwi, iisa lang naman daw dadaanan nila. Si Cleo naman nag-initiate pa na hintayin niya akong makasakay, pero nagsabi na akong mauna na siya dahil baka matagalan pa dating ng jeep. Kaya ito ako, nag-aabang sa waiting shed. Grabe nabusog ako kanina, mabuti narin 'tong nakatayo muna ako.
Ang daming studyante kahit anong oras na ng gabi. Tinitingnan ko sila, pampalipas oras habang hindi pa dumadating jeep na sasakyan ko. Napapapadyak nalang ako at ngumuso, ang dami ngang jeep, puro puno naman.
"Heading home?" halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa tabi ko.
Nakapamulsa siyang nakatayo sa tabi ko, may headphone siya na nakasabit sa leeg niya. Mahilig siya sa music? I mean, ako rin naman pero not to the point na makikinig ako habang nasa daan. Mamaya masagaan pa'ko ng 'di ko alam dahil may nakasalpak sa tenga ko. Boblaks pa naman ako tumawid minsan.
BINABASA MO ANG
Purple Hours
Документальная прозаWhat he dreams of, he aims for. Owen Fernandez anchored his mindset in achieving what he really wanted to be. Hard-working, independent, and fixed points of view drove him to his career - until Navi Fuentes came.