"What are you doing?" tinapik niya ang daliri ko pababa. Nagtatanong lang 'e. "I'm okay, gasgas lang." sagot niya. Masama bang maging attracted sa maldita?
I scanned around, nakita ko 'yung lalaking naka-motor na nakabungguan niya. Nasa gilid lang at mukha naring stressed. Nakita kong nagsasagutan sila kanina kaya nagdadalawang isip akong lapitan. Pero, for sureness nasaktan din siya, naka-motor pa man din siya.
"Here, water." inabot ko tubigan ko, kahit halos wala na 'yung laman. I don't wanna be a bother, kaya I stayed out of it. Bumili rin ako sa convenience store na malapit ng bottled water para ibigay doon sa lalaking naka-motor.
"Salamat, ineng" naka tumba 'yung motor niya at may mga gasgas siya sa siko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nagsabi nalang ako ng walang anuman.
"Kung gusto niyo po magpa-check up, pwede ka po naming samahan ng kaibigan ko. Malapit lang naman po," sabi ko. Tawid lang naman yung hospital. Mukha pang naipit isa niyang binti kasi hindi siya makatayo ng maayos.
"Naku, nakakahiya naman. Papunta narin ang asawa ko," sagot niya.
Maya-maya, may dumating na mga police officers at kinausap silang dalawa. Pareho na silang malumanay ngayon, buti naman. Hiningi ang lisensya nila pareho, at tinanong kung ano ba talaga ang nangyare. May ilang police officer na tiningnan 'yung gasgas sa sasakyan, at chineck 'yung motor. I actually don't know what's happening, kaya nasa gilid lang ako, nakatayo.
Dumating narin 'yung asawa nung motor bike rider, at humihingi ng dispensa. It turns out na kasalanan daw pala nung naka-motor bakit sila nagkabanggaan. Mukhang kalmado naman na ulit si Owen kaya hindi naman daw siya magsasampa ng reklamo.
After they talked, he looked back at me. I don't know if he's smiling or not. Madilim na, i think it's almost 12am. Bigla ko nalang naramdaman 'yung gutom at sakit ng paa ko. Siguro nate-tense rin ako kanina kaya sa kanilang dalawa lang nung motor bike rider nakatuon ang atensiyon ko.
He walked towards me and scrunch his nose, "Do you wanna eat?"
I nodded my head and smiled, "Jabee?"
Kumunot noo niya for a moment, pero tumango narin. Tumawid kami sa kabilang kalsada, kaya ko sinuggest kasi malapit lang.
"I can order, you can find us a spot." sabi ko sa kaniya pagkapasok namin. I looked back at him and made eye contact. Ang cute ng mata niya dukutin. Charot!
"I'm okay, Navi. You can find us a seat, I'll order. What do you want?" Ang sexy naman pakinggan ng pangalan ko sa kaniya. Isang lipbite nga diyan beh.
Sinabi ko ang order ko at naghanap ng upuan sa di kalayuan. Ang tangkad niyang lalaki, tuwing magkatabi kami lagi akong nakatingala sa kaniya. Hanggang balikat niya lang ako. Nung una ko siyang nakita sa party ni Remi, pinaka una kong napansin sa kaniya 'yung mata niya. Medyo light brown kasi tas ang haba pa ng pilik mata niya at ang kapal.
Medyo natagalan pa siya sa pila dahil ang daming tao. Nakaka-konsensiya tuloy, dapat ako nalang pumila. Marami parin pala tao dito kahit ganitong oras na.
"Thank you," sabi ko ng inilapag niya 'yung tray ng pagkain naming dalawa. Napatingin ako sa kamay niyang may benda parin. Hindi parin gumagaling sugat niya?
"Thank you for staying," sabi niya. He can really make good eye contact. Hindi nahihiya, hindi rin over confident na tingin. It's just... soft and calm. Na kabaliktaran naman ng ugali niya, napaka maldita.
"Do you wanna make me stay longer?" banat ko habang natatawa tawa pa. Umiling-iling lang siya at hindi na nagsalita. We ate in silence, pagod narin talaga ako, at mukhang ganoon din naman siya. Saan kaya siya galing at napagawi siya dito sa Kalaw?
BINABASA MO ANG
Purple Hours
غير روائيWhat he dreams of, he aims for. Owen Fernandez anchored his mindset in achieving what he really wanted to be. Hard-working, independent, and fixed points of view drove him to his career - until Navi Fuentes came.