Chapter 2

2.3K 89 17
                                    

"Masakit?"

Nandito kami sa isa sa mga guest room ni Remi, basang basa kasi kaming dalawa, isa pa nasugatan niya kamay niya kanina. Bilang isang mabuting nilalang, ako na naglinis ng sugat niya. Pagbibigyan ko siyang mahawakan ang kamay ko. Charr, ganda yan?

Tiningnan niya lang ako at napapikit ng dinadampian ko ng bulak ang sugat niya. Buti nalang at hindi ganoon kalalim ang sugat niya. Napailing iling ako habang nililinis ito. Bakit ba kasi siya nagdadampot ng basag na baso sa sahig...

Literal na walk out kami kanina. Tinapunan niya lang ng tingin, sabay alis. Ganda na e, nahulog kami sa pool together, kaso basa naman cellphone ko! Sa kaniya rin naman, pero parang hindi man lang siya nabadtrip sa pagkasira ng phone niya. Ugh, buti nalang naka-synch lahat ng data sa laptop ko, kung hindi good bye notes talaga ako. 

I looked at him while putting a bandage on his hand. Ang chill niya lang, mukha pang hindi magagalitin. Kabaliktaran ng ex kong akala mo si hulk kapag hindi natuturukan ng pampakalma. Gusto ko 'yung vibes niyang ganiyan. Tahimik lang tapos sa'kin pagdating sa'kin madaldal.  Quiet type siya sa iba pero sa'kin hindi. Tapos itetext na niya ako araw-araw. May good morning na at kumain ka na ba. Sweet na siya sa'kin, susunduin na ako sa bahay, hanggang sa huli papaiyakin lang rin pala ako at sasabihin niyang "I need space." 

Charot! 

"How was your phone?" pag-uumpisa niya ng usapan. Wow, nagi-initiate.

"Ayon, ayaw na bumukas." I chuckled, nakakalungkot man, pero ayoko na masiyado palungkutin sarili ko. Isa pa, luma narin naman. Baka sabi ni Lord, time na para palitan ko 'yung phone ko.

"I'm sorry. I have a spare, I can let you borrow mine for a while." I stopped midway through cleaning his wounds. I met his hazel eyes, pwede ba? Hindi ba nakakahiya? I felt my blood run down my cheeks when I realized we are staring at each other for at least 5 seconds. Tama ka na vebz.

"Uhmm...."


"It's on my car, let's get it when you're done." I nodded and said thanks. Kailangan ko rin naman, magpasalamat nalang ako.

Nakuha niya siguro 'tong sugat na 'to nung nagpupulot siya ng basag na baso kanina. Nacu-curious ako sa ganap kanina bakit may pag "back off dude" 'yung lalaki pero ayoko naman itanong baka isipin niyang nakikisawsaw ako masiyado. Medyo lang.

"Thanks for this," kinuha niya 'yung paper bag niya na may lamang basang damit sa gilid ng upuan.

Tumingin ako sa kamay niyang may benda saka ko inangat ang tingin sa kaniya, "No worries." 

"Let's go." Sumunod lang ako sa kaniya palabas ng room ni Remi. Tinititigan ko ang likod niya habang sinusundan ko siya. Plus points din talaga sa kaniya 'e 'yung height niya. Naka-heels ako ngayon kaya hanggang balikat niya ako, paano pa kaya kung hindi. Ang broad din ng balikat niya, at ang linis ng haircut niya. Ow, may nunal pala siya sa likod ng tenga niya.

Pumunta kami sa parking space nila Remi at lumapit siya sa isang sasakyan na itim. Ford. 

Umikot siya sa passenger's seat at  naghalughog sa compartment niya. Maya-maya lang umikot siya sa'kin at inabot yung iphone niya. He smells so expensive. Ang manly ng amoy, na hindi masakit sa ilong. Hindi ako maarteng tao, pero particular ako sa amoy. Minsan nga gusto ko nalang magtayo ng perfume factory, at gumawa ng mga perfume, kasi wala pa akong naaamoy na pabango na masasabi ko talagang taste ko 'yun.

"You really didn't have to, pero sobrang thank you." sabi ko. 

"Let me remove the password first." inabot ko ulit sa kaniya at nilibot ang tingin sa parking space nila Remi. Grabe, mga richkid talaga mga kaibigan ni Remi. Mahahalata mo sa mga sasakyang naka-park dito.

Purple HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon