Its been 3 years ever since our first day of face to face and now its all good we don't have to wear face masks anymore.
Thank God naka recover na din ang lahat. Literal na back to normal na. Its fun to see all of my friends here. Kung dati hanggang video call lang kami nag uusap at hanggang plano mga meet up namin ngayon kahit anong oras nakikita na namin isat isa.
Natawa ako nang batukan ng kaibigan kong si Paolo ang isa ko pang kaibigan na si Oliver.
"Sira ulo ka! Ako pa talaga uutohin mo eh kitang kita naman pano mo sinadyang ma sagi ang bola! Tanungin mo pa si adriana oh." Sabi ni paolo at tinuro ako.
Kakatapos lang ng klase at naglalaro kami ng billiard ngayon, dito lang kami sa billiaran na pag-aari ng papa ni oliver.
Binuga ko ang usok sa sigarilyong hinihit-hit ko ngayon at sumagot.
"Oliver wag ka nang magsinungaling nakita naming lahat ang ginawa mo." Simpleng sabi ko kay oliver na mukhang tanga ngayon na pinagtatanggol ang sarili. Kung hindi lang talaga to may-ari netong pinaglalaruan namin baka nasuntok ko na to sa panga.
"Luh hindi ko talaga sinadya yon malay ko bang mahaba pala siko ko at na touch yung bola!" Pagtatanggol niya ulit sa sarili napa buntong hininga nalang ako mukhang hindi na to madadaan sa salita ah, kailangan nang gumamit ng dahas.
Akmang lalapit ako para kwelyuhan siya nang dumating ate niya na si olivia. Maganda ito, chinita, maputi, at medyo strikta pag dating kay oliver. Nadadamay pa kami kahit kaibigan lang naman kami ng kapatid niya.
"Hoy oliver wag ka ngang mang gago ng costumer, nakakahiya uy! Umayos ka nga" sabi niya sa kapatid at napa kamot naman si oliver sa sinabi ng kanyang ate.
Umatras na ako at dahang dahang tinapon ang sigarilyo ko at tinapakan baka mapunta pa sakin ang usapan lumayo ako doon pero napansin pala ako ni ate olivia.
"Hoy at ikaw adriana lopez! Amoy sigarilyo ka! Diba sabi ko sayo tumigil kana diyan?! Di ka talaga nakikinig ano?? Blah blah blah pano nalang kung- na na na na" di ko na narinig ibang sinabi niya kasi... di ako nakinig bat ba? My ears my choice. Kinurot niya tagiliran ko kaya napatalon ko
"Aray ate ano ba." Kalmadong kong sabi sabay hawak sa tagiliran kong kinurot niya. Ang sakit gago parang ewan naman tong ate ni oliver.
"Sinasabi ko sayo adriana! Mag pigil ka!" Gigil niyang sabi at natawa ako sa sarili ko. Tumikhim ako at pinagpagan damit ko, amoy sigarilyo nga amputik naman neto.
"Okay." Simpleng sabi ko sakanya at kumalma naman siya, marami pa siyang sinabi na hindi ko pinansin kasi ano.. wala lang akong pake ganon. Sinapak niya pa si paolo at tuluyan na siyang umalis.
"Ang ganda sana ng ate mo kaso nananakit." Comment ni paolo na wala namang nag tanong. Oliver rolled his eyes, halatang sanay na na maraming nagagandahan sa ate niya.
"Ewan ko sakanya, hayaan niyo nalang yan papansin lang yan-" oliver said and looked back at me "sorry adriana ha napaka brutal talaga ng ate ko pati ikaw nadamay pa." He said sincerely.
Tumango naman ako pero hindi ko sinabing okay lang kasi hindi naman okay para sakin tanga ba siya.
Tumalikod ako at pumunta sa bag kong nasa high chair, doon ko napansin na may naka tingin pala sa aking matangkad na lalake.
Around 5'6 or 5'7 ang height, maputi, naka eye glasses, chinito, at ngayon ko lang masasabi na pogi talaga. Kahit medyo malabo ang paningin ko. Nakahawak siya sa tako niya at hinihintay na matapos tumira yung kalaro niya, di ko gets bat kailangan niya pang tumitig sakin. Naputol ang titigan namin nang siya naman ang kailangan maglaro.
YOU ARE READING
"Until Again, Jhairro"
Teen FictionDo you ever wonder how your love story will end? I thought he was going to be my future, since he is the love of my life. But things took a turn, I thought he was going to be my end game, i thought he was going to be the end of my mystical string...