"Hoy dre okay ka lang? Kilala mo ba yung dumaan?" Tanong ni paolo na nakahalata sa pagka tigil ko sa aking pwesto.Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang kumakawala na, parang nanlalamig din ako.
"Jhairro..." I whispered. Nagtaka naman si paolo. At akmang magtatanong ng biglang may jeep na huminto sa harap namin.
"Oh sakay na! May bakante pa." Sabi nung konduktor at tinignan namin ang jeep, marami namang nakasakay.
Siyempre medyo maaga pa.
Nang makasakay kami agad ako tinadtad ni paolo ng mga tanong.
"Hoy sino yun?" "Boyfriend mo?" "Bat di mo agad sinabi?" "Gaano na kayo katagal?" Mga tanong niya.
Napa buntong hininga ako. Tinignan ko ang paligid at wala namang nakikinig samin lahat naka tutok sa selpon o kaya naka headphones.
"Hindi ko siya boyfriend, wala akong boyfriend. Ni hindi nga ako kilala non." mahinahon kong ani.
Masakit man totoo naman.
"Ganon ba? Crush mo?" Tanong niya na halatang intrigang intriga.
Napabuntong hininga ulit ako. Kapag talaga si jhairro usapan napapa 'hays' nalang ako.
"Oo, matagal tagal ko na din siya gusto 5 months ago na ata." I said and ruffled my hair.
Napa singhal naman si paolo sa tabi. At biglang naka isip ng kung ano.
"What if mag confess ka?" Tanong niya.
Agad naman ako napa singhap at ngumiti.
"What if sakalin kita?" I said at agad naman siya napa nguso. I glared at him, gago baka mas lalong walang chance sa pagkaka alam ko may kalandian siya ngayon.
Nag kwentuhan pa kami ni paolo hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Bumaba na kami sa jeep at nagpatuloy na maglakad.
"Mag confess ka na nga kasi! Malay mo single." Pag pupursige niya pa sa akin.
Napa isip ako. Natatakot ako what if....
"Ayoko." Sabi ko at hindi na siya tinignan pa.
Nakaka inis natatakot ako kanina nga nakita ko lang siya grabe ang lakas na ng tibok ng puso ko. Ampogi niya talaga putang ina naiiyak ako.
"Tang ina mo duwag ka naman pala eh." Sabi niya. At mas lalo akong nainis. Hindi naman ganon kadali mag confess, tang ina niya.
"Tang ina mo wala sa dugo namin ang duwag." Ani ko habang nakatingin sa kanya.
"Tang ina mo ah joke lang naman? Pero sige sabi mo eh sino ba naman ako para pilitin ka. Yan naman yung gusto mo diba? Admiring from afar wow parang narinig ko na yan eh sa tabi tabi. Tawag diyan T-O-R-P-E" ani niya at tumawa ng malakas.
One dot babangasan ko na talaga to.
Hindi ko na talaga siya pinansin at mabuti naman nakarating na kami sa kanila.
"Putang ina mo." Sabi ko at tumalikod na para umuwi. Narinig ko pa halakhak niya.
"HAHAHAHA GOOD NIGHT MADAME!" Sabi niya pa. I just rolled my eyes.
Umuwi na ako sa amin at wala si mama. Phew mabuti naman. Wala ako sa mood para makipag sagutan. Pumunta na ako sa kwarto ko para maligo at magbihis.
YOU ARE READING
"Until Again, Jhairro"
Teen FictionDo you ever wonder how your love story will end? I thought he was going to be my future, since he is the love of my life. But things took a turn, I thought he was going to be my end game, i thought he was going to be the end of my mystical string...