Chapter 3
"Oh? Anyare?!"
"What do you mean?" Tinignan ko lang siya habang palabas siya ng bahay nila.
"Anyare sa 'yo? Natulog ka ba?"
I shook my head.
"'Di ka natulog?!"
I nodded. Hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa nangyari kahapon.
"Bakit naman? Tignan mo oh, mukha kang panda."
"Si Kayden! Galit sa akin! Whaaaaaa!!!"
"Naku naman! 'Yun lang pala," he made a face.
"LANG?! 'LANG' lang 'yun sa 'yo?!"
"Alam mo, madali lang 'yang problema mo. Mag-sorry ka lang ulit sa kaniya. May mas malaki ka kayang problema."
"Ha? Ano nanaman 'yun?"
"Edi 'yong mga fangirls niya! Nag-trending ka kaya kagabi sa Twitter, number 3! At maraming nag-pm sa akin sa FB account ko kung ako ba 'yung bestfriend mo."
"So?" Medyo slow lang ako ngayon kasi nga, di ba, wala akong tulog.
"Anong 'So?' Pinaghahanap ka na ngayon ng mga fangirl ni Kayden, tapos wala lang sa 'yo?"
I shivered as if binuhusan ako ng malamig na tubig.
"Unknown person ka lang kay Kayden pero para sa mga fans niya, most wanted ka na. Tsk! Tsk!"
"Kasalanan mo 'to eh!"
"Ako? Bakit nanaman?!"
Tumalikod ako sa kaniya, "Hindi mo pa kasi ako ina-accept as a friend sa FB." I faced him again, "This is all your fault!"
"Ha?! Ano'ng connect nun sa— Ohh... Gets ko na. Ba't ba kasi ang big deal nun sa 'yo?"
"Friends kasi ta—"
"Teka!" he showed me his palm, few inches away from my face. "Kapag nakataon pala, natikman ko yung sakit sa ulo ni Kayden ngayon."
"Uh-huh...," I nodded.
Habang papalapit kami sa campus ay lalong nanlalamig ang buong katawan ko.
At napahinto ako sa paglalakad nang mga tatlong hakbang na lang bago makapasok sa gate.
"Halika na...," pinulupot niya ang braso niya sa braso ko para madali akong mahila.
"No way!"
"Let's go."
"No!"
"Goooo!"
"Noooooo!!!"
Hinila niya pa ako nang mas matindi pero nakawala naman ako nang sumigaw ako.
"Haist! Ba't ka sumigaw? Edi alam na nila na nandito ka na. Baliw!"
Hinawakan niya ang wrist ko, "Don't worry, okay? Walang mangyayari sa 'yong masama. Let's go."
I nodded.
Pumasok na kami at napabitiw sa akin si Tayler nang makita namin na walang weird na kaganapan gaya ng may batallion ng mga babae na naka-formation at handang-handa na para sugurin ako or mga firing squad.
In fact, mga estudyanteng naglalakad papunta sa kani-kaniyang building (na karaniwan namang nakikita) ang naabutan namin sa school.
For short, walang war freak fangirls.
BINABASA MO ANG
Who's That Boy?
Fiksi RemajaIt actually started with a promise, our love story, I mean. Seryoso siya noong sinabi niya 'yun. Seryoso siya na gusto niya akong pakasalan but that was seven years ago. It also means that we're just 10 years old that time. Kahit sino'ng makarinig n...