ITTKMBFC

163 68 17
                                    

I Tried To Kiss My Best Friend Challenge
by rulerofthepen

Elle's POV

Ilang minuto na kaming nakatambay ng mga kagrupo ko rito sa school garden. Alas kwatro mahigit na kaya presko na sa pwestong 'to. Kailangan naming gawin 'yung group report namin para sa Contempo, kami kasi ang unang magpe-present bukas at first subject namin iyon.

Imbes na gumawa ng report, heto ang mga kagrupo ko at nakatutok sa phone ni Lady, nanonood sila ng random videos. Jusko.

'Sesermunan na naman ako ni kuya nito kapag ginabi ako. Hays.'

Natigil ako sa pagbubunot ng bermuda grass nang mapansing nakatitig na sa akin ang tatlo.

"Oh? Bakit?" takang tanong ko, nakakatakot kasi ang ngiti at tingin nila. Alam mo 'yung parang may binabalak silang hindi maganda---tulad ng paglalagay ng bato sa bag.

"Gawin mo 'to, beh!" Iniharap sa 'kin ni Lady 'yung screen ng phone niya. "Kay Richard, 'di ba best friend mo 'yon!"

Nangunot na agad ang noo ko habang binabasa pa lang ang caption nung video, 'I tried to kiss my best friend challenge'. Tanginuh.

"Tingnan natin kung ano magiging reaksyon niya!" bungisngis ni Kyla. Pinindot niya 'yung screen para mag-play 'yung video.

Magkasalubong ang kilay kong pinanood iyong video. Sa una ay tila nag-uusap lamang iyong babae at lalaki.

Maya-maya ay sumulyap sa camera 'yung babae tapos tumingkayad para abutin ang labi ng kaibigan. Hindi naman umiwas 'yung lalaki, sa halip ay mas kinabig pa palapit iyong ulo ng babae.

Napangiwi ako nang matapos ang video.

'Saan ako kukuha ng kapal ng mukha para ro'n?!'

"Gagi, bilis na! Matagal niyo na kaming pinapakilig tapos hanggang ngayon best friends pa rin kayo. Malay mo ito na ang chance para ma-level up kayo!" mahabang pangungumbinsi ni Jane.

Umiling naman ako.

"Ayaw ko nga. Mamaya imbes na mag-level up eh ma-demote pa. Tigilan niyo 'ko. Gawin na natin 'to nang makauwi na tayo." Inabot ko 'yung manila paper at binuklat iyon.

Sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng totoong kaibigan. Hindi ko yata kayang isakripisyo 'yung samahan namin ni Richard para lang sa walang kwentang challenge na 'yan.

Sa kabilang banda, may parte sa akin na gustong magkatotoo kahit 'yung pagle-level up lang---kaso wala eh. Hindi ko nase-sense na may pag-asa ako sa gag*ng 'yon.

"Tapos na!" anunsyo ni Kyla habang pumapalakpak pa.

Pinatunog ko ang mga daliri ko dahil nangalay ako sa pagsusulat sa manila paper. May kahabaan 'yung report kaya maga-alas sais na kami natapos.

"Ipush natin 'yung challenge, beh!" buyo sa akin ni Lady.

Malalim akong napabuntong-hininga, hindi ba talaga nila ako titigilan? Mamaya mapapayag nila ako eh. Haha.

"Dali na! Hindi ka makakauwi hangga't 'di mo ginagawa," pananakot ni Jane.

"Ayaw ko nga," nakikiusap na pagtanggi ko. Iniisip ko pa lang na baka maging mitsa 'to ng pagkasira ng samahan namin ay nanghihina na ako.

"Uyy, may gusto ka siguro kay Richard kaya ayaw mo," pang-aasar ni Lady sabay tusok sa tagiliran ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ko ngunit hindi ko ipinahalata. Tanginuh! Anong logic 'yon?

"Yiee," gatong nung dalawa sabay tusok din sa akin.

'Teka, ano ako, fishball?!'

"Hindi ah, wala akong gusto ro'n!" mariing tanggi ko sabay tabig sa mga kamay nila.

"Eh bakit ayaw mong gawin? Wala namang malisya kasi challenge lang eh."

"Oo nga!"

"Naku, naku, naku, Elle!"

"Kiss tapos walang malisya?" pabulong na singhal ko. "Nasisiraan na ba kayo?" hindi makapaniwalang saad ko habang iniisa-isang itulak ang noo nila gamit ang hintuturo ko.

"Meron naman ah? Bakit kami ni Jane, nagki-kiss kami, smack lang naman!"

"Pareho kayong babae, Kyla!" apila ko.

"Parang ganoon lang din 'yon, 'di ba best friends lang kayo ni Richard? Unless... may feelings ka. Yieee."

"Kaya nga."

"Yieeee."

Napasabunot ako sa buhok ko, kapag hindi sila tumigil ay baka ipang-asar pa nila sa akin 'yan sa classroom. Baka mailang sa akin si Richard.

Kaya iyon, napapayag nila ako. Nanlalamig na ang buong katawan ko habang sinusuyod namin ang school grounds para mahanap ang best friend ko. Kasama no'n 'yung mga kagrupo niya.

"Kapag talaga nilayuan ako no'n, kukutusan ko kayo isa-isa," pabulong na singhal ko.

Nagbungisngisan lang ang mga loka. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito ah.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang grupo ni Richard, nag-uusap-usap sila na may kasamang sapakan habang naglalakad patungo sa direksyon namin.

'Sheeet! P'wede na ba umuwi?' Pakiramdam ko ay natatae na ako sa sobrang kaba. Napahinto rin ang mga kasama ko sa paglalakad nang tumigil ako sa paglalakad.

Nanghihina at nangangatog na 'yung tuhod ko. Huhu.

Tinuro ako nung mga kagrupo ni Richard kaya lumingon na rin sa wakas ang mokong sa akin. Nginitian niya ako saka kinawayan, parang may kakaiba sa ngiti niya. Hindi ko mawari kung ano.

"Goodluck, beh!" bulong sa akin ni Lady habang minamasahe ang balikat ko.

"Keri mo 'yan!" Tinapik-tapik ni Kyla ang balikat ko pero hindi no'n magawang pagaanin ang loob ko.

"Kami na ang bahalang magsabi na dare lang 'yon kapag hindi maganda 'yung resulta!" ani Jane na hindi rin nakatulong.

'Mga bruhang 'to!'

Nang huminto sila sa harap namin ay pigil ang hiningang lumapit ako kay Richard. Hinawakan ko siya sa kwelyo ng uniform niya at tinangkang halikan siya.

Ganoon na lamang ang gulat ko at ng mga bruhang nasa likod ko nang bago pa lumapat ang labi ko kay Richard ay...

Sinampal ako ng gag*!

'Tanginuh! Gusto kong magdabog!'

• • •

Date and Time

Date: May 15, 2022
Time: 10:46am

• • •

Author's Note

How was it? Okay lang ba? Feeling ko ang lame. Huhu.

What's Inside: Brain's Last Cells to ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon