ID

19 10 0
                                    

Identical Date
by rulerofthepen

Julian's POV

"Ano 'yang nile-lettering mo?" tanong niya habang sinisilip ang papel ko, "Birthday ko? Teka, crush mo 'ko 'no?!"

Binatukan ko siya. "Kadiri ha?"

"Tss. Eh kung hindi mo ako crush bakit mo nile-lettering 'yung birthday ko?" Humalukipkip siya saka tumitig sa mukha ko.

"January 14 is MY birthday not YOURS!"

"Weh? Edi parehas pala tayo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

May naririnig akong mga sabi-sabi na malabo raw na maging close ang dalawang tao na magkaparehas ng birthday. Para sa akin, sabi-sabi lang talaga iyon dahil itong taong 'to naging best friend ko.

"Happy 16th birthday, Julian!" bati niya sa akin pagkapasok ko sa classroom. Kaming dalawa pa lang ang tao dahil mamaya pa magdaratingan ang mga kaklase namin.

"Happy 16th birthday rin, Dale. Ang aga mo ha?"

"Siyempre! Hindi kita mababati nang ganoon kalakas kung nandito na mga kaklase na'tin. Oh." Inabot niya sa akin ang isang maliit na box.

"Ano 'to?" Inalog ko pa iyon nang bahagya.

"Regalo malamang, ako wala?" nakangusong tanong niya.

"Pwede ba naman 'yon?!" Tumawa ako saka inilabas ang may kalakihang box sa bag ko. "Ingat ka, sumasabog 'yan." Natawa ako sa reaksyon niya dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

Years had passed. We celebrated our 17th, 18th, 19th and 20th birthday together.

Sa tagal na naming magkaibigan ni hindi kami nagkaroon ng romantic feelings para sa isa't isa. We are each other's twin---a not blood-related twin.

Second year college na kami at pumapasok kami magkaparehas na university dahil parehas din ang course na kinuha namin. Hindi naging factor ang isa't isa sa pipiliin naming course, even before kami maging makaibigan ay decided na kami sa course na kukuhanin namin.

Lagi pa rin tuloy kaming magkasama. Marami pa ring nagtatanong kung kami ba. Magtitinginan lang kami saka sabay na tatawa at mandidiri sa isa't isa. Marami kasing nagsasabi na hindi p'wedeng maging magkaibigan ang babae at lalaki, well perception nila iyon, iba yung sa amin.

February 14, araw ng Biyernes---a month after our 20th birthday. Walang kaming pasok dahil iyon ang nasa schedule namin. We decided to go out on a date---a friendly date to be exact.

"Happy Valentine's Day panget na nilalang!" aniya sabay abot ng sundae at fries galing sa Jollibee.

"Mas panget ka 'wag kang magpapakabog! Kapag babati, kailangan laging may lait?"

"Kaya nga may suhol eh para 'di ka magdamdam." Tumawa ang loko kaya natawa na lang din ako.

Umupo kami sa bakanteng bench sa plaza kung nasaan kami ngayon. Maya-maya pa ay nag-open siya ng topic.

"Juls, may nabasa ako kanina. After daw mamatay ng isang tao may 7 minutes pa raw na brain activity 'yung taong 'yon at nire-recall ang mga pangyayari sa buhay niya," bakas ang pagkamangha sa boses niya. Basta may nalalaman siyang bago ay gan'yan ang nagiging reaksyon niya, "What if itong nangyayari ngayon part lang nung 7 minutes na'tin?"

"Edi ayos, kasi kasama pa rin kita," natatawang sagot ko. Natahimik siya kaya nag-angat ako ng tingin sa mukha niya, nandoon ang pandidiri sa expression niya. "Hoy! Ano na namang ini-imagine mo?!"

"Halatang gustong-gusto mo ako kasama 'no?"

"Bakit, ikaw ayaw mo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Siyempre gusto. Binibiro ka lang eh. Ang sungit nito." Padabog niyang isinawsaw iyong fries sa sundae niya saka niya kinain. Napangiti na lang ako sa ikinikilos niya.

What's Inside: Brain's Last Cells to ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon