ITTKMBFC 2

148 64 16
                                    

I Tried To Kiss My Best Friend Challenge 2
by rulerofthepen

Richard's POV

"Gag*!" Binatukan ko si Lemuel nang magbiro siyang liligawan si Elle.

Babaero ang lokong 'to kaya hindi ko hahayaang katulad niya ang bibilog sa best friend ko. Marupok pa naman 'yon.

"Ang sakit no'n, p're! Naalog na 'yung utak ko, wala na, hindi na ako makakatulong sa report," pagdadrama niya.

Nagdahilan pa ang loko, eh dumb bell naman talaga siya. Pabuhat sa online games at ganoon din sa groupings. Kung hindi ko lang siya kaibigan ay hindi ko hahayaang magka-grade siya sa mga groupings namin.

"Tanga, wala ka naman talagang utak," sabat ni Dann.

"Pinaalala mo pa, bro. Nakalimutan na nga sana niyang wala siyang utak eh," gatong naman ni Jhon.

"Kingina niyong dalawa!" Tumatawang sinapak ni Lemuel 'yung dalawa. Nire-real talk na nga siya, tumatawa pa. Gag* talaga eh.

Natawa at napailing na lamang ako sa asaran nila. Hindi na ako nakisali dahil malakas lang naman ako mang-alaska kapag si Elle ang kaasaran ko.

Nagtulungan kami nina Dann at Jhon para sa pagbuo ng concept ng report namin, habang si Lemuel naman ang bahala sa miryenda at tawa. Sa cafeteria kami gumawa para siguradong may ambag 'tong lokong 'to.

Hindi naman kami gaanong nahirapan sa pagbuo ng report, nahirapan kami sa pagsasalin sa manila paper dahil wala ni isa sa amin ang maganda magsulat. 'Ayun parang pambalot ng tinapa ang visual aid namin.

"Pero, p're, bakit ayaw mong ligawan si Elle? Maganda naman 'yon ah, med'yo mabait rin naman kahit papaano, at saka mukhang masarap naman kasama," usisa ni Lemuel habang naglalakad na kami palabas.

Uwian na, hindi ako sigurado kung narito pa si Elle. Maggagabi na rin kasi at mayayari 'yon kay Kuya Eric kapag sobrang late siya umuwi, iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko na sinuggest na magsabay kami umuwi.

"Ayaw mo ba no'n? Best friend mo na girlfriend mo pa?" segunda ni Jhon.

"Kung papayag maging girlfriend, eh paano kung hindi?" tawa ni Dann.

Napasimangot ako. Hindi naman sa ayaw kong ligawan si Elle, ang totoo gusto ko siya---mahal na pala. Ngunit may punto si Dann, paano nga naman kung 'di siya pumayag eh 'di hindi lang babaeng mahal ko ang nawala sa 'kin... pati 'yung best friend ko mawawala rin.

"Huwag kasi kayong negative agad mag-isip. Kesyo pumayag o hindi maging girlfriend mo, mawawala rin sa 'yo si Elle," pangaral ni Lemuel.

Nangunot ang noo ko. Ano bang sinasabi ng lokong 'to?

"Sige sabihin nating nanligaw ka tapos binusted ka, eh 'di mawawala siya," seryosong paliwanag pa niya. Iginagalaw-galaw pa ang kamay at inilalahad ang palad. "Kapag naman 'di ka nanligaw at niligawan siya ng iba tapos sinagot niya... eh 'di mawawala rin siya."

"Bakit naman siya mawawala? P'wede pa rin naman kaming maging magkaibigan kahit magkaroon siya ng boyfriend," apila ko kahit na sumasang-ayon ang utak ko sa sinasabi niya.

"Kung... kung hindi ka pagseselosan nung boyfriend. Sabihin nating ako 'yung magiging boyfriend niya, hindi kita papayagang lumapit sa girlfriend ko."

Binatukan ko ulit siya. "Hindi ako papayag na ikaw ang maging boyfriend niya!"

"Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan, pare." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko. "Liligawan ko na siya bukas---Aray!" reklamo niya nang pingutin ko ang tainga niya.

What's Inside: Brain's Last Cells to ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon