★Battle Of The Two Princess★

38 3 0
                                    

(Benjie Castro Or Betchie's POV)

Ako+Umaga=Magandang Umaga!Wazup fellas!I'm Benjie Castro from Frost Academy section crystal.I'm the bestfriend of the cold princess Lexie.Kung hindi niyo ako natatandaan pwes ipapakilala ko sa inyo kung sino ako.Ako lang naman ang nag-iisa at pinaka-magandang bestfriend ni Lexie.Syempre wala ng gaganda pa eh..nag-iisa lang naman akong bestfriend.Ako din ang presidente ng Student Council.Well I hope naalala niyo na ako.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagche-check ng facebook account kung may bagong gwapong lalaking nag-send ng friend request sa akin.Hoy...!Akala niyo ako nag-aadd no?Hindi no!Kawalan ko ba?Baka kawalan nila.Charot!

Tiningnan ko yung timeline ni Bhessy kung may pogi siyang friend.Pero iba ang nakita ko.Post ni Patricia Aguilar sa timeline ni Bhessy.OMG!The Blaze Princess wrote on the cold princess timeline?It's wierd.Binasa ko agad ang post ni Patricia Aguilar at ang nakasulat ay'Alexie Jane.Just Ready yourself for tomorrow because
it will be fun and interesting battle.'OMO!The two Princess will fight.The Blaze Princess VS. The Cold Princess.

Oh My Goodness!I have to go.Nagmadali akong kumilos para makapunta agad sa school.I have to support my bestfriend because I know Patricia Aguilar is a demonic Princess in Flame University at kilala ko din si Lexie siya yung babaeng cold pero kapag tinarayan mo aandar din ang katarayan niya.

Dali-dali akong sumakay ng taxi para makapunta agad ako sa school.Medyo malapit lang naman sa amin ang school maganda ng mauna ako kaysa sa kanila.OMG this is a big fight.Hindi ako tutulong kay Lexie because this battle is for the two princess only.Sana talaga mauuna ako bago sila.OMG!Nakikita ko na ang dalawang magkatapat na University.Oops!Nakita ko si Lexie na bumaba ng kotse nila kaya bumaba na din ako.

"Manong dito na lang ho."Utos ko kay Manong."Ito po ang bayad ko.Keep the change!"Iniabot ko na kay Manong yung bayad ko.500 pesos kasi yun kaya keep the change na at saka nagmamadali kaya ako.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kotse sumigaw agad ako ng"Lexie!"Hindi naman ako nagkamaling sumigaw dahil lumingon siya.

"Bakit?"Cold niyang tanong.

"Wala lang trip ko lang sumigaw."Tugon ko sa kanya.

Bago kami makarating sa tapat ng Academy ay may biglang nagsalita.
"Lexie...Lexie...Lexie.."Sabi ng chakang si Patricia.

"Anong kailangan mo?"Tanong niya na may halong taray at cold.

"Wow!Porke't naging Cold Princess ka akala mo maganda ka na!?"Pagtataray ni Patricia luka.May dalawa pa siyang kasamang mga babae din na makakapal ang make-up damay mo na pati yung mukha.Pero hindi kami natatakot baka pagbuhulin pa namin sila.

"Well.Ikaw ang nagsabi niyan so paninindigan ko na.Sa tingin ko naman OO.Maganda ako eh ikaw maganda ka ba?"Tiningnan ni Lexie mula ulo hanggang paa si Patricia."Para sa akin mukha ka lang paa."Tapos lumapit si Lexie at inamoy si Patricia."Sinabayan pa ng amoy mong amoy alipunga."

"Wooooohhhh!!"Sigawan ng mga estudyante sa magkaibang paaralan.May ibang sumisigaw ng Blaze Princess pero mas marami ang sumisigaw ng Cold Princess.Kahit nga taga-Flame University yung estudyante Cold Princess ang sinisigaw eh..

Aalis na sana kami ni Lexie pero hinila ni Patricia yung braso niya.

"Ang kapal ng mukha mo!"Sigaw ni Patricia habang mahigpit na hinahawakan ang braso ni Lexie.

Ikina-init ng ulo ni Lexie ang mahigpit na paghawak ni Patricia sa braso nito."Aalisin mo ang kamay mo sa braso ko O puputulin ko yan?"Cold pero mataray na tanong ni Lexie.Saka tinanggal naman ni Patricia ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa braso ni Lexie."Ako makapal ang mukha?"Pagpapatuloy ni Lexie."Inaamin ko OO makapal ang mukha ko kasi tao ako eh..Ikaw tao ka ba?At saka okay ng makapal atleast natural eh ikaw natural ba yan?"Hindi ko pipigilan si Lexie oras niya ito eh."Kung ako makapal ang mukha.Ano ka pa?Kasing-kapal ng mukha mo ang kapal ng make-up na bumabalot sa mukha mo."Medyo tumataray na ang boses ni Lexie kaya medyo kinakabahan na din ako sa pwedeng mangyari

"Let's go Betchie.I don't want to
waste my saliva arguing with that girl."Aalis na sana kami pero

*Slapped*
"Ohhhhhh......"Sigaw ng mga estudyante na nakapalibot sa amin.

Sinampal ni Patricia si Lexie.Saan niya kaya nakuha ang lakas ng loob na yun?Makahingi nga.Pero alam kong hindi papayag si Lexie ng walang bawi.

"Ang taong matalino hindi lalaban sa taong ka-level lang ng aso."Ngumiti si Bhessy ng nakaka-asar kaya

*Slapped*

Sinampal ulit siya ni Patricia impoklita.

"Pero kapag ang tao sinaktan mo kahit anong bait at talino nito lalaban at lalaban ito sayo."

*Slapped*

*Slapped*

*Slapped*

Mabilis na sumpal si Bhessy kay Patricia na ikinagulat nito.Anong akala niya hindi lalaban si Bhessy?Hello...

"Gusto mo pa ng isa?Ito oh.."

*Slapped*

"Ayan para pantay na.Kasi nagkulang sa kaliwa ng isa kaya pinantay ko sa kanan."Ngumiti si Bhessy ng nakaka-asar na naman kaya nag-iinit sa galit naman ito ai Patricia.

"Girls!Let's go."Aya ni Patricia sa mga kasama niya.Tinarayan naman ni Patricia si Bhessy si Bhessy naman nakangiti lang.

Tataray pa sana ang dalawang alipores ni Patricia pero inunahan ko na."Tataray pa.Sundutin ko mata niyo.Gusto niyo?O kaya next batch tayo.I'm always ready for a war."Umalis na din ang dalawang alipores ng hindi tumataray ako naman natatawa.

"Bhessy tara na!"Sabi ko kay Lexie.

"Ang galing talaga ng Cold Princess.Woohhhh!"Sigaw ng mga estudyante.

"Cold Princess!Cold Princess!Cold Princess!"Sigaw ng mga schoolmates ko hanggang sa makapasok kami ng Academy.

To Be Continue.....

Frost Academy VS. Flame UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon