★Spy★

20 2 0
                                    

(Betchie's POV)

Ang saya-saya ko ngayong araw na ito.Kasi naman diba kasama ko ngayon yung apat na gwapito.Ako lang ang girl so Baby na baby nila akong apat.Anebe.Nakake enjey keye.Charot!

Now were here in food court.You know why?Because I saw the Evil Witch Blaze Princess of flames Academy with some dirty,flirty girl.Yup!Nandito si Patricia at mukhang may meeting na magaganap.Hindi nila kami mamukhaan no!Kasi naman naka-disguise kaming lima si Russel naka-pangmukhang Korean,Si Travis Japanese,Si Zoren Taiwanes,Si Jerrah naman naka-chinese pero kahit anong gawin hindi maalis ang pagkagwapo nila,at ako Pilipinang-pilipina yung dating ko kasi nakapambabae ako ngayon.Kaya nga feel na feel ko itong day na ito.Kaya rin kami naka-disguise syempre para kami mamukhaan ng dalawang nagda-date.

Lumapit kay Jerrah yung isang babae na kasama ni Patricia.
"Hi Boy.Can we date today?"Malandind sabi nito kay Jerrah.Umiling lang si Jerrah.

"She can't talk in English.Speak in Chinese so he can understand you."Mataray kong tugon sa babaeng haliparot na ito."At saka isa pa ate.Allergic siya sa linta kaya kung pwede ba umalis ka na!?"With my female voice.Kaya ko mag-ipit ng boses.Tinaas-taas ko pa yung kilay ko.

Lumapit sa akin yung babae at saka ako tinayan."Ang sakit mo magsalita ah!"Sigaw niya sa akin.Ayoko ng skandalo pero kung gusto niya pagbibigyan ko tutal naka-disguise naman ako.

Nginisian ko siya "Masakit ako magsalita sa mga taong mukhang may sakit at diperensya ang mukha."Nakataas kong kilay na tugon sa kanya.I'm Betchie and I never want to lose.

Sasampalin niya na sana ako pero.
.
.
.
*Slapped*
.
.
.
Naunahan ko siya.Tandaan niya mabilis ang kamay ng magaganda.

"How dare you to slapped me!"Malakas niyang sigaw.Actually kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito.Yung apat naman nakatingin lang.Tsss....

"Ikaw How dare you to talk to me with that voice."Mahinahon pero nakakatakot kong tanong sa kanya.

Umusog yung mga taong nakapaligid sa amin tapos nakita ko yung iba pang kasama nito ni Ugly girl na papalapit but sorry I'm not scared.

"What's happening!?"Panimula ni Patricia na nanggaling pa sa likod.

"That Girl slapped me!"Pag-iinarte nitong babaeng ito kila Patricia.Sabay dinuro-duro pa ako.Bullsh*t siya!

"Bakit hindi ka lumaban!?"Mataray na tanong ni Patricia

"Masyado siyang malakas."Tugon ng babae kay Patricia.

"Poor and weak Trixie.Tsk!Tsk!Tsk!"Pang-aasar pa ni Patricia sa kanya."Huwag ka nalang sumama sa amin.Dahil masyado kang mahina."Demonyita talaga itong hinayupak na ito kakampi niya hindi niya maipagtanggol.

Iniwan niya si Trixie daw ba?Basta yun na yun.Tapos ako umupo na din sa upuan namin dun sa may foodcourt.Nagsi-alisan na din yung mga taong nakapaligid sa amin kanina.Si Trixie naman ayun ngayon lang umalis natakbo pa nga sa sobrang kahihiyan.

"Oh?Anong tinatawa-tawa niyo dyan?"Mataray kong tanong sa kanila.Kasi naman nakangiti ang mga mokong.

"Ang taray mo pala talaga no?"Wika ni Zoren sa akin.

"Pwede talaga kayong maging partner ni Lexie."Sabat naman ni Jerrah.

"Cold Princess at saka War Prince este Princess pala."Pang-aasar naman sa akin ni Travis.

"Uhhhh...."Si Russel yan.

"Russel kung wala kang magandang sasabihin you better shut your mouth!"Naiinis kong wika sa kanya.Ny*ta napa-away ka na nga makakarinig ka pa ng asar ng mga kaibigan mo.

"Ang sasabihin ko.Pumunta na tayo sa taas kasi nandun na sila Patricia."Mahinahong sagot ni Russel.I forgot na nag-i-spy nga pala kami.

"I forgot.Let's go na!Faster!"Mabilis pa kami sa kwatro na umalis sa food court at sumakay sa escalator.

Habang nasa-escalator kami pinagtutinginan kami sa mga itsura namin but it's okay naman kasi hindi naman talaga kami ito it's just a disguise.Baka manlaki mata nila kapag nakita nila ang kapogian ng mga kasama ko at lalo na ang kagandahan ko.

"Betchie ayun sila Lexie oh!"Tinuro pa ni Travis sila Lexie at Lexter pero I know naman na hindi niya kami maririnig dahil malayo na sila at nakatalikod pa.

"Tapos na ang plano natin sa kanila."Humakbang muna ako para makaalis na sa escalator."Ngayon ang mission naman natin ay ang mag-spy kila Impaktang Patricia."Tumingin-tingin ako sa paligid."Hanapin niyo sila."Dagdag ko pa.

Tumingin-tingin din sila sa paligid namin kung saang fast food chain sila nagsuot ngayon.

"Ayun sila oh!"Sabay turo ni Jerrah dun sa may KFC.

"Jerrah..Ang cute!cute mo na!Ang galing-galing mo pa.Pa-kiss nga!Charot!"Pagbibiro ko kay Jerrah."Tara na pasok na tayo!"Aya ko sa kanila.

"Basta Betchie dapat sure ka sa mga sinabi mo kanina ah.Na magma-mall tayong lahat."Pahayag ni Zoren.

"Nag-iba na isip ko."Tugon ko sa kanya.Kaya napatigil silang apat."Nagbago na ang isip ko kasi magbe-beach na tayo.Hindi na mall!"Masaya kong wika sa kanila.

"Yun oh!"Sabay-sabay nilang banggit.

"Tara na!"Wika ko sa kanila.

Pumasok na kami sa KFC halos lahat ng tao napatitig sa kagandahan ko dahil ang ganda ng entrada ko.Charot!Napatingin sa amin halos lahat ng tao pero dire-diretso lang kami.Humanap kami ng Vacant seat at may sofa dun sa likod nila Patricia kaya dun na kami umupo si Travis at Zoren pumila na para sa order.

"Patricia.Ano ng plano natin sa masyadong pasikat na Cold Princess na yu?"Tanong ng isang babae.Hindi familiar ang boses niya sa akin.

"Simple lang.Sisirain lang naman nating ang pagmumukha niya."Tugon ni Patricia.What!?I have to warn Lexie.

To Be Continue......

Frost Academy VS. Flame UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon