★New Friend★

29 2 0
                                    

(Benjie Castro POV)

Bigla nalang tumakbo si Fafa Lexter.Hindi ko naman alam kung bakit.May sapak ba yun?Kung sa tingin niya naman ay huhulihin ko siya.OO huhulihin ko siya gamit ang aking mga braso at yayakapin ng sobrang higpit tapos aamuyin ko kung anong pabango ang gamit niya at bibili din ako at lagi ko yung aamuyin para maalala ko siya lagi...Charot!Syempre hindi ko siya huhulihin,magagawa ko ba yun sa isang fafable na tulad niya.Syempre hindi no.Lahat ng gwapo papapasukin ko kahit mapagalitan ako.Pero kapag maganda.Ha!Manigas ka at mag-amoy araw ka diyan sa labas.

"Betchie.Hinahanap ka ng principal."Hinihingal na wika ni Kuyang Nerdie.

Tiningnan ko siya ng pang stranger na tingin"Maka-Betchie close tayo?"Tapos tinarayan ko siya."Sige pupunta na ako."

Lunakad na ako papuntang office. P*chaness!badtrip ako ngayon.Hindi kasi pumunta si Jerrah sabi niya hintayin ko lang daw siya eh..Natapos na yung program wala pa din siya.Pinaasa niya lang ako!How could he!Landi ko no.Acting lang yung kanina kay nerdy boy.Wahaha!Gusto ko kasing mag-auditon sa star magic.Kaya tiningnan ko kung pasado yung acting ko.Pero pasado naman pala kasi kita sa reaksyon niya na natatakot siya kanina.OMG!Pwede na akong maging kontrabida.

*Knock!Knock!Knock!*

"Come in."Boses yun ni Madam Frostier kaya hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pinto.

"Madam Frostier.Bakit po?"Medyo kabado kong tanong.

"Go to the Flame University and to talk to their President of Student Council."Ma-awtoridad ni Madam.

"About what Madam?"Hindi ko talaga alam kung ano ang pag-uusapan namin ng Presidente ng Student Council.

"About the Election.Magbobotohan ang lahat ng Presidente ng Student Council kung sino ang magiging President at mga opisyales ng buong private school sa lungsod natin.The Date is July 8"Ayung lang pala.Hindi na naman ako umaasa na mapapasama ako sa opisyales dahil malalakas ang ibang private school na makakalaban ko.It's about the Power&Wisdom of the President who will win.

"Sige po Madam aalis na po ako."Nag-bow na ako kay Madam.Sign na aalis na ako.

Lumabas na ako ng Principal's Office at mabilis na naglakad palabas ng Academy.Pero nakita ko agad si Lexie na nakapikit siya sa may bench sa di kalayuan.Siya nga lang ang maisama ko tutal ayoko din naman pumunta dun ng mag-isa mamaya kuyugin pa ako dun ng mga boylet dahil sa ganda ko.Echoss!

Habang papalapit ako nakikita ko yung itsura niyan na parang lumbay na lumbay."Bhessy.What's your problem?You can share it to me or you can use bluetooth. charot!"Nagpapatawa pa ako kasi alam ko talaga malalim ang iniisip nito kasing lalim ng kaharian ko sa dagat.Dahil ako si Dyesebel ang tagapagmana.

"Haha!Walang nakakatawa."Cold niyang tugon sa akin.P*ta!Barado ako ah.Sabi na nga ba may problema ito eh.

"Seriously anong problema bhessy?"Seryoso kong tanong sa kanya.Pero nakapikit pa din siya.

"Wala."Matipid niyang sagot.

Tutal ayaw din naman niyang sabihin eh...uunahin ko muna yung inuutos ni Madam baka mapagalitan ako nun."Wala naman pala eh.Tara na!"Hinila ko siya ma ikinamulat ng nakapikit niyang mga mata.

"Saan tayo pupunta?"Tanong niya habang hinihigit ko yung kamay niya.

"Sa Flame University."Mabilis kong pagsabi sa kanya.Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na."Oooppss!Bawal na umangal.Sasama o Sasama na lang ang choices?"Ang galing ko gumawa ng choices no.Timang lang!

Tumakbo kami papalabas ng University at dahil halos katapat lang ay tumawid na din kami streetline.Syempre para kahit mabangga kami ay may rason kaming pwedeng ipaglaban.

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Lexie.Isang malaking kumpulan ng estudyante ng pumukaw sa atensyon namin.

"Bhessy tara chismis tayo!"Aya ko kay Lexie.Syempre curious din ako sa mga nangyayari.

"No!"Mahigpit niyang tanggi.

Wait!Kailangan ng para-paraan para-paraan.May naisip na ako."Bhessy nandun pala yung kailangan kong kausapin.Ayun oh."Tinuro ko sa kanya yung babae kahit hindi ko naman kilala.

Lumakad kami papunta sa mga estudyanteng nagkukumpulan.Humawi ang mga estudyante sa dadaanan namin.Paanong hindi gigilid eh..Cold Princess yata itong kasama ko.Nanlaki ang mga magagandang mata namin ni Lexie nung makita namin yung babaeng nagpa-autograph kay Lexie noon na namumula ang pisngi at may tatlong babae na nakatawa dito.Hindi kami napansin ng tatlong babae kaya pinagpatuloy lang nila ang ginagawa nilang pananakit.

"ALAM MO ANG PANGIT MO NA LAMPA KA PA!'Tinutusok-tusok naman ng babae yung kokote nito ni Nerdy.

"Eh ikaw anong tingin mo sa sarili mo?"Sabat naman ni Lexie.Shetiness away na naman itech.

"Cold Princess?"Namumutlang tanong ng isa sa tatlong babae.

"Hindi War Princess."Cold pa ding sagot ni Lexie pero medyo mataray aura niya ngayon.Aalis na sana ang tatlong chaka pero "Huwag kayong umalis.Naistorbo ko ba kayo?"Umiling naman ang tatlong chaka.

"Lexie tama na.Tara na!"Awat ko sa kanya.Pero ramdam ko na gusto niya lang tulungan si Nerdy girl.

"Ikaw nerdy girl."Humarap siya kay nerdy girl."Kung pangit ka lumaban ka.Hindi yung papaapi ka sa kanila.Kung sa tingin mo panget ka.Ano pa sila?Impakta lang ang pwedeng term sa kanila diba?"Cold na wika ni Lexie.Bongga nag-speech siya.Pero hindi ko lang alam kung pinagtatanggol niya itech si nerdy girl o sinusuportahan kasi nung una lait nung huli support.

Nangangatog yung tatlong impoklita sa takot.Si Lexie may puso din yan na marunong maawa kahit cold siya.

"Anong sasabihin niyo sa kanya?"Tanong ni Lexie.Pero umiling ang tatlo kaya "Sasabihin niyo o tayo ang magtutuloy ng away?"

"Sorry."Nag-bow pa yung tatlong chaka at saka tumakbo paalis.

"Ate thank You!"Sabi ni Nerdy girl.

"Welcome."Matipid at cold niyang banggit.

"Pwede niyo ba akong maging kaibigan?"Diretsahang tanong ni Nerdy.Bongga hindi man lang siya nagdalawang-isip kung ano yung nasa isip niya sasabihin agad niya.

Matagal na hindi sumasagot si Lexie mga 5 minutes.Sinudundan lang lami ni Nerdy Girl.Mukhang pursigidong maging kaibigan ni Lexie ah.

"Okay."After 5 minutes ngayon lang siya sumagot at sobrang tipid pa.Si Nerdy naman abot langit ang ngiti.

So We Have A New Friend.

To Be Continue.....

Frost Academy VS. Flame UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon