Prologue

22 2 0
                                    

                        LUKE'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Late na ba ako?

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa wall ng kwarto ko.

3:30 AM

I still have time to get ready.

Bumangon na ako at inayos ang aking higaan bago pumunta sa banyo.

Binuksan ko ang shower at tumapat doon. Hinayaan kong mabasa ang aking katawan.

"Kuya!" Tawag ni Felicia sa akin, kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Narinig kong nag-bukas ang pinto.

"Teka lang, naliligo pa ako!" sambit ko.

"Ah sige, mamaya nalang" sagot niya at malakas na sinara ang pinto.

"Masisira yung pinto sayo, Felicia!" sambit ko at napa-iling.

Pagka-tapos kong mag-handa, agad kong kinuha ang aking vitamins at ininom yun.

"Luke! Bilisan mo na ah! Baka ma-late tayo sa flight natin!" sigaw ni Ate Frayda.

Apat kaming mag-kakapatid. Si Kuya Blaze, Ate Frayda, Ako, at si Felicia.

"Ito na nga! Nag-sasapatos na!" sagot ko, pagkatapos kong mag-sintas, kinuha ko na ang aking maleta bago lumabas ng kwarto.

"Ako mag-dadrive papuntang airport!" lumingon sa akin si Ate habang iniikot-ikot yung susi sa daliri niya.

"Fine" sabay naming sagot ni Felicia.

"Let's go!" naka-ngiting nag-lakad ang ate ko at tinulungan pa kaming ayusin ang mga maleta na isasakay sa sasakyan.

Sumakay na kaming tatlo. Isinuot ko ang aking earphones at lumingon sa bintana.

Napatingin ako sa buwan na nag-liliwanag.

"Matulog muna kayo" sabi ni ate at mabilisang lumingon sa amin.

Lumingon ako kay Felicia, tulog na pala.

"Hindi naman ako inaantok" sagot ko, mas lalo kong nilakasan ang volume ng earphones ko, hanggang sa hindi ko na marinig ang sinasabi ni ate. Nakatutok lang ako sa buwan.

Dalawang oras ang nakalipas, nakarating na rin kami.

Ginising muna namin si Felicia bago kami bumaba ng sasakyan.

"Natawagan ko na si Manong Kulas, siya na ang mag-babalik nitong sasakyan. Oh! Nandyan na pala siya" kumaway pa si ate.

Nang makalapit na siya sa amin, binati niya kaming lahat at tinulungan kami sa pag-baba ng mga maleta.

"Kayo na po ang bahala ah" inabot ni ate ang susi sa kanya bago niya ito talikuran at hinila na kami papasok sa airport.

Naka-isang oras kami bago maka-sakay ng eroplano.

Nag-simula na kaming mag-lakad sa jet bridge. Napatingin ako sa babae na may mahabang buhok, kulay brown ito at medyo wavy, maliit ito. Hanggang balikat ko lang siya. I'm 5'10.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-selfie, nahagip ako. Tiningnan niya ito at napalingon sa akin, nakita niya atang nasama ako. Tumango lang siya at ngumiti sa akin ng tipid. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Hindi ako sanay na nginingitian ng kung sino. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nang makarating na kami sa loob ng eroplano, nag-salita si Ate sa likod ko.

"Mag-katabi kami ni Felicia, ikaw lang ang nahiwalay" ani niya.

"It's fine" tugon ko at nag-simula nang mag-lakad upang hanapin ang aking upuan.

Finding youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon