Chapter 3 : Convenience Store

9 0 0
                                    

LUKE'S POV

Umahon ako sa pool at hinanap ang towel para punasan ang sarili ko, umupo ako sa itim na sun lounger at ipinikit ko ang aking mata. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isipan ko ang nangyari kagabi. 

***

"May tinatago ba kayo sa'kin?" tanong ko at kitang-kita ko kung paano natigilan si Ate Frayda sa sinabi ko.

"No" matigas na sabi niya, "Wala kaming tinatago sa'yo" dagdag niya. "Halika na, pumasok na tayo" ani niya bago naglakad papasok sa bahay at ako nalang ang naiwan sa labas. Alam ko sa sarili ko na ibang sagot ang gusto kong marinig. Tumingala ako at pinagmasdan ang buwan na nagliliwanag, I feel at peace whenever I stare at the Moon. Pumasok na ako sa bahay at dumiretso ako sa aking kwarto at natulog nalang ako, wala akong ganang gumawa ng kung ano, I feel so drained. 

***

Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman ang nangyari, iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko na may naglalakad papunta sa direksyon ko. Tiningnan ko kung sino yun, "Hi kuya" lumingon ako kay Felicia na kumaway pa habang ang isang kamay naman nito ay nasa ilalim ng kanyang bukas na laptop at naglalakad ito papunta sa round table at doon umupo.

"Kuya, quiet ka lang ah. May meeting kami ngayon" ani niya at itinapat ang hintuturo niya sa kanyang labi at nag-shh pa. "Okay?" nag thumbs up pa siya. 

"Got it" sagot ko at nagulat ako nang biglang mag-shh ito nang napakalakas, "I said don't be noisy!" suway niya sa'kin. "Tinatanong mo ako, edi syempre sasagot talaga ako" tugon ko, at nag-shh siya ulit nang sobrang lakas. "Quiet na!" naka-nguso pa siya.

Tumayo na ako at aalis na sana ako nang biglang suminghap nang malakas si Felicia at lumapit sa'kin, "Kasama ko ngayon si Ms. Villanueva sa meeting...online" nakangiti siya nang napakalawak. "Kanina, nag turn on siya ng cam niya and OMG ang ganda niya! Super!" dagdag pa niya na parang nag-fafan girl kay Ms. V. 

"Oka---" hindi ko na natapos ang pagsagot ko nang lakihan niya ako ng mata. "I. said. stay. quiet" matigas na sambit niya. Natawa naman ako ng mahina bago pumasok sa loob at baka marinig ko na naman ang shh niya kahit nahinga lang ako. 

"Oh! Hijo!" bungad ni Manang, napansin kong naghahanda siya ng mga ingredients at halatang magluluto siya. "Manang, tulong ako sa pagluluto" sambit ko. 

"Sige, basta magbanlaw ka muna at baka magkasipon ka pa at matutuyuan ka" sabi niya. 

"Manang, it's okay kahit hindi na---" tinapat niya sa'kin ang sandok na hawak niya, "Magbanlaw ka na at magpalit ka ng damit!" ani niya, "Okay po" sagot ko bago umakyat sa taas, hindi na ako nagbanlaw at nagpalit nalang ako ng damit kasi baka maabutan kong luto na ang pagkain at inunahan na ako ni Manang. 

"Tapos na Manang! Tutulungan na kita" sambit ko at lumapit sa kanya, "Oh, simulan na natin" ani niya at nag-suot siya ng apron na kulay puti, inabot naman niya sa'kin ang isang pink na apron na puro flowers ang design. "Suotin mo 'to" sabi niya at inabot ito sa'kin. 

"Manang bakit ganito yung akin?! Let's switch, sa'yo po itong pink akin po yang white" tinuro ko ang puti na apron. 

"Ito nalang pink, mamimili ka pa, nandito na nga sa harapan mo yung para sa'yo" sambit niya at kinuha ang kamay ko at binigay sa akin yung apron. Wala na akong nagawa at sinuot na ito. "Okay, mag-start na tayo" sabi pa ni Manang at binuhay na ang stove at naglagay muna ng mantika at nilagay ang bawang at sibuyas bago ito haluin. 

Finding youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon