LUKE'S POV
Gabi na, naka-upo ako sa sala habang nakapatong ang laptop sa hita ko at tinatapos ko ang aking mga ibang gawain. Patuloy lang ako sa pag-tatype at hindi humihinto. Napatigil lang ako nang marinig ko si Felicia na nagmamadaling bumaba ng hagdan at lumapit sa'kin.
"Kuya! I just found something!" excited na sabi niya at tumabi sa akin, itinapat niya sa'kin ang kanyang cellphone.
Ito ay message ni Ate Frayda sa kanya, sinabi ni Ate kay Felicia na kaklase ni Ate yung fiancée ni kuya.
Sinarado ko ang aking laptop at nilagay iyon sa tabi ko. Nilingon ko si Felicia, "Sinabi ba ni Ate sa'yo kung ano ang pangalan ng fiancée ni Kuya?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa taas na parang doon naghahanap ng sagot. "I remembered he once said her name" sagot niya. "And it starts with letter B, I think?" hindi niya siguradong sabi.
"B?" sambit ko at napatulala. I wonder what her name is.
"Ang tagal na nun eh, nalimutan ko na" sabi niya at napansin kong naiwas siya ng tingin sa'kin. "Felicia" I called her, "Is there something wrong?" I asked. Agad siyang tumayo, "No, everthing's fine" mabilis niyang sagot. "I will now go upstairs kuya, good night" dagdag niya bago umakyat.
Why is she acting like that?
Napailing nalang ako at umakyat na rin ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko, pagkapasok ko ay binagsak ko ang aking sarili sa kama at tinitigan ang kisame. Hindi ko talaga makalimutan ang sinabi ni Felicia kanina, what's her name? My sister said her name starts with Letter B. Sa kalagitnaan nang pag-iisip ko, tumunog ang aking phone, bumangon ako sa kama at sinilip ang phone ko kung ano yun. Nag-chat sa'kin si Cyrus, nagsend siya ng pic niya kasama si Molly. Napansin kong nasa labas sila at nasa park. Nag-reply naman ako, "Thank you for taking care of my dog" . Kakasend ko pa lang ay agad nang may reply si Cyrus sa'kin. "Syempre naman, alabyu pre". Napapikit nalang ako nang mabasa ang reply niya.
"Alam ko namang mahal mo 'ko" sinend ko ito sa kanya.
Nakita kong nagtatype na siya, umupo ako sa kama habang iniintay ang reply niya. Napatingin ako sa bintana ko nang bigla itong lumiwanag sa labas. Lumakad ako papalapit sa bintana ng kwarto ko at nakita ko ang sasakyan ni Kuya at siya lang mag-isa ang bumaba. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa bahay. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog na ito, nag-reply na si Cyrus. "100%, pre. super love kita, mwa mwa" reply niya with matching flying kiss emoji. "Siraulo" ang tanging nasabi ko, naisipan kong pumunta sa kwarto nila Felicia at Ate Frayda, chinat ko muna sila at sinabi kong pupunta ako sa kwarto nila. Unang nag-reply si Ate Frayda, "sure, go ahead". sinundan pa niya ito ng kasunod na chat, "Felicia is in my room right now"
Pagkatapos kong mabasa ang reply niya, pinatong ko na ang phone ko sa desk at lumabas na ako ng aking kwarto bago dumiretso sa kwarto ni Ate. Nang makarating na ako sa tapat ng pinto ay kumatok muna ako bago ko buksan ang pinto at nakita kong nag-boblower ng buhok si Ate at si Felicia naman ay nag-iiskincare. "Pasok, kuya" sambit ni Felicia na nakaupo sa vanity at nakaharap sa salamin.
Tuluyan na nga akong pumasok at umupo sa single small couch, tiningan ko sila pareho na nakatingin na rin pala sa'kin at hinihintay ang pagsasalita ko. Pinatay na ni Ate ang blower kasi baka hindi nila marinig ang kung ano mang sasabihin ko.
"I just have a question" panimula ko, parehas naman silang nakatingin at nakatutok sa akin.
"What is it?" tugon ni Ate, dinadampi niya ang kanyang buhok sa hawak niyang towel.
"Do you know the name of Kuya's fiancée?" tanong ko.
"No!" sabay nilang sagot ni Felicia at medyo nalakasan nila ang pagsagot, nagkatinginan sila sa isa't-isa sabay lingon sa akin.
BINABASA MO ANG
Finding you
RomanceLuke Tyler Perez, a med student, who met a girl that makes his heart flutter. He kept seeing her everywhere he go. Until one day, the girl disappeared, without him knowing that made him go look for her. But he found out something about the girl, rea...