Chapter 2
"Mahuhulog ka talaga sige lang, Philyria!" I blinked my eyes after coming back from my reverie. I raised my head and looked at Marjorie who was standing infront of me with her hand on her waist.
"Why are you shouting?" Nagtatakang tanong ko at hinawakan ang tenga.
Napabusangot ito, "Pag ikaw nahulog sa hagdan papunta sa hotel ng anak mo, aba baka mag memeet up talaga tayong dalawa sa harapan ni San Pedro, sige lang Philyria!"
Tumingin ako sa baba at nakita na muntikan ko na talagang makalimutan umapak sa isang hagdan. I chuckled, "Sorry, di ko nakita."
"Aba, syempre! Kaya nga kita tinawag para makakita ka, bongek talaga oh." Umiling na lang ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad pataas.
"Sina Maria at Juliette, na'san na?" Pagtatanong ko ng marating ang k'warto ng anak ko dito sa hotel.
"Wait ka lang mars, ang bilis mo maglakad, parang di nanay ah," bulong niya bago sinagot ang tanong ko. "Papunta na si Maria dito, si Juliette naman ay nauna na sa simbahan... Excited kasi yung mga anak n'ya, si Rosaline at Romeo."
I nodded my head before knocking on the door. Nakailang katok pa ako bago nabuksan ang pintuan. A smile formed on my lips when the door open and showed my son looking so handsome in the suit we bought weeks ago.
"Mom, you're here! Pasok po kayo," pumasok na ako sa loob at sumunod naman si Marjorie. "Magandang hapon po, Ninang."
"Ang gwapo talaga ng inaanak ko,"
"'Nang! Stop babying me!" Natatawang ani Andrius nang pisilin ni Marjorie ang pisngi nito.
"Ay, baby ka pa naman, Riu.." Umiiling na umupo ako sa sofa na nasa harapan ng kama dahil sa sinabi ni Marjorie. "Ikakasal na ang tao, Marj. Hindi na'yan baby," Birong sabi ko.
Minutes later, the photographer entered the room and we started the photoshoot. Dumating din ang ilang groomsmen na mga kakilala lang ni Andrius. They took multiple pictures and videos for the compilation that will be showed later at the reception. My heart melted as I watched my son be happy. Sa tatlong taon na wala si Fiona sa buhay n'ya, hindi ko siya nakita na gantong kasaya.. Three years after being apart, si Fiona pa rin talaga ang magbabalik sa dating Andrius..
"H'wag kang iiyak, masisira makeup mo." Siniko ako ni Marjorie dahilan para tumingin ako sa kanya.I wiped the corner of my eyes, as if I'm tearing up. "I'm just happy, h'wag kang killjoy."
She rolled her eyes at me, "Pati ba naman sa kasal ni Rius, iiyak ka? Hindi pa ba nauubos ang luha mo kakaiyak since nalaman mo na aalis na ang inaanak ko?"
Napanguso ako.. "H'wag ka ngang killjoy, nag m-moments ako dito!" Iwas ko sa tanong n'ya at tumingin na lang sa anak ko na nakikipag tawanan sa mga kaibigan.
Nagtama bigla ang paningin namin ni Andrius na naging dahilan para lumawak ang ngiti niya. With the sun as his background, he certainly looks like an angel right now. I feel like any moments from now, I would burst into tears. Parang kailan lang ay hawak ko pa siya sa braso ko, hinehele para tumahan sa pag iyak at kayakap habang natutulog.. Ngayon may sariling pamilya na siya na kung saan mararanasan n'ya lahat ng pinaranas ko sa kaniya.
"Mom! Halika dito," Kumaway siya kaya naglakad ako patungo sa kaniya.
After nearing him, the photographer told us to pose for the pictures. Tumayo kami sa gitna. I rested my head on my son's arm as I encircled my arms on his, while my other hand was holding the bouquet of white roses. A smile was plastered on my face but I could feel my eyes tearing up as I look at the camera.
YOU ARE READING
Solitary Affection | Philautia
RomanceDivorced Philyria Agnes often ponder on what went wrong to her marriage with her childhood sweetheart, Anastasius Morgan, who one day, suddenly gave her a divorce paper in the reasoning that he fell out of love. They were happy, and in love. Defini...