002

875 97 43
                                    


ii.

Sadlyf

May hinanakits akong ikwekwento sayo. Hindi ko na kasi kaya saka wala akong mapagsabihin. Hoy, 'wag mo kong pagtawanan dahil seryoso ako. Okay, ganito kasi 'yon. Kanina pumunta kami sa mall ng kaibigan ko na si Shane. Pauwi na kami n'un at habang naglalakad, may nakita kaming mga nagkukumpulang tao at tili ng tili na kala mo walang bukas eh meron naman, then nong mas lumapit pa kami, isa palang mall show. Tapos alam mo ba, VTZ yon!!!!! VTZ!!! Fan kaya nila ako! Bias ko dun si Minmin eh! Ang gwapo niya promise! Ako na nagsasabi sayo, hindi mo na kailangan pang isearch kay pareng google dahil sinasabi ko na nga sayo.

Lumapit kami ni Shane 'tas nakinood din. Pero alam mo? Naiiyak ako... buti pa Shane hindi na kailangan tumingkayad at pahabain ang kanyang leeg kasi kitang-kita naman na niya yong stage dahil matangkad siya samantalang ako ang sakit-sakit na ng paa ko kakatingkayad at leeg ko kakahaba, hindi ko pa rin makita. Nakikita lang eh yong punyaterang likod ng babaeng matangkad na nasa harapan ko.

Ba't ganun?

Sobrang amper.

Naiiyak ako.

Hindi ko na nakakaya.

Hashtag shortproblems

Hashtag masaquette

Nagmamahal,

Pandak na Irene

—x

please do leave some comments guys. thankyou. :)))

short problems | taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon