iv.
Bagong Crush
omg may kwekwento nanaman ako sayo asfdghjkl! salamat talaga sayo hihihi-teka, weirdo ba? hehehe ito na nga, kwento ko na.
kasi kanina, nawawala ka! oo nawawala ka, punyeta mo kasi e, san ka ba kasi nagpunta n'on? hanap ako ng hanap sayo, hayuf. halos maiyak na nga ko dahil hindi talaga kita makita. pa'no kung may makapulot sayong iba?! edi nalaman nila 'yong mga secrets natin?! ang tanga-tanga mo talaga kahit kailangan eh no?! hindi ka nag-iisip. pero syempre, napamahal ka na din kasi sakin kaya ayaw kong mawala ka. ay nako, kilig ka naman diyan~ ayie hahaha.
oke, HEPHEP— kung saan-saan na napunta, aish. so ito na~ 'yon nga 'di ba? sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sayo dahil may bago nanaman akong crush, omg hihihi.
ano kasi— omg I can explain! uhm, kasi, ano— uhm— aaalala ko kasi nasa garden pala kita naiwan! so 'yon pumunta ako d'on, tapos alam mo ba, nakita ko hawak-hawak ka niya, 'yong bago kong crush, shocks ang swerte mong gaga ka! nahawakan ka niya. T_T
tinitigan ka niya at inikot-ikot pa. yong para bang hinahanap kung may pangalan ka, ganern.
lumapit ako sa kanya at biglang inagaw ng marahas ikaw sakanya. nagsisi nga ako e, kasi kala ko masama siyang tao, kala ko gusto ka niyang kuhanin sakin. pero nung napatingin ako sa mukha niya, na crush at first sight agad ako— crush palang okay— narealize kong hindi naman siya mukhang masamang tao dahil ang gwapo niya.
"ah, sayo ba yan?" tanong niya sakin saka napakamot ng ulo-ewan ko nga kung bakit niya kinamot ulo niya? may kuto ba siya- omg, ang cute ng boses niya huehue. "oo, hehehe." sagot ko naman habang nagpapacute-ay joke hehehe, napatawa lang ng awkward, oke? ang gwapo kasi niya ano ba! "uh, sige, alis na ko." saad niya at umalis na agad.
kainis, umalis agad siya. hays. HOY HINDI AKO MALANDI, ANG GWAPO NIYA LANG TALAGA, GWAPO. GWAPO, OKE? SAKA HINDI AKO NAGTATAKSIL KAY BAEK AH? HEHEHE.
nagmamahal,
irene
—x
hi guys, feedbacks, okay? thankyou! :)
BINABASA MO ANG
short problems | taehyung
Teen Fiction[problem series no. 1] "bakit ba ang liit ko?" journal entries bae irene & kim taehyung ft. park jimin on hold. cc. jasperoses ♡