"Okay okay ready na kayo ha? Ako na mag papaikot ng bote tapos bubunot kayo ng isang question pagkayari sasagutin niyo" explain samin ni Jeremy. Wala kasi si ma'am kaya nag laro muna kami ng nakasanayan naming laro.
It's a confession game kung ano ang tanong na napili mo yun ang icoconfess mo. "Sofia ikaw una! aaminin mo na ba ang pagmamahal mo sakin?" tanong ni Lucas pero iniripan lang siya ni Afi.
"The question is, kung may tao kang pipiliin mag stay sino?" sa lahat samin si Lucas lang ang excited sa sagot ni Afi "Siyempre ang pera ko!" lahat kami tumawa sa sinabi ni afi habang ang isa naka simangot.
Pina ikot nila ang bote at sa pag kakataong ito kay Aciel huminto ang bote
"Question, may nagugusytuhan ka na ba?" sa tono ni Max kala mo nag babalita iniintay namin sagot ni Aciel ngumiti siya sa akin kaya naman inirapan ko siya
"Meron pero secret baka isipin ng isa siya yon."Lahat sila tiningnan ako nakakainis bat ako? Di ba pede si Jeremy bakla naman yun eh!
Pag katapos ng laro uuwi na sana ako pero sabi ni Aciel samahan ko siya mukang alam ko na sino ang bakla ngayon.
"Oh san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya kanina pa kami nag lalakad eh "Mag hintay ka di ka ba marunong mag hintay!" kaya hinatak niya ang braso ko saka siya tumakbo.Sa bilis ng takbo namin di ko namalayan na asa isang lugar na kami. "May tubig ka?" tanong ni Aciel hala! May hika nga pala siya bakit kasi siya tumakbo "Oh tubig bili inumin mo na!" kinuha niya agad agad ang tubig. Muka naman di siya masyado nahingalan kasi medyo malapit lang natakbuhan namin hays salamat mapapatay ako ng nanay niya.
"Bakit tayo asa garden?" tanong ko sa kanya "mahilig ka sa flowers di ba?" tumingin ako sa kanya ng nanlilisik ang aking mata
"Kung nag babalak ka patayin ako dahil baka ipasinghop mo sakin lahat yan wag mo na balakin." tumawa siya ng malakas "Zoe are you okay? I would never do that saka dinala kita dito kase garden namin ito."
Dinala niya ako sa napakaraming tulips na tanim"Wow! This is my favorite Aciel andami!" ngumiti lang siya sa akin pumitas kami ng ibang bulaklak para na din iuwi. Pagkatapos inintay namin sasakyan na mag susundo sa amin.
"Iha sabay ka na samin" bati sa akin ni tita. Mommy niya pala susundo sa amin akala ko yung manong eh mangungutang sana ako.
"Buti naman naisipan mo dalin si zoey sa garden anak" tumingin si Aciel "ibebenta niya mom nag hihirap na siya eh." sinuntok ko ang braso niya saka umaaray aray siya na parang tanga
"Dito na lang po ako tita" nag tataka si tita bakit hindi sa bahay namin ako bumaba "iha? hindi ba sa gawi pa doon ang bahay niyo?" si Aciel na nag explain sa mommy niya ng mag sasalita sana ako "bahay ng lola niya mom yan Yaya kasi siya ng pamilya nila"
Sasabunutan ko sana siya bigla sinarado ang bintana ng sasakyan saka umalis kainis, ngumiti na lang ako kasi nakita ko si lola naka abang sa pintuan niyakap ko siya ka agad agad namiss ko ng sobra si lola tagal na din simula nakadalaw ako sa kanya.
YOU ARE READING
Yesterday's Love is Today's Memories
Romantik"Ikaw ang palaging pipiliin ko simula noon at hanggang sa dulo ng ating kwento."