ZOEY'S POV
Naka tulala lang ako mag damag sa terrace namin habang paulit ulit iniisip bakit ako niyakap ng bwisit na lalaki na yon, "alam mo kapatid kung may nagugustuhan ka aminin mo na"
Napatingin naman ako sa likuran ko kanina pa ata ako tinitingnan ni kuya raven "kuya pano mo ba malalaman na nag kakagusto ka sa isang tao?" tanong ko sa kanya, agad agad siyang umupo sa tabi ko saka nag salita "kapag ang puso mo palaging tumitibok pag asa paligid mo siya, kapag namumula ka kapag andyan siya at kapag napapangiti ka kapag ngumingiti siya"
Napakagat na lang ako sa labi kaya nag taka si kuya raven sakin "may nagugusytuhan ka na hano?" tumango tango lang ako. Magsasalita pa sana siya pero tumakas na ako kase panigurado aasarin nanaman ako non.
"San ka punta?" tanong ni Aciel, nakarating na pala ako sa tapat ng gate nila sa boses pa lang niya di ako maka lingon kaya siya na humarap sa akin
"Galit ka ba dahil kahapon? Sorry." tumingin ako sa muka niya nakita ko na parang nag mamakaawa siya na patawarin ko siya
"Hindi naman ako galit, bakit kasi nang yayakap ka agad agad?" bigla niya ako tinalikuran bastos yon ah "kase k-ase...hindi ko din alam."
Ngayon ako naman ang humarap sa kanya saka ko siya tinaasan ng kilay "baka naman minamanyak mo ko ha?!"
Bigla nanaman tumawa ang gago "Hindi kita minanyak. di ba pwedeng niyakap kita kase natuwa ako sa regalo mo?" saad niya habang tinititigan ko siya, nararamdan ko na tumitibok ang puso ko.
Gusto ko nga ba siya? sa lahat talaga sa lalaking reh pa?!
"Sakay ka" di ko namalayan na nilabas na niya yung bike niya sumakay na lang ako ng hindi siya tinititigan habang naka tulala pa din ako sa baba.
Ramdam ko ang hangin at naramdaman ko din ang ibang mga dahon na lumilipad.
"Andito na tayo" napansin ko na asa puno kami na pinuntahan namin nung isang araw "bakit tayo andito?" tanong ko
"May gusto ako sabihin" seryosong sagot niya gumilid ako sa likuran ng puno "Sige ano yon?" saad ko. Ayoko nga siya makita kaya sumandal ako sa likod ng puno
"I can’t understand my heart Zoey every time I see your beautiful eyes smile...sa tuwing tumatawa ka mas lalo akong napapangiti at mas lalo kong nararamdan na..." humarap siya sa akin na iki na angat ng ulo ko saka tumingin sa mga mata niya
"Napatunayan ko na gusto kita Zoey, totoo yon dahil ikaw lang ang babaeng nagpa ngiti sa akin kahit na ang sungit ko para sayo pero iba ang pag katao ko pag dating sayo." Dahil sa mga sinabi niya naisipan ko na din umamin "g-gusto din kita pero natakot ako na baka hindi ako ang type mo." napayuko na lamang ako at naramdaman ko ang yakap niya.
"I'm Aciel Monteverde 16 years old and I'm asking you miss ganda kung pede akong mang ligaw sayo" ngumiti ako at kumalas sa yakap niya saka ko sinabi
"Siyempre malakas ka sakin eh" saka ako kumindat ngayon ko lang naramdaman ang sinasabi ni Daddy sakin dati na kapag inlove ka di mo mapipigilang ngumiti
Mukang totoo ang sinabi niya.
YOU ARE READING
Yesterday's Love is Today's Memories
Romance"Ikaw ang palaging pipiliin ko simula noon at hanggang sa dulo ng ating kwento."