Chapter 1

1 0 0
                                    

Hindi naman niya suguro ako niloloko hindi ba? Hindi naman siguro siya katulad ng mga batang nang-aaway sa akin.

Siya ang unang tao na nakausap ko ng ganito at mukhang may pakialam sa akin. Pero sabagay, hindi naman niya ako kilala kaya ganito siya makitungo. Baka nagi-guilty lang siya dahil iniisip niyang kasalanan niya kaya ako nagkasugat.

“D’yan lang ang amin sa malapit. Kailangan lang talagang malinis ang sugat mo dahil natuyo na ata ang dugo.” Sinulyapan niya ang braso ko.

Habang naglalakad kami, panay ang sulyap niya sa akin. Palagi tuloy akong nag iiwas ng tingin.

Napaawang ang bibig ko nang sandaling tumigil kami sa napakataas na bakod. Ang engrandeng gate nila ay may nakahulmang gintong ‘del Tejero’ sa taas. Dito ba siya nakatira?

Ibig sabihin isa siyang del Tejero?!

Mukha ngang anak mayaman siya pero hindi ko inakalang dito ang kanila. Ang mansyon kung saan nagtatrabaho ang nanay ko!

Si Nanay ay katulong sa mga del Tejero, dalawang taon na rin simula noong lumipat kami sa bayang ito. Ang pamilyang iyon ay kilala sa buong Sierra Pelagios at maging sa buong bansa. Maimpluwensiya sila at maraming mga negosyo. Pero kahit na sa kanila nagtatrabaho si Nanay, hindi ko pa rin sila nakikita lahat. Iisang beses ko pa lang nakikita si Mr. del Tejero, ang padre de pamilya nila, noong isang beses itong bumisita sa school.

“U-uuwi na lang pala ako!” sabi ko at akmang tatakbo pero mabilis ang hakbang niya at naharangan ako ng kaniyang katawan.

“Where are you going?” seryoso niyang sinabi habang madilim ang mga mata.

Hindi ako makatingin sa kanya. Lalo na at isa pala siya sa amo ng Nanay ko. Hindi ko akalaing kasama ko pala ngayon ang pinakaimportante at pinakaginagalang na tao dito sa lugar namin! Base sa mga kwento ni Nanay, tatlong magkakapatid ang mga del Tejero at puro sa Maynila nag-aaral. Minsan lang daw kung umuwi ang mga ito kaya hindi ko agad nalaman kung sino siya.

“Hindi ba’t nagkasundo na tayo na kailangan munang gamutin ang sugat mo? Baka lumala pa ‘yan kapag tumagal dahil sa impeksyon. Maaari mo ‘yong ikamatay,” nakakatakot ang sinabi niya.

“M-mamamatay ako?” nauutal kong tanong.

Pumikit siya ng mariin. “Hindi, kung magagamot ‘yan. Kaya tara na sa loob para… hindi ka mamatay.”

Nanginginig akong sumunod sa kaniya sa pagpasok sa napakalaking gate. Hindi naman siguro kami magkikita ni Nanay sa napakalaking mansyong iyon. Hindi pa ako nakakapunta sa loob niyon pero base sa kwento ni Nanay, sobrang laki talaga noon. Kaya malabo kaming magkita. Hindi rin ako magtatagal doon. Nakakahiyang tanggihan pa siya dahil busy silang mga tao. Napakalaking abala ko na.

May dalawang gwardyang nagbukas ng gate para sa amin. Saglit kong nakalimutan ang sitwasyon ko dahil sa pamamangha sa paligid.

Habang naglalakad kami sa isang malawak na pathway na may mga pine trees na nakahilera sa magkabilang gilid, natatanaw ko ang napakalaking Spanish style mansion. Nakatayo ang mansyon sa gitna ng malawak na hardin at parang natabunan na ang malayong bundok sa likod nito dahil sa sobrang laki. Sa tapat ng mansyon ay nahahati ang pathway sa dalawa. Korte itong pabilog ay mayroon pang malaking leon na nagbubuga ng tubig sa gitna.

Napaawang ang bibig ko nang makita ang napakalaking garahe na may mga magagara at mamahaling sasakyan. Hindi na dapat ako magtaka, ang motor niyang gamit kanina ay mukhang milyones na.

Oo nga pala, nasaan na kaya ang motorsiklo niya? Huwag mong sabihing iniwan niya roon? Sobrang mahal noon at baka pa pagbayarin niya ako dahil nagasgasan iyon ng dahil sa akin! Hindi ko ‘yon kaya dahil bata pa lang ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In a Field of DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon