Chapter 9

16.3K 884 217
                                    

A/N: Maganda pa kayo sa morning!

---

Ink

Putang ina

Sa loob mg dalawang araw na pag sasama namin ni Lou sa bahay, ayon lang ang masasabi ko sa mga nangyari.

Hindi niya pinapatahimik ang buhay ko!

She's irritating me every second that she can! And fucks, I want to hug her neck until she turn violet and dead!

"Ganyan ba pag may asawa na? Laging may duty sa gabi kaya puyat?" Isang irap ang isinagot ko sa hudyo kong kaibigan.

Wala ba tong buhay at laging nandito sa opisina ko.

"Please kung mang aasar ka lang din, AC umuwi ka nalang. Ang sama ng pakiramdam ko" Paos na saad ko.

Umulan kasi kagabi at nabasa ako noong pauwi na dahil walang nagbukas ng gate sa bahay. Kaming dalawa lang kasi ng babaeng palaka ang magkasama. Walang kasambahay, walang driver, walang guard.

Ewan ko sa trip ng parents namin. Nag shoshooting ata ng survival show at talagang iniwan kaming dalawa lang.

Kunot noong lumapit sakin si AC at sinalat ang noo ko.

"Fuck Ink! You're burning!" She exclaimed. Napapikit nalang ako ng madiin dahil ang lakas ng bunganga niya, naririndi ako.

"Tanga, sinat lang yan" Malumanay na sagot ko na ikinataas ng kilay niya.

"Sinat?! Tanga ka din! Pwede na nga magluto ng sunny side up dyan sa noo mo sa sobrang init" Napaka OA talaga nitong bestfriend ko, jusko. Anong akala niya sa katawan ko, induction cooker?!

"Whatever, Anabelle. I'm fine kaya relax ka lang okay? Nakainom na ako ng gamot bago pumasok" Pagpapakalma ko sa kanya. Tulog pa kasi si Lou kanina noong umalis ako ng bahay. Buti pa yong babaeng yon, palate late lang sa pagpasok sa kompanya.

Bakit kasi napaka higpit ni Daddy sakin? Parang hindi pamilya eh.

"Alam ba ng asawa mo na may sakit ka? Bakit ka naman hinayaan pumasok?" Litanya niya pa.

Eto lang ang nakakabadtrip kay AC. Daig pa niya machine gun kung makapag bunganga. Para siyang nanay ko eh. Rapper.

"Hindi. At wala akong balak ipaalam. Manahimik ka nalang okay? Kung tatambay ka dito, let me work and shut your mouth, Chuck" Pinal na saad ko bago nagsimulang basahin ang mga papeles na nakatambak sa table ko.

Mabuti nalang at masunurin din naman si AC kahit papaano. Hindi siya nag ingay.

Yung bunganga niya hindi, pero yung cellphone niya napakaingay!

"Ano ba Anabelle?! Kanina pa may umuungol dyan sa pinapanood mo! Kung manonood ka ng porn, wag dito sa office ko!" Hindi ko na napigilang sigaw dahil naka full volume pa ata ang pinapanood niya.

"HAHAHAHAHAHA tanga hindi to porn! Anime kaya to! Kakegurui ang title" Tawang tawa na sagot niya at talagang hinahampas pa ang leather couch.

Potaenang palabas kasi parang inaano! Bakit kasi parang umuungol gago.

"Hinaan mo kasi! Parang nakikipag chukchakan naman kasi ang sound." Pwede naman kasing mag earphones, napakaeskandalosa.

"Ayaw, baka mabingi ako girl. Ganto nalang, wag mo ako pansinin dahil hindi naman kita pinapakialaman dyan sa pagtatrabaho mo" Aba't siraulo to? Nadidistract ako sa sounds ng pinapanood niya!

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon