Chapter 12

17.3K 764 331
                                    

A/N: Magandang Umaga!

----

Ink

"Nanay Mowwwwww!" Parang batang nagtatakbo ako palapit kay Nanay ng makita ko siya pagpasok sa bahay namin.

Ngayon lang kasi kami nadischarge sa hospital at hindi ko inaasahan na makita si Nanay dito.

"Prinsesa namin!" Nakangiting sambit niya bago ako ikulong sa akap niya.

Namiss ko talaga si Nanay. Simula bata kasi ako siya na talaga kasama ko eh.

"Bakit po kayo nandito? Namiss niyo na ba ang kagandahan ko?" Natatawang tanong ko habang nakasubsob sa dibdib niya.

Dibdib ng Ina Mow! HAHAHAHAHA

"Sasamahan mo na kayo dito simula ngayon. Natakot na ang Mommy mo dahil sa sabay na pagkakasakit niyo ni Lou" Saad niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Talaga po?!" Mula sa pagkakasubsob ay napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pumalakpak!

May kasama na kami dito! Hindi na lang ang kanang kamay ni Lucifer ang kasama ko!

"Oo, 'nak." Ngiting ngiti na sambit niya.

"Nanay Mow, magandang umaga po" Sabay kaming napatingin ni Nanay sa bagong dating na si Lou.

Nauna kasi akong bumaba sa kanya dahil kinausap niya pa si Kuya Tynt, na naghatid saming dalawa pauwi.

"Lou, hija. Mabuti naman at ayos na kayong dalawa" Nanay Mow walk to Lou and give her a hug. Katulad ko ay close din sila dahil nga close kami dati okay? Ulit ulit?

"Nasan na sina AC?" Tanong ko habang nakatingin sa may pasukan ng kitchen. Kasunod kasi ng kotse namin kanina ang kotse ni AC kasama si Pearl.

Silang tatlo nina Kuya ang kasama namin sa hospital sa loob ng tatlong araw na naka confine kami ni Lou.

Niyaya ko sila dito sa bahay para ipagluto. Pasasalamat sa pagbabantay samin kahit sakit ng ulo lang ang tinamo ko kapag silang dalawa ang nag uusap.

Hayop hayop kasi ang mga tanong nila sa isa't isa, hindi kinakaya ng utak ko.

Kahit nga si Kuya Tynt na stress daw ang kagandahan dahil sa dalawang baliw na biglang nagkasundo sa kaabnoyan!

"HELLO PELIPENS AND HELLO WORLD!" Sabay sabay kaming napalingon nina Nanay sa gagong si AC na biglang sumigaw kasunod si Pearl na pumapalakpak pa sa tabi nito.

See? Bagay sila. Parehong abnormal.

"Eysi!" Nakangiting bati ni Nanay Mow sa bestfriend ko.

Ang AC naman ay kumaway kaway pa na parang kasali sa Miss Pangkalawakan: Alien Edition.

"Nanay!" Napaka OA ni AC.

"Oo nga po pala, Nay. Si Pearlyshell po, sisiw ko" Rinig ko ang mahinang pag tawa ng babaeng palaka matapos marinig ang pagpapakilala ni AC kay Pearl. Potaena, ginawang sisiw amp.

"Sisiw? Hello, anak! Kaibigan ka ba nina Lou?" Tanong ni Nanay matapos yakapin sina AC at Pearl.

Ang bait ni Nanay Mow no? Syempre nagmana sakin!

"Kaibigan po ako ni Lou, Nanay. Pearl po ang pangalan ko hindi Pearlyshell" Magalang na sagot ni Pearl.

Akala mo naman kung sinong napakatino HAHAHAHA sabog din naman.

"Kung ganon ay welcome na welcome ka dito. Ako nga pala si Nanay Mow" Kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Pearl pati na din ang pangingilid ng luha nito.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon